Cherie's POV
"What I am deeply concerned is about Nate's condition. Walang kasiguraduhan kung kailan sya magigising lalo na kung ano ang mangyayari kapag nagising siya."mahabang sabi ko nang ako naman ang kamustahin ni Mrs. Castañares. Nakalimutan ko na naman ang pangalan niya pero wala naman talaga akong pakialam sa kanila ng anak niyang manloloko. Ngumiti ako. "Basta ipagdasal nalang po natin na sana ay magising na siya dahil doon po tayo makakampante."
"Thank you, doc."nakangiting tugon niya. Doc. Ang tagal kong pinaghirapan ang titulo na yan. Pero hindi naman ako nagdoktor dahil sa title. Nagdoktor ako dahil gusto kong gumamot ng mga may sakit. Hindi ko naman alam kung anong gamot sa manloloko kaya wala akong magagawa kay Nate kung kahit paggising niya ay ganun parin siya. "Narinig ko na kaibigan mo raw si Abbriana? Tama ba?"
Tsismosa.
"Ah, yes po. Opo. Kaibigan niya po ako."minsan naiinis ako kapag may nagtatanong sa personal na buhay ko. Wala naman silang pakialam kung sino ang kaibigan ko at kung sino ang hindi. Pwede namang tanungin kung saan punta ko pagkatapos ko dito tapos minsan ang itatanong pa sa akin kung ilan na ang naging ex ko? Bakit, yung ex ko ba ang gagamot sa kanila? "Bakit niyo po natanong?"
"Ikaw daw kasi ang pinakagalit sa anak ko dahil sa nagawa niya sa kabigan mo."natatawang sabi niya. Ano namang nakakatawa? "Pasensya ka na, doc. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang mga kaibigan. Mas nagagalit pa kapag nasaktan ang kaibigan nila."
"Nako, madam. Hindi naman po."tanggi ko. Pero talagang galit na galit ako kay Nate. Masama naman ang hilingin na wag na siyang magising so hehe. "Mahal na mahal ko nga po si Nate e, napakabait nya po sa amin. Napaka generous pa po niya sa amin. Nakaka disappoint po na nagcheat siya pero hindi naman po ako galit."
Umalis narin kaagad ako matapos icheck kung nakainom na ba siya ng mga gamot. And the moment I stepped out of her room, napairap na agad ako. God, I hate pakikipagplastikan.
Sunod ko namang pinuntahan si Nate sa kwarto niya. Wala naman akomg gagawin, ichecheck ko lang baka deds na.
"Oh, ba't nag iisa ka? Asan yung kapre mo?"bungad ni Abby nang maabutan kong paalis na ang dalawang abogado. "Kawawa ka naman."
"Si Grant? Ayun, ginagamit ang leave sa paglandi. Umabot pa ng Caloocan."sabi ko na bahagyang natatawa habang iniimagine na dumadamoves si Grant. Ew. "Kidding. Nasa Caloocan yon, pupunta sa family niya. Pero baka manliligaw nga."
"Bahala siya sa buhay niya. Aalis na kami."sabi nalang ni Abby at piniling hindi nalang ako yakapin dahil maraming pasyente na daw ang nadaanan ko. Kapal naman ng mukha ng babaeng to. "Marami pa kaming gagawin sa trabaho."
"Nagtatrabaho ka na ulit?"gulat na sabi ko at tumango namn siya. "Maganda yan, oras na para mag ipon. Magpamilya na kayo habang bata bata pa."
"Nasa plano naman yon."sagot ni Abby na siyang nagpakunot ng noo ko. "Sige kunyari, nagtataka ka."
Agad din silang umalis kasabay nang tuluyan kong pagpasok sa kwarto ni Nate. Nailipat na siya ng kwarto dahil stable na siya at under monitoring nalang kung kailan siya gigising. Wala akong kasama ngayon dahil nasa Caloocan si Grant. Good for him, makakasama niya si Margo the love of his life. Maganda yon at malapit na siyang magkaasawa. Ayaw ko namang tumanda na kasama si Grant no. Dapat siyang magkaasawa. Gusto ko namang maging ninang no.
Napatingin naman ako kay Nate na mapayapang ntutulog sa kama niya. Minsan kapag bibisita ako dito, naiisip ko na tanggalin yung oxygen niya or takpan siya ng unan sa mukha para madedo na. Kaso magagalit sa akin nanay niya, saka kuya niya, saka si Abby, matatanggal ako sa trabaho at mawawalan ng lisensya, tapos magkakasala pa ko sa diyos kaya wag na lang. Hindi rin naman aabot sa ganon ang galit ko sa kaniya.
YOU ARE READING
Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]
Roman pour Adolescents"You need that. You guys are both hurting. Travel." (Project Series #2)