13

16 6 0
                                    

WARNING: basta warning 'to.

"Tama na ang iyak, Abby. Kasalanan mo yan. Itinaboy mo at ngayong hindi nagpapakita o nagpaparamdam sayo, nagagalit at umiiyak ka."

"Dalawang linggo na ang nakalipas tapos nagpapakalugmok ka dyan. Dapat nag aasikaso ka ng mga requirements mo dahil baka hindi ka pa mag third year."

"Abbriana Femina Acosta, no requirements = no third year. No third year = no gradute. No graduate = no law school. No school = no attorney before your first name."

"Magtigil ka sa paghilak oy. Dili ko kinagwapa iyan."

Nang matapos ako sa pagkausap sa sarili ko ay pumasok na ako sa banyo para maligo. Mag aala una palang naman kaya aabot pa ako sa pagpapasa ng nga requirements para sa mga second year. Sa isang buwan ay bakasyon na at next year naman ay third year na ako. Pero magti third year lang ako kung makakapagpasa ako ng requirements.

Hindi ko na kasi magawa yon sa loob ng dalawang linggo dahil iyak lang ako ng iyak.

Sa loob ng dalawang linggo ay sinisisi ko ang sarili ko dahil ako naman ang talagang may kasalanan.

Simula ng una kaming magkita ay palaging suot ng babae o stereotype sa kababaihan ang pinagtatalunan namin. Hanggang ngayon na magkarelasyon na kami ay iyon pa ang naging dahilan ng away namin.

Kung tutuusin ay hindi naman dapat pag awayan yon pero talagang noon pa man ay hindi ko hinahayaan ang mga ganoon.

Bakit nga ba?

FLASHBACK

Dahil araw ng linggo ngayon ay kasama kong muli ang aking Lola para magsimba. Madali lang naman ang mga gawain ng isang grade 2 student para sa akin kaya mamaya ko na lamang gabi gagawin.

"Ang ganda naman ng apo ko."agad akong napangiti nang marinig ang boses ng aking Lola nang palabas na kami sa simbahan.

Pakiramdam ko rin naman ay maganda ako. Haler. Manang mana kaya ako sa Mama kong maganda. Nasa lahi na namin yon, duh.

Inayos niya pa ang bistida kong lampas sa aking tuhod at mahahaba ang manggas.

"Amiga, andyan ka pala!"

Nagpaalam sa akin ang Lola ko dahil may tumawag sa kaniya na mga kakilala niya. Tanaw ko naman sila pero malayo na sila sa akin at nagkakasiyahan na. Palagi naman ganito ang eksena dahil palagi namang may tumatawag sa Lola ko pagkakatapos ng misa.

Minsan ay nakikipagkumustahan. Minsan naman ay tungkol sa negosyo. Ito yata ang bunga ng pagiging isa sa pinaka maimpluwensyang pamilya sa lalawigan ng Batanggas.

Acosta ang apilyedo ng pamilya namin at ang pamilya namin ay kilala sa mga dekalidad na musical instruments. Iyon ang negosyo namin dahil lahat sila ay pawang mga musikero o di kaya ay manganganta.

May mga branches narin kami sa ibang bansa kaya doon na nagsstay sina Mama at Papa pero umuuwi naman sila kapag may oras kaya hindi ako nalukungkot. Nasa bahay ako kasama ang aking Lola lang dahil wala naman akong mga kapatid. Wala kaming katulong o bodyguard dahil ayaw daw nina Mama at Papa na lumaki akong walang alam sa gawaing bahay. Kaya yung iba naming kapitbahay ang nagtuturo sa aking gumawa sa loob ng bahay. Minsan naman ay ang aking Lola.

Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]Where stories live. Discover now