Nagsimula ang strand week sa opening program. Since kami ang choir, kami ang kumanta ng National Anthem, CALABARZON March at ang hymn ng Elite Academy.
Pagkatapos non ay nagbigay pa ng mga opening message at opening remarks ang mga school coordinators, ang school principal at si Sir Anton tsaka niya kami pinakilala at kumanta naman kami.
Nagulat kaming lahat nang mag- iba ang takbo ng strand week. Hindi kami naging teacher students at ginawa kaming mga canteen staffs!
Can you imagine Philip and Gwenny saying----
"Bili na kayo mga vevs! Mura lang may sukli ka pa! Pasok mga suki, presyong elitiera. Sampu, sampu, bente, trenta at iba pa!"
Speaking of Philip and Gwenny. Yan. Ganiyan na ganiyan sila dati nung junior pa kami at nagtitinda sa food fair kaya talagang nakakahakot sila ng magtitinda.
At ako naman? Hulaan niyo----
"5 products is equivalent to one hug and one kiss, everyone!"sigaw ko at lalo pang dumami ang bumibili sa akin.
At no, hindi galing sa akin ang free hug and kiss na yon. Sumama si Fornaxian motorcycle rider sa akin dito sa loob. Pinapasok naman siya ng guard. Wala daw siyang pasok ngayon kaya gusto niyang tignan kung anong meron sa event today.
Dati pala siyang nag aaral dito! Nagtransfer lang siya sa Fornax Academy nung grade 8 siya at nainip daw siya dahil sa tagal na nawalan ng pasok dito. That was years ago. Grade 8 din ako nun. Almost 4-5 months kaming online class dahil nirenovate ang school. Dati itong Dawn University. Pag- aari ng kambal na sina Natasha Dawn at Nathalia Dawn. Pero nang magkapamilya ang dalawa ay ibinenta nila ito kay Miss Barbara Elite. Siguro kung tatantsahin ko, sunod siya kay Fornax Miller na pinakamayaman sa bansa o sa asya. Iba rin kasi 'tong si Miss Barbara e. May ari ng ilang branches ng Barbara Clothing Line, may school pa siya at ang pinakasikat niyang Elite's Katana. Bahala na kayong umalam kung anong mga binebenta niya doon.
So yun nga. Going back to the topic, dinudumog kami dito sa stall na naka assign sa akin dahil nag offer siya ng isang hug at isang kiss kapag bumili ka ng limang product. Ang mga kerengkeng naman, hindi lang lima ang binibili. Minsan ay sampu. Minsan ay bente at jusko. Pinapakyaw para lang makanakaw ng halik kay kuyang Fornaxian.
So alas dos palang ng hapon, ubos na ang paninda ko!
Naawa nga ako kay Kuya Fornaxian kasi halos mapunit na yung uniform niya sa kakahatak ng mga estudyante. Lalo na yung mga grade 7 na nagkakapalan ang liptint, cheektint, eyeliner at mascara. Mga talande. Natanggal na nga yung pagkakabutones nung polo niya kaya nakikita na yung dibdib niya. Kinailangan ko pang sabihin na "oy, nagla live show ka na diyan o" bago niya ibutones yung polo niya. 'Di ba alam neto na the word "sando" exists?
Sobrang dami pa ng paninda ng apat at tapos na ako kaya uuwi na ako. Bukas hanggang friday ay wala na akong task dahil natapos ko na ngayon. Ibang batch naman bukas. Kaya parang bakasyon narin ako.
Paalis na sana ako ng hilahin ako ni Cess sa gilid at bumulong.
"Saan mo nasungkit yan, Abby? Mahirap sumama sa mga hindi mo kakilala. Baka marape ka pa."
"Taga subdivision lang siya Cess. Don't worry. Mag iingat ako."tugon ko and we bid our goodbyes.
Hirap talaga pag bunso. Laging binebaby.
"Bye mga sissy. Work harder para magandang future ay ma conquer!"
Kinawayan lang nila ako bago sila bumalik sa pagtitinda.
Sumabay naman sa akin si Kuyang Fornaxian sa paglalakad papuntang parking. Ihahatid niya daw ulit ako dahil uuwi narin daw siya.
Tumambay muna kami sa may compark dahil maaga pa naman at ayaw ko pa namang umuwi. Haler, baka may mumu don noh. Ayaw ko namang makipag chukchakan sa mga espirito dun, duh.
YOU ARE READING
Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]
Genç Kurgu"You need that. You guys are both hurting. Travel." (Project Series #2)