Epilogue Part 2 (Vaughn's Bestfriend)

4 2 0
                                    

Eriech's POV

"Kanina ka pa dito sa bahay namin a? Ayaw mo man lang akong tulungan maglinis ng bahay."

Inagaw naman niya ang walis ko tsaka kumuha si kinakain kong macaroons. Ibang klase din tong lalaking to. Bestfriend ko si Vaughn pero hindi nagsasabi ng problema. Sabi niya kay Abby, maraming pinapagawa ang parents niya. Pero ang totoo, ayan. Nagmumukmok.

"Magsalita ka kasi. Magsasalita ka ba o babarilin kita? May baril ako sa ilalim ng cou--"

"Naiinggit nga kasi ako, hindi ba halata?"mahinang sabi niya bago sumalampak sa couch ko. "Mahal niya parin yung ex niya. Sobrang tagal na. Gusto ko nang maglabas ng sama ng loob sa kaniya. Gusto ko na siyang sabihan ng massakit na salita para naman matauhan siya na nasasaktan din ako sa mga ginagawa niya. Dinate niya ako ng pagkatagal tagal tapos habang dinedate niya ako, mahal niya pa ang ex niya? Nakakasakit kaya siya ng damdamin. Hindi man lang siya makaramdam na nasasaktan din ako. Kasi kung nakakaramdam siya, edi sana hindi niya ipinapakita sa akin na mahal niya pa yung ex niya. Ayos lang naman kahit niya ako bigyan ng label basta makalimutan niya lang yung ex niya e. Hindi ko alam kung baliw ba siya at patuloy niyang sinasaktan ang sarili niya. Mahal ko siya kaya ayaw kong nasasaktan siya. Kaya nga kahit nagmumukha akong baliw, sinasamahan ko siya para maka move on e. Kaso wala. Nasisisi ko na lang ang sarili ko minsan kasi wala akong magawa."

Natahimik naman ako at hindi nalang nagsalita. Inagaw ko ang walis at sandaling kumain bago ipinagpatuloy ang paglilinis pero hindi ko rin napigilang umimik, "E ano pang ginagawa mo? Bat nandyan ka pa sa kaniya?"

"Iniwanan na siya ni Nate at hinding hindi ko ipaparamdam sa kaniya ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Never ever."

"Oh e ayun naman pala."tsaka ko siya binato ng tsinelas ko na hindi niya nailagan. Sapul sa ulo. "Edi wag kang kumuda nang kumuda."

"E anong gagawin ko?"nawawalan ng pag asang sabi niya.

"Samahan mo lang. Lalambot din yan sayo. Bobo ka kasi e. Napaka mainipin mo. Tapos kapag nasasaktan ka na, aalis ka at magdadahilan tapos dito ka tatambay sa bahay ko, ayaw mo man lang kalaruin ang anak ko. Napakasama mo."

Tumawa kang siya tsaka pumasok sa loob ng kwarto ni Adriel hanggang sa narinig ko na naglalaro na sila ng kung ano mang laro sa computer yon. Pinagmasdan ko naman ang kaibigan ko at napailing.

Ganiyan yan araw araw. Sasabihin sa akin na patambay muna. Kapag naman tatanungin ko na kung bakit iniwanan niya si Abby, sasabihin niyang nagdahilan siya na emergency sa bahay.

Ewan ko ba kung bakit napaka walang utak niya. Ayaw niya pang iwanan yung babe. Well, oo mabait siya at maganda and all pero diba? Stick where you benefit nga kasi.

Masyado kasing mabait si Vaughn kaya ayan nagpapakatanga sa isang babae na hindi naman niya sure kung makakatulutan niya.

Pero magaling ang tadhana dahil sa isang iglap, nasa harapan ko na si Vaughn at umiiyak dahil ikakasal na siya.

"Ngumit ka naman mamaya ha."sabi ko sa asawa kong si Ranz. Dahil nakasalamin na siya, nagmumukha siyang masungit kapag hindi nakangiti.

"Yes, mahal ko. Ngingiti ako, exclusively for you."kindat niya pa.

"Ikaw naman."pagharap ko kay Vaughn at inayos ang tie niya. "Napakapangit mong umiyak, para kang arabong sadboi. Parang awa mo na, tumahan ka."

"Why are you always like that? I want to punch you now."

Natawa naman ako at binitawan ang tie niya. Tumahan naman siya at tumingin sa amin.

"Ikakasal na kami. I kinda wish, Calyx is here."

"Wala na naman tayong balita sa kaniya mataga--"

"I'm here."

And to our surprise, biglang lumitaw si Calyx sa likod ko kaya nagtakbuhan kami at niyakap siya. Matagal rin siyang nawala at hindi man lang nagpaalam.

"Marami kang ikukwento."sabi ni Baste sa tabi.

"Soon."

Nagsimula ang ceremony at nang matapos naman ito ay naghiwalay muna ang newly weds para ientertain ang mga bisita.

Lumapit naman ako kay Abby at saka bumulong,

"Congrats, Mrs. Kasunuran."

Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]Where stories live. Discover now