Cherie's POV
"Doc, I have a question."tanong ng nanay ni Nate. Pumunta kaagad siya dito nang malaman niyang gising ang anak niya. "Is it possible to wake up in 4 days after getting hit by a 6 wheeler and then suddenly have an amnesia?"
"Well, we have to be honest here, hindi pa natin alam kung amnesia nga ba ang nangyayari or temporary memory loss lang."tugon ko. "We have to wait for the results and it will be out this afternoon. Sana lang po ay hindi siya amnesia."
"Ang alam ko lang kasi sa amnesia ay walang maalala pero ano ba talaga yon?"tanong naman ni Abby sa tabi ko. Nang sabihan kasi siya na gising na nga si Nate ay agad silang pumunta ni Abby pero hindi pa sila nagkikita at hindi daw talaga siya magpapakita hangga't hindi natatapos ang kaso.
"Well, amnesia. Yes, it's a memory loss pero it doesn't affect a person's level of intelligence, general knowledge, awareness, attention span, judgment, personality or identity. Yung mga taong may amnesia, usually, they can understand written and spoken words and can learn skills such as bike riding or piano playing. Pwede rin nilang maintindihan na may amnesia sila. Marami po kasi tayong kind ng amnesia, Attorney. Meron po tayong Retrograde amnesia which is nawawala ang mga previously made memories. Meron pong Anterograde amnesia which you can't form new memories pero pwede naman pong temporary lang. Meron din po tayong tinatawag na TGA or Transient global amnesia na mahirap iexplaim pero kapag may ganon ka, makaka experience ka ng confusion and agitation sa memories at magpapaulit ulit yon for several hours. And last naman ay ang Infantile amnesia where hindi mo maaalala ang 3 or 5 or mas matagal na buhay mo."
"Wala akong maintindihan."naiiyak na bulong nanay ni Nate.
"Sasamahan na po kayo ni Doc. Kai sa room niyo at ipapaliwanag nya po ulit ulit hanggang sa maintindihan niyo."
Pagkatapos noon ay umalis na silang dalawa ni Doc. Kai. Naiwan naman kaming tatlo kaya umupo nalang kami sa bench sa labas. Marami narin akong naencounter na ganiyang pamilya ng pasyente. Minsan nawawala sila sa wisyo kapag pinag uusapan ang pamilya nila. Hindi sila maka focus at hirap na hirap silang mag cope up gaya nalang ng nanay ni Nate sa kondisyon niya.
"Sana nga magka amnesia nalang si Nate para hindi nalang niya ako maalala for a while."nalukungkot na sabi ni Abby na sinabayan pa ng buntong hinga.
"The hell, Abby. Be careful what you wish for."mahinang sabi ko. "Kung infantile amnesia ang meron siya, posibleng hindi na siya makaalala. Anong for a while for a while ka dyan."
Nagulat naman siya sa sinabi ko pero agad din nakabawi. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din kung bakit wala nga siyang maalala. Pagdating sa mga ganitong bagay, nabobobo talaga ako. Siguro ikinkahiya na ako ng med school na pinasukan ko.
Pero hindi naman siya gaanong napuruhan sa pagkabangga a? I mean, hindi tumama ang ulo niya. Nabalian siya sa braso at binti pero ayos lang ang ulo nya. Ayaw ko namang isipin na magkaka amnesia siya dahil hindi yon pwede. Dapat maalala niya ang kagaguhang ginawa niya. Hindi naman ata ako makakapagyag na basta basta nalang mapuounta lahat ng luha ni Abby sa lahat.
Talagang hanggang ngayon ay pikon parin ako. Sobrang tagal na e. As in sobrang tagal na. College pa yon. Nagtatrabaho na kami ngayon.
"Nagulat ako, slight. Next week na yung hearing."biglang sabi ni Vaughn kaya napatingin kami sa kaniya. Bakit ba parang minamadali lahat ngayon? Baka naman pwedeng madaliin nalang din ang buhay ni Nat--. Char. "Pero don't worry, Abby. Ready na tayo."
"Ako, hindi ako ready."pagpoprotesta ko pa. Napataas naman sila ng kilay at tinanong kung bakit. "Padalhan niyo kami ni Grant ng security. Kami yung doktor ni Nate, delikado kami. Tsaka si Doc Kai, yung sub."
Tumango lang naman sila. Aba. Baka mamaya ako naman ang masagasaan dito no. Mahal ko naman ang buhay ko no kaya gusto ko pang mabuhay ng matagal. Pero as if naman papayag akong masagasaan. Hindi naman ako ganon katanga.
"Preggy daw si Gwenny a? Sabi niya sa akin over the phone. Lilipat na din daw sila ng house sa Palawan. Kasama si Rakki."pagdaldal ko ng balita kay Abby at tumango naman siya kaagad.
"Hindi ako ready sa ganon, yung maghihiwa hiwalay tayo kasi may family na."
"Pero kailangan. Though, hindi ako sure kung magpapamilya ako, alam kong kailangan nating maghiwa hiwalay in the future."tugon ko naman. "Mahirap maging dependent sa tao, Abby."
"Pero wag muna kayong aalis ni Grant. Ang hirap kaya kapag kakaunti."malungkot na sabi niya. Imposible naman yata dahil baka bukas makalawa, mag asawa na si Grant. Sana ibenta niya nalang sakin yung bahay niya para di na kami titira sa isang bubong, ayoko nga.
Pero ang sarap niyang magluto so 50/ 50.
Nagpahinga lang ako saglit nang makaalis ang dalawang abogado at inantay ang resulta ng test ni Nate sa neurologist niya. Napakayaman, daming doktor. I was actually satisfied dahil expected ko na ang result. Nagulat ako syempre. Pero hindi ko muna sasabihin sa kanila. Sa amin nalang muna to ni Doc. Kai.
"Sa atin lang tong dalawa, doc. Kapag kumalat to, ikaw lang ang sisisihin ko."
Pagkatapos ng mahaba habang oras ng pagtatrabaho ay dumating din ang alas 11 ay uuwi narin ako. Pero syempre, dinaanan ko muna ang manloloko. Sa gulat ko naman ay ayun siya at gising pa habang binubuklat ang benda sa kamay niya.
"Wag mo ngang galawin yan."sigaw ko at nagulat naman siya sa biglang pagpasok ko. "Kung hindi ka lang baldado, binanatan kita."
Nakatingin lang siya sa akin at humiga muli ng maayos. Chineck ko lang naman ang makinang nakakabit sa kaniya. Wala na namang bawas ang tubig niya. Sana madehydrate to.
"Wag mo kong artehan."sabi ko nang makitang ko kung paano siya nagpapaawa sa akin. Ano naman kayang hihilingin nito.
"Do you know, Abbriana? Please. I want to see her. Nag away kasi kami over the phone kagabi dahil tumawag siya bago mag christmas e I'm with my friends."
Napipikon ako dahil wala siyang maalala. Hindi niya maalala kung paano ko binasag ang binatana ng sasakyan niya pagkatapos ng gabi na yon kung kailan sila nag away ni Abby. Hindi niya maalala kung paano lo ibinato sa kaniya pabalik ang stetho na regalo niya noong graduation. Wala talaga siyang maalala.
"Please, hanapin mo siya. Nag away kami. I don't want her to break up with me."
Wala man sa sarili ay lumabas ako ng kwarto at umuwi na. Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Abby. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nawawalan ako ng talino sa ganitong bagay.
Hindi ko alam kung saan ako magfofocus.
Sa lagay ba ni Nate, o sa lagay nila ni Abby?
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Vote, Comment & Follow for more updates!♡
You can contact me on:
Facebook: Cherie Lou Jacobo YasonThank you for reading!!
YOU ARE READING
Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]
Teen Fiction"You need that. You guys are both hurting. Travel." (Project Series #2)