09

22 10 21
                                    

"Hi! Ako nga pala si Abbriana. Ako lang yung nandito kasi nagsha- shopping sina Gwenny, Karran at Philip tapos nasa Library ng Lipa si Cess  kaya tayong dalawa lang dito hehe."pag papakilala ko sa kaniya. "Sorry medyo makalat a."

"Ano ka ba ayos lang noh. Tulungan mo na lang ako maglinis mamaya tpos tiktok tayo after."sabi niya tsaka nilapag sa kama niya ang dalawang maleta niyang dala.

Iniwan ko naman muna siya sa pwesto niya at pumunta na ako sa maliit naming study table at tsaka ako bumalik sa pag- aaral.

Marami namang mahihirap na subjects pero talagang Legal Ethics pa ko nahirapan. Ewan ko ba kung bakit ganoon e mukha namang nadadalian yung apat. Unfair a.

Umalis silang lahat at naiwan naman akong nag iisa, nagdurusa, sa piling ko'y wala ka na at may minamahal na ngang iba. Nasanay na ang puso na kasama ka. Hinahanap parin kita ikaw lang at walang iba. Umiiyak ang puso ko. Joke!

Iniwanan nila ko kase lahat sila nakapag aral na kagabe samantalang ako nakipag date lol. Pero nakapag aral pa naman ako. Tapos mga 2:00 am na ko natulog like the usual.

Si Nate naman, wala din ngayon kasi may pinapatrabaho sa kaniya si Sir Fornax kaya talagang kung wala tong si Ate ay mag- isa.

Pagkatapos ko namang mag aral ay tinulungan ko si Ateng mag tupi ng mga damit niya at maglagay sa drawers.

"Nakakagutom naman. Wala bang makakain diyan hehe."

"Meron naman."sagot ko tsaka pumunta sa maliit naming fridge at kumuha ng pizza. Habang iniinit ko naman iyon ay nag- uusap kami.

"Kapag nagugutom ka, kahit wag ka nang magpaalam kuha ka na lang ng pagkain kung anong makita mo dyan sa fridge."sabi ko.

"Osige. Techuu mami. Kapag may food den akes, kuha na lang din kayo."tugon niya naman.

Habang kumakain naman kami ay naistorbo kami ng maintenance para kuhanin yung basura namin tsaka binigyan kami ng extra pillows and blankets.

"Ganto pala dito. May pa sponsor. Pwede ba to iuwi?"

"Pwede daw. Nakapag uwi na nga ko ng tatlong unan galing dito e."sagot ko.

"Mukha talagang mayaman si Sir Fornax. Naol."

8:00 pm na pero wala pa yung apat. Nagsscroll lang ako sa ig habang inaantay yung apat at si Ate naman ay natulog muna. Gisingin ko daw siya kapag nandiyan na yung mga yon para daw makilala niya. Sabi ko naman ay wag na para makatulog na siya pero she insisted kase mag aaral pa daw siya.

Habang umiinom ako ng yakult ay biglang narinig kong mag vibrate yung phone ni Ate. Sa pagaakalang alarm yon ay chineck ko pero iba ang nakita ko.

Kyla De Guzman
<Happy Birthday Sissy!! Mwah mwah chup chup!!

Agad ko iyong binaba at nag message sa gc naming lima nina Gwenny, Philip, Cess at Karran. Sakto naman kakasabi nila na nasa SM pa sila. Bago ako mahsend ng message ay niremove ko muna si Cess.

A T T O R N E Y s

Karran
<Nasa National BS si Gwenny nabili lang ng libro.
<Tas ako at si Philip ay nasa merchandise store. Nabili nang BE albums hehe.

Gwenny
<Mga hindi man lang ako sinamahan.
<Baka makidnap ako ni Iuhence mga sissy.

Philip
<Shuta.
<Natural pag si Iuhence, sasama ka.

You removed Cess Mabiling to the group.

Philip
<Vevs...
<Natatanga ka na naman.

Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]Where stories live. Discover now