23

8 2 0
                                    

"Pero Abby, hindi kami matutuloy."

Agad akong nanlumo nang marinig ang sagot ni Cherie. Gustong gusto ko nang umalis dito. Kung kaya ko ngang mag ibang bansa ay gagawin ko pero wala naman akong pera.

"We postponed it. Nabalitaan namin na nag ibang bansa yung ex kuno ni Cherie kaya dito muna kami. We decided to stop studying for a while. Magtatrabaho kami for us to support ourselves sa Med School kaya wala munang aalis."

Buong gabi kong iniisip ang gagawin ko dito dahil panigurado namang hindi ko maaatim na magpalibot libot dito sa Batanggas sa pag iisip na anytime ay makikita ko siya. Makikita ang ang... boyfriend ko.

Hindi ko rin alam kung bakit hindi pa ako nakikipaghiwalay. Ayaw niya rin naman e. Hindi ko rin kaya. At hindi ko kakayanin. Pinangarap ko to. Na maging kami at makasama siya habang buhay. Hindi ko man lang napansin na unti unti na siyang nawawala sa akin. May third party pa.

Dun ako mas nasasaktan e. Na nakahanap siya iba. Na nakahanap siya ng mas better sa akin. Mas tahimik. Siguro minsan naiinis na siya sa sobrang ingay ko. Siguro napapangitan siya sa boses ko tuwing kumakanta ako. Siguro ang taba taba ko na. Siguro talagang hindi naman niya ako nagustuhan, una palang.

Nate calling....

Agad kong nagulat nang makita siyang tumatawag. Nag aalinlangan man ay sinagot ko iyon dahil narin sa maiingayan ang mga katabi ko.

[(Labas ka.)]

Tahimik akong lumabas habang balot na balot pa ng kumot nang dahil sa sobrang lamig. Paglabas ko ay naabutan ko siyang nakaupo sa pathway. Tumayo naman siya kaagad namang makitang paparating ako.

"Bakit wala kang sapatos? Masyadong mala... n-nevermind."

Tahimik lang akong nakatayo at kahit nilalamig na ang mga paa ko ay inaantay ko lang kung anong gagawin o kung anong sasabihin niya. Ayokong mag expect na makikipaghiwalay siya kasi kahit alam kong wala nang pag asa, naiisip ko parin na one day, maayos namin to at mababalik kami sa dati.

"Magsalita ka na, nilalamig na ko."

Nagulat ako ng hubarin niya ang coat niya. At inilapag yon sa lupa para doon ako tumapak na agad ko namang ginawa. Wala akong choice, baka kung mapano pa ako. Umupo siya sa motor niya na dahilan kung bakit naiyak na naman ako. Yung motor na yon....

"Hatid na kita."

Tandang tanda ko yon. Hindi ako nalate sa program dahil hinatid niya ako. Tinulungan niya pa akong makabenta that day. Hanggang sa araw araw na niya akong hinahatid at sinusundo sa campus. Akala ko nung naging kami, kami na hanggang huli. Kami parin naman e pero parang label na lang yung nandyan. Wala na yung feelings. Wala nang love.

"Mula ngayon..."

"Mula ngayon hindi na kita susunduin. Hindi narin kita ihahatid. Hindi na kita pupuntahan sa bahay mo para turuan ng mga hindi mo alam. Hindi na kita babatiin sa birthday mo. Hindi na... hindi na kita titingnan bilang girlfriend ko."

Dire diretso niya yong sinabi yon na parang ang tagal niyang kinikimkim sa sarili niya. Na parang kating kati na siyang sabihin yon. Na parang gustong gusto na niya akong iwanan.

"Mula ngayon, bahala ka na sa buhay mo. Tapos na tayo."

Naiwan akong umiiyak sa may kalsada. Hindi ko alam kung ilang oras akong iyak lang ng iyak sa ilalim ng kumot ko pero naramdaman ko pa nang dahan dahan akong inalalayan ni Paula at Karran papasok sa bahay.

"How can he... do this?"hindi makapaniwalang tanong ni Karran na siya ring tanong ko. "I mean, madaling araw nakipaghiwalay? Hindi ba pwedeng ipagpa umaga nalang?"

Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]Where stories live. Discover now