Synopsis

55 17 1
                                    

Siya si Abby.

Maraming nagsasabing mahinhin siya at para siyang anghel kung kumilos.

Pero nag iiba ang awra niya sa tuwing kasama niya ang kaniyang mga barkada o kaya kung kanino siya kumportable.

Lumalabas ang pagiging makulit at maingay niya.

Palaging mong maririnig ang mga tao na sinasabing "nakakahawa ang ngiti at halakhak niya" at batid ng lahat na walang kasinungalingan doon.

Siya ang pinakabata sa grupo kaya naman siya ang may pinakamaraming atensiyon na nakukuha at pagmamahal na natatanggap. Sa kaniyang barkada man o sa kaniyang pamilya.

Siya naman si Nate.

Ang lalaking kahit lamok ay hindi kayang saktan. Kahit ipis na nakakasuka ang hitsura ay binubugaw niya lamang at hindi inaapakan o pinapatay. Pero bakit kapag para kay Abby ay kaya niyang makipagbugbugan?

Mabait siya pero hindi mo iyon mahahalata dahil mukha siyang masungit at suplado. Pero bakit parang kapag kay Abby ay nag- iiba siya?

Ang Nate na palaging nakakunot ang noo ay biglang palagi nang nakangiti? Hmm...

Dala ni Nate ang isang proyekto,

Ito ba ay ang saktan siya at wasakin ang puso niya? O...

-------------------------------------------------------------

Project Series 2/6
Enjoy Reading!!

Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]Where stories live. Discover now