15

20 6 1
                                    

"Hoy, Nate. Anong plano mo sa holiday?"

Namimili kami ni Nate ngayon dito sa SM Lipa ng mga sweaters at pajamas dahil taglamig na. Ber-months na nga pala at malapit na ang pasko. Kaya naisipan ko narin na magtanong sa kanya pero sa pagkakaalam ko ay kung hindi sila pupunta sa States ay yung Dad naman ni Sir Fornax ang pupunta dito sa Pilipinas para mag celebrate ng Pasko at Bagong Taon.

Ako naman, baka dito lang ako sa Lipa at hindi na ko uuwi ng Cuenca sa Pasko. Siguro sa Bagong Taon na lang ako uuwi para makasama ko rin sina Mama at Papa.

Nagulat ako ng tumigil sya sa pagtulak sa cart at humarap sa akin, nakapamewang at nakakunot ang noo.

"What did you call me? It's supposed to be honey not hoy. I'm not Supremo's cat, you brat."

Natawa naman ako ng bahagya. Para konting bagay oh. Natawa na lang din sya dahil sa sobrang isip-bata nya.

"Mom said we'll gonna... uhm.. fly to States to spent Christmas with... with Tito Drax and then she said, I should... ano... uhm... spend the New Year with you daw."

Putol putol ang pagkakasabi nya dahil kada salitang lumalabas sa bibig nya ay kumukuha sya ng damit sa mga racks at itinatapat sa katawan ko. Kahit hindi naman siguradong sakto ay kinukuha parin nya. Ang iba naman ay sinasadya nyang lakihan at liitan para kina Cess, Gwenny, Paula at Karran. Binilhan niya rin kanina si Philip.

Alam ko na agad na ganitong eksena ang mangayayare kahit ang usapan lang ay sa aming dalawa ang bibilhing mga damit at KKB kaya naman sinabihan ko na yung lima at pinadalhan naman nila ako ng pera. Hindi din naman to tatanggapin ni Nate kaya hindi ko alam ang gagawen.

"Ikaw na lang mag-pay, you want?"alok nya sa akin at agad naman akong um-oo. Binugyan nya ako ng pakening credit card na hindi ko gagalawen.

Nagpaalam siya na mag ccr ng kami na ang magbabayad.

"That's 257,000 pesos in total, Maam."nagulat man sa presyo ay maayos kong naiabot ang credit card naming magkakaibigan.

First year college kami ng naisipan namin na magkaroon ng credit card para sa aming lahat. Pera namin yon. Mula sa mga kanta namin at sa mga pinagbentahan ni Paula ng mga designer bags nya. Kaya proud kame at hindi kami nanghihinayang gastusin to dahil dugo at pawis namin to haler.

Iniabot ko kay Nate ang card nya nang makarating kami sa exit. Kung ano ano naman ang pinagpipipindot nya sa cellphone nya kesyo tinitignan daw kung magkano ang nabawas. Ako naman tong si kakaba-kaba.

"Wait, honey. Why naman walang nabawas na money sa card ko?"nagtatakang usal nya at napangiti lang ako ng hilaw.

"Pera ng squad ang ginamit ko. Ang laki masyado e. Hayaan mo na."

"Abby naman e, sabi ko ako na."

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makasakay kami sa sasakyan. Habang nasa byahe ay sinasabi nya na wag nang uulitin yon pero patuloy akong tumatanggi. Pera nya yon at pera ng pamilya nya kaya kahit boyfriend ko sya ay hindi dapat ako basta nalang payag nang payag na gastusin ang pera nya.

"Nate, boyfriend kita. Hindi Papa de Asukal."

Agad namanng napakunot ang noo nya. Dahil traffic ay nagkaroon pa sya ng pagkakataong lumingon sa akin.

"What the hell is a Papa de Asukal?"para syang inis na inis doon sa salitang yon.

"It's a father that is coated with a lot of sugar. Gets?"

Lalo lang syang nalito dahilan para marawa ako. Kitang kita ko sa binatana na napatingin ang mga katabi naming sasakyan sa lakas ng tawa ko. Aba nga nama't ngayon lang nakakita ng magandang humahalakhak.

"Oh now I get it. Sugar Daddy. Duh, paying for you needs and wants doesn't mean I am being a Papa de Asukal. Haler."

Natigil naman ako sa pagtawa nang marinig ang tagline ko.

"Sakin yon ah. Mang aagaw ka ha."

Napangiti naman sya at nagpatuloy sa pagmamaneho sa katamtamang bilis lang. Bumaba kami ng sasakyan ng makarating kami sa mataas na lugar. Ewan ko kung saan to. Pero sa view sa taas ay kitang kita mo yung city lights. Para ka lang nasa New York City.

"Ganon talag siguro if you're used to someone."mahinang sabi nya pagkahigop sa kape nya. Nakikinig lang naman ako.

"You'll adapt to their personality. You'll start to be influenced by the way they speak, the way they act, the way they move. And every little things they do, surely you'll be used in doing that too."

"I was just really a cold and unbothered person before  I met you. I rarely smile. Heck, I don't even make titig to anyone maliban kay Mom and Kuya."

"Things gets different depending on whom you're with kaya. Since napaka masayahin mo, nahawa ako."tumingin sya sa akin at sabay kaming natawa.

"Akala ko, lahat ng first nakakatakot. Kasi nung nagpatuli ako, nakakatakot. Nung sumakay ako ng ferris wheel, nakakatakot. Pero nung naging girlfriend ko ikaw, i just feel so happy and complete."

"I can't ask for more."sabi nya habang sinusuot ang jacket nya sa akin.

"Ano yon? Wedding vow?"natatawang tanong ko at natawa nalang din sya.

Talagang nang una kong matitigan si Nate ay mukha talaga syang poker figure na nilagyan ng mukha pero nang tumingin sya sa akin ay ngumiti sya. Yon ang nakakapagtaka.

Masaya ako na nakakapagpasaya ako ng tao. Kapag malungkot ako at pinepeke ko ang mga ngiti ko, tapos may mga nahahawa don sa ngiti na yon, nagiging totoo narin ang ngiti ko. Nagiging masaya narin ako.

Kahit wala silang sabihin sakin o kahit hindi sila magpasalamat na napapasaya ko sila, ayos lang kase halata naman na thankful sila at sa wakas ay naging masaya din sila.

"Kahit ako, wala na akong mahihiling pa. Siguro good health at sana ay maging abogado tayong lahat. Yun na lang."tsaka ko sya niyakap.

"I love you."bulong nya.

"Likewise."

"What the fuck is that word, huh?!"sigaw nya bago kumalas sa bisig ko.

"Charot, labyu mwa mwa chup chup."

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote, Comment & Follow for more updates!♡

You can contact me on:
Facebook: Cherie Lou Jacobo Yason

Thank you for reading

Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]Where stories live. Discover now