01

54 17 14
                                    

"Sissy, dalian mo diyan. Baka pagalitan na tayo ni Sir 'pag nalate tayo."

Dinalian ko na ang pagliligpit ng gamit ko dahil kanina pa ako minamadali nitong si Karran nato. Kakatapos lang ng klase namin at papunta na kami sa music room dahil may practice na naman daw ang Elite Singing Sweethearts. May mahalagang anunsiyo din daw si Sir Anton.

"Kanina pa rin doon nag aantay si Gwenny."

"Oo eto na nga. Kalmahan mo lang. Ang puso. Myocardial Infraction is real."napairap naman siya sa kawalan.

Pagkatapos kong maglipit ay pumunta kaagad kami sa music room at wala pa naman ang lahat.

"Hi mga sissy!"bati sa amin ni Gwenny. Siya si Gwyneth Stephanie Evangelista. Siya ang pinakamakulit at pinakamadaldal sa aming tatlong magkakaibigan. Siya ang nagpapanatili ng kasiyahan sa pagkakaibigan namin. Kaya kapag magkakasama kami ay hindi talaga kami nalulungkot. Minsan "Abibi" ang tawag niya sa akin.

"Hi sissy. Sorry late kami ng konti."tugon naman ni Karran. Siya naman si Karran Iddhyle Viñas. Sa aming tatlo ang siya ang pinakamatalino. Kapag may nahihirapan sa amin sa mga gawain sa school ay palagi siyang nandiyan para tulungan kami. Sa kaniya palaging nagmumula ang mga salitang "tulungan, hindi hatakan pababa". She sometimes have this serious awra that you won't even dare to annoy her. Pero hindi naman talaga sa ma- attitude. Parang limitado lang talaga sa kaniya yung level ng biruan dahil kapag sumobra ay napipikon siya bigla.

"Vevs, Can't help falling inlove aaralin natin ngayon."bigla namang sumulpot si Philip kasama ang iba naming myembro sa pintuan ay hawak na nila ang kopya ng piyesa na gagamitin namin.

Ang Elite Singing Sweethearts ay grupo naming mga pawang babae na pare parehong manganganta. We have one boy, Philip Mykel Calingasan whose a multi. He can sing in both tenor and bass voice. Siya naman ay ang boy version ni Gwenny. Katulad ni Gwenny ay maingay din ito pero kapag kasama lang ang barkada. Kapag iba ang kasama nito ay madalas itong magsungit at magsuplado.

Inilalaban kaming sampu sa mga competitions at minsan naman ay kumakanta kami kahit hindi school ang nag aya. Minsan ay sa binyag. Minsan ay sa kasal at kung ano ano pa.

At ako? Ako naman si Abriana Femina Acosta. Sa pangalan ko mukha akong mahinhin pero haler!

It's a prank! Hindi ako mahinhin noh, duh.

I am a grade 12 student, HUMSS strand. Simula grade 7 ay nasa ESS na kami nina Karran, Philip at Gwenny----

"Tanggalin mo nga yang saklob mo Philip. Nasa loob ka na't lahat e. May masamang pamahiin kaya tungkol diyan."

Bigla namang nagsalita si Cessy. Siya si Nicole Prencess Mabiling at siya naman ay ang nanay nanayan ng grupo. She always believes in myths at kung ano ano pang mga naririnig sa mga matatanda. Pero kahit ganon ay siya ang pinaka matured mag isip. Kalkulado ang galaw. She's responsible for giving us advices which later on brcoke life lessons at katulad naman ni Philip ay sa barkada lang din siya nagiging kalog. Siya ang may pinaka magandang boses sa amin kaya't siya ang napiling maging leader ng Elite Singing Sweethearts.

So ayun nga, simula pagkabata ay magkakaibigan na kaming lima at hilig namin ang pagkanta. Pare- parehong nasa ibang bansa ang mga magulang namin. Magkakasama kami sa isang bahay na pinag ambag ambagan ng parents naming bilhin at may tatlong taon narin kaming nakatira don.

"Dahil malapit na ang strand week, medjo mapapadalas ang practice natin ngayon dahil magpeperform kayo ng kanta para sa opening program strand week."

Lahat ay natuwa sa anunsiyo ni Sir Anton lalo na ako. It was my favorite ocassion among all. Medjo nalate nga lang ang strand week namin ngayon. Bukod sa walang klase ay palagi kaming nagpeperform ng kanta. Minsan ay ginagawa din kaming student teacher. Our school's strand week are different from other's. In Victorian Academy, they have booth so their strand week looks like a school fair.

Oplan: Byaheng Broken Hearted [COMPLETED]Where stories live. Discover now