Chapter 51: Welcome Back!

51 1 3
                                    

I was out of breath. It seems like I'm inside a deep and dark abyss before I woke up. All I can see is this two pair of green eyes staring intently at me. Kaya wala na akong ibang magawa kung hindi ang imulat na lang ang mata ko kasabay ng paghinga ko nang malalim.

Pero hindi ko inaasahan na sa paggising ko, sasalubungin ako ng mga matang katulad ng nasa panaginip ko. For a while, I stopped breathing.

“Y-you're E-ezniel...” Yun lang ang mga katagang lumabas sa bibig ko.  Si Ezniel ang green-eyed man na nakilala ko noong birthday ko. Wala man akong ebidensya na si Lucind at Ezniel ay iisa pero naniniwala naman ako.

Bumakas sa mukha ni Luk ang pagka-gulat pero napalitan din ito ng masayang ngiti. This time, nakahinga na siya nang maluwag at naka-sandal na sa upuan malapit sa kamang hinihigaan ko.

“I'm glad. You're awake. Who's Ezniel?” He asked while his forehead is creased.

Tumawa na lang ako sa isip ko. Ofcourse hindi niya aaminin iyon. Pero para sa akin, silang dalawa ay iisang tao na ngayon. Hindi ko alam kung paano ko biglang naisip 'yon pero naniniwala naman ako sa sarili ko.

“Gaano na ako katagal na natutulog?” Pagbabago ko sa usapan.

“You've slept for two days, miss sleeping beauty.” Luk answered while eating some grapes.

My mouth gaped. Two days?! Really? “Sino ang nagbibihis sa akin kung gano'n?!” Nanlalaki ang mga mata kong tanong.

Binigyan ako ni Luk ng nakakalokong ngiti na sinabatan pa ng pagtaas at baba niya ng kilay. Omaygash. This can't be.

Pwersado akong umupo at nagkrus ng braso habang nanlilisik na tinitingnan si Luk. “WAG MONG SABIHING IKAW?!”

Nakita kong tumawa si Luk nang kaunti. “Chill ka lang, ano ka ba. Nagbibiro lang naman ako. Syempre yung female nurses sa team natin ang nagbibihis sayo.”

“Team? Nasa Cepheus na tayo?” Hinihingal kong tanong. Nakakahingal pala ang sobrang galit. Hindi na dapat 'yon maulit pa.

He nodded. “Yes, Your Majesty. Welcome back to Cepheus.”

Doon ako natulala. Oo, excited ako na makabalik. Pero hindi ako sigurado kung handa na akong balikan ang lahat ng nandito. Nag-aalangan pa ako. Kaya ko na bang harapin ang lahat? Lahat ng mga ala-ala? Lahat ng mga iniwan ko? Si Zandra, si mama, at ang D.E. Hindi ko alam.

Pero nandito na rin naman ako, wala na akong magagawa. All I need to do is to face all of my fears with the help of the people who believe in me. But before that I have to do something.

“Pwede na raw ba akong maka-alis?” Baling ko kay Luk.

He looked at me, confused. “Our doctor said na you need more rest. Kaya 'wag ka munang masyadong gumalaw.”

“I'm fine na. May gagawin lang talaga akong importante.” I rolled my eyes. “Who says I follow doctors advice? I've slept for two days and I think that's enough.”

Mabagal man pero tumayo pa rin ako at naglakad. I am perfectly fine. Wala akong nararamdaman na iba. I can manage.

As I reach the door, Luk called me. “Anastasia, can I come?”

“No.” Hindi lumilingong sagot ko sa kanya. I want to visit Lola Emilia's house all by myself.

Minutes passed and I saw myself walking through this familiar alley. Kung saan ko nakilala si lola. The memory of lola taking me to her house is still fresh. Hindi ko inaasahan na madadamay siya sa mga nangyayari sa buhay ko. I owe her an apology.

Tahimik ang paligid, hindi gaya ng dati na puno ng tao ang mga kalsada. Siguro ay dahil palubog na rin ang araw. Sa dalawang buwang pag-alis ko, I don't think something has changed. Cepheus is still the same.

The Princess In Disguise (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon