Chapter 39: Rule Number Two

56 8 0
                                    

Rule number two. Blend in the crowd.

Naalala ko ang sinabi sa akin ni papa no'ng tinuruan niya ako kung paano matutunan ang art of disguising. At ngayon ay ginagawa ko 'yon.

Even though hindi naman masyadong kailangan, but still...

Naisip ko, kailangan ang pangalawang rule sa sitwasyon ko ngayon. I'm now here in the Philippines, where our language came from, at hindi ko ito sariling kaharian. In short, dayuhan lang ako. But I don't want anyone knowing me about being a princess, well, except ofcourse for Lucind. Gusto ko ng bagong buhay kahit sandali lang. Gusto kong normal lang na tao ang pagkakakilala nila sa akin. Kaya heto ako ngayon. Hayst.

But I think, mahirap gawin ang rule na ito ngayon. I cannot perform it properly kahit na maraming tao, lalo na sa lugar na ito. Bakit? Kasi kanina pa ako kinakabahan. Hindi ko alam kung nasaan ako, at ang malala pa nito, hindi ko makita si Luk at Ace.

Siguro mag-iisang oras na akong palakad-lakad dito sa loob ng mall sa kahahanap sa kanilang dalawa. Kanina pa rin ako dito lingon ng lingon para lang makita sila pero wala eh. Hindi ko sila mahanap. Kaya mapapansin talaga ng mga tao na hindi ko alam ang lugar na ito. Kasi naman eh!

"Asan na kaya sila?" Bulong ko sa sarili ko. Sumasakit na rin ang paa ko sa kalalakad. Sinisigaw ng utak ko na umuwi na lang pero hindi ko talaga alam kung saan ako uuwi. Wala nga akong kaalam-alam sa lugar na ito maliban na lang sa nasa loob ako ng mall.

May tinitingnan lang kasi ako no'n sa isa sa mga stalls tapos bigla na lang silang nawala. Hindi man lang nila naisip na hindi ko alam ang luhar na ito. At hindi pa nagpaalam...or nagpaalam talaga sila sa akin pero di ko narinig. Geeeezzzz.

Narinig ko kasing may sinabi si Ace sa akin pero hindi ko nabigyang pansin dahil busy ako sa tinitingnan ko. Pag-lingon ko bigla silang nawala, nag-panic na rin ako. Akala ko maaabutan ko pa sila kapag umalis ako sa kinatatayuan ko pero anong nangyari sa akin? Naligaw lang ako. Naiiyak na ako.

Dinala ako ng mga paa ko sa isa sa mga pintuan sa mga malls. Siguro ay babalik na lang ako dun sa hotel kung saan kami nagcheck-in nila Ace. After kasi naming makarating galing Spain, sa hotel muna kami nagpahinga since gabi na rin no'n. Ngayon dapat kami pupunta sa pansamantalang tuluyan ko habang nandito pa ako sa Pilipinas after namin magshopping pero hayst.

Nakalabas nga ako ng mall pero nagtaka ako dahil wala namang mga tao sa labas. Pintuan pa ata sa likod ng mall ang nalabasan ko dahil nang lumingon ako sa kanan ko, doon ko nakita ang di kalayuang kalsada, at sa harapan ko naman ay mataas na pader.

Tinahak ko ang makipot na daan papunta sa highway. Medyo nakakakaba rin dito kasi may mga napapanood akong movies na yung mga bida, napupunta sa ganitong klaseng lugar tapos may mangyayari sa kanilang masama. I tried to wash the thought away dahil ayoko namang lamunin ako ng kaba ko lalo na't hindi ko alam kung nasaan ako.

"Ate, kahit barya lang po."

Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ng mahinang boses na halos pabulong lang. Hinanap ko kung saan nanggaling ito at nalaman ko na ang may-ari ng boses ay isang binatilyo na...pulubi.

I looked at my left and right, and noticed something. Bakit dito siya namamalimos?

Kapag kasi namamalimos ako, do'n ako sa mataong lugar pumupunta, hoping that people would give me something. Syempre gawain ko 'to eh.

Pero maybe pagod lang siya kaya naisipan niyang magpahinga sa walang katao-taong lugar. Mahirap rin kasi ang mamalimos. Ako mismo ay naranasan na ang bagay na 'yan. At nakakapagod talaga.

"Ate?"

I flinched a bit hearing the boy's voice. Bumalik kasi ang ala-ala ko sa Cepheus kaya medyo nakalimutan ko ang tungkol sa bata.

The Princess In Disguise (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon