"Ate, kuya, palimos po. Pangkain lang po." Inilahad ko ang mga palad ko sa mga taong palakad-lakad sa kalsada, ngunit ang iba'y hindi man lang ako mabigyan kahit isang tingin.
Nandito na naman ako sa lungsod para gawin ang aking nakasanayang trabaho. Ang mamalimos.
Lakad-dito lakad doon. Sobrang daming taong pabalik-balik, pero kahit isa ay hindi man lang ako binibigyan ng pansin.
"Ate, sige na po. Gutom na po ako."
Hindi ko alam, pero nalulungkot ako. Wala pa kasi akong nakukuha kahit isang barya lang. Umalis ako sa pwesto ko at lumipat sa kabilang kalye.
"Ate, kuya, palimos po. Pangbili lang po ng pagkain," pagmamakaawa ko.
Nagpalakad-lakad pa ako habang namamalimos. Lumalapit din ako sa mga taong hinihingian ko pero hindi man lang nila ako tinitingnan. Ang iba pa nga ay tinatakpan ang ilong nila at nilalampasan ako.
Maya-maya ay may lumapit sa aking isang matanda. Paika-ika siyang maglakad. Sobrang payat niya at kuba pa. Mukha siyang may sakit. Maputi na ang lahat ng buhok niya at maraming kulubot sa mukha.
"Hija, gutom ka na diba?" tanong niya sa akin.
Tumango-tango naman ako.
"Sumama ka sa akin. Wala akong pera ngayon, pero may pagkain ako sa bahay. Malapit lang dito ang bahay ko. Ayun oh." May itinuro siyang bahay sa dulo ng kalye.
Napangiti naman ako. Kung sino pa yung matanda at walang pera, siya pa ang nakapansin sa akin.
"Okay lang po ba sa inyo na may kahati kayo sa pagkain niyo?"
"Walang problema sa akin."
"Sige po."
Sinamahan niya ako papunta sa bahay niya. Maliit lang ito at medyo sira na ang bubong. May isang kwarto at maliit na lamesa. Pinaupo niya ako sa isa sa dalawang upuan doon. Nasa gitna ng mesa ang isang lampara na iniikutan ng isang gamu-gamo.
"Um, wala po ba kayong ilaw?" Tanong ko sa kanya.
Itinuro niya ang isang bombilya na napaliligiran ng sapot ng gagamba.
Sa kabuuan, malinis naman talaga ang bahay ni lola, kahit medyo maliit at walang gamit, maliban na lang sa kisame na hindi natatanggalan ng agiw. Siguro ay hindi na ito kaya ni lola tanggalin dahil medyo mataas. Dito ko nakita na kahit maliit lang ang bahay at medyo hindi kagandahan, kapag malinis ito ay maayos tingnan."Meron naman hija. Kaso matagal ko ng hindi nagagamit. Matagal na kasi akong naputulan ng kuryente dahil wala akong perang pambayad. Kahit kasi wala akong masyadong gamit dito na pinapatakbo ng kuryente, mahal pa rin ang binabayaran ko. Kaya inilaan ko na lang sa pagkain ang kinikita ko kaysa magbayad ng kuryente."
Tumango na lang ako. Inilapag niya ang isang tinapay sa lamesa at binigyan ako ng isang basong tubig. Umupo siya sa katapat na upuan.
Sinimulan ko na ang pagkain. Habang kumakain ako ay pinagmamasdan niya ako.
"Gusto niyo po ba?" wika ko sa kanya.
Umiling naman siya. "Mamaya na lang ako kakain, mauna ka na."
Lumingon naman ako sa paligid pero wala na akong ibang nakikitang pagkain. Imposible namang nakatago sa kung saan. Dapat nakikita ko na yun kasi kaunti lang ang gamit dito sa bahay.
"Nasaan po ang iba niyo pang pagkain?"
Nagtataka lang kasi ako kung bakit wala akong makita. Eh wala naman ditong pwedeng ibang paglagyan ng pagkain maliban sa kusina na walang kalaman laman maliban sa dalawang plato na ginagamit ko ngayon ang isa, isang baso at kutsara, na nakaimbak sa gilid.
BINABASA MO ANG
The Princess In Disguise (Under Editing)
AcciónAno nga ba ang tungkulin ng isang prinsesa? Pangalagaan ang kanyang nasasakupan? Kumilos bilang isang leader? Magpaka-prinsesa? Para kay Anastasia, tapos na siya sa mga ganyan. She had enough. Sawa na siyang maging sunod-sunuran at sumunod sa rules...