Chapter 48: The Assassin

41 1 0
                                    

Everyone's weird today. Kanina ko pa pinapanood ang balik-balik na mga ulupong sa harapan ko. They kept on walking but no one would give me an attention. Kahit katiting lang. Feeling ko nga hindi nila ako nakikita eh.

Oo na, alam kong ayaw nilang sabihin ang nangyayari sa kanila ngayon pero mali naman siguro na hindi nila ako pansinin. Hindi naman ako mangungulit kung anong pinagkaka-abalahan nila. Binigyan ko ng tingin si Scion na kanina pa tipa nang tipa sa kanyang laptop bago umalis sa couch na kina-uupuan ko. Kukuha muna ako ng malamig na tubig para mainom.

Ilang hakbang lang bago ako nakarating sa pinto ng kusina pero nagtaka ako dahil sarado ito. I slowly twisted the doorknob but it's locked. Ibig sabihin, may tao sa loob. Bakit naman nila isasara ang pinto ng kusina?

Inilapat ko ang tenga ko sa pinto para makinig ngunit mga bulong lang ang naririnig ko. Lumuhod ako at yumuko sa siwang na nasa ibaba ng pintuan. Sana na lang wala sa aking makakita dito dahil siguradong pagtatawanan nila ako sa posisyon kong ganito.

"We're going. Prepare your car."

"Yes, my Lord."

Ah so si Ace at Luk pala ang nag-uusap. What's with the formality?

"Tayo lang dalawa ang pupunta. Scion and Lucian will act as our support incase something happens," rinig ko ang madiing boses ni Luk sa loob.

"And what about Ana?"

My forehead creased when I heard my nickname. What about me?

"Hindi siya pwedeng sumama. 'Wag na lang tayong magpakita sa kanya bago umalis to avoid questions."

Agad akong tumayo at naglakad papunta sa parking lot. I'm done! I cannot handle my curiosity anymore. Kung ayaw nilang sabihin sa akin kung ano ang nangyayari pwes ako ang aalam.

While marching towards the parking lot, I was rooted in my place after I realized that I don't exactly know the car that they will use. Napa-iling na lang ako bago dumiretso sa Mustang ni Ace. Sa pagkaka-alala ko kasi ito ang narinig kong gagamitin nila.

Isiniksik ko ang sarili ko sa compartment sa likod habang hinihintay sila. Sana nga ito ang gamitin nila. I don't wanna waste my effort sa pagsiksik dito.

I shut my eyes while waiting for them.  Maya-maya lang ay nagsimula na akong huminga nang malalim. Nanlalamig din ang katawan ko habang bumabalik sa akin ang ala-ala noon sa Cepheus. Paulit-ulit na nagpi-play sa utak ang imahe ng drug lord noon na may tattoo ng Dead-End Organization. I was catching for my breath but thanks to the sudden starting of the car's engine, I was able to open my eyes.

Hindi nagtagal ay umandar na rin ang kotse at doon ko na lang ibinigay ang focus ko kaysa mag-isip ng mga bagay-bagay.

I chuckled. I thought I'm brave enough to go back to Cepheus. Pero kulang pa yata eh.

Nagtaka ako dahil mukhang tahimik sila sa loob ng kotse hanggang sa tumigil ang makina. Ngayon ko lang naisip na seryoso sila ngayon sa kung anumang gagawin nila. Parang naka-work mode sila.

Halos tumalon ang puso ko nang biglang malakas na sumara ang pinto. I need to hurry up o hindi ko na sila maaabutan.

Umupo ako at palabas na sana nang bigla kong maalala ang suot ko. I face-palmed. I forgot na bawal pala akong makilala and I don't have things to disguise my self. At isa pa, nakapang-bahay lang ako!

Ipinalibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kotse. Anong gagawin ko?
Bumagsak ang tingin ko sa black na bag na katabi ko dito sa likod. I opened it only to see some clothes.

Pinili ko ang isang leather leggings at white na off-shoulder blouse. Medyo nagdadalawang isip pa ako kung susuotin ko ito pero wala na akong choice. Madali akong nagbihis at inayos ng konti ang buhok ko. Inabot ko ang nag-iisang rubber shoes at tumakbo na palabas.

The Princess In Disguise (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon