Chapter 45: Handcuffed

27 1 0
                                    

Bigla akong napahinga nang malalim na para bang galing ako sa matagal na pagtulog. My head is aching at medyo nahihilo rin ako. Some parts of my body is aching too lalong lalo na sa may pulsuhan. Hindi din ako makagalaw kaya nanatili akong walang kibo sa loob ng ilang minuto.

What in the world just happened to me?

I was observing my surroundings for a while and concluded na hindi pa ako nakakapunta sa lugar na ito. Pinakiramdaman ko rin ang hinihigaan ko. It is soft and very comfortable to sleep on.

"Ano bang nangyari sa akin?" I whispered habang nakatagilid pa rin. My left hand is in a very weird position, behind my back and I can feel a cold metal touching my wrist.

Then I remembered something. Pumunta ako sa garden, dumuyan sa swing tapos biglang may nagtakip ng panyo sa ilong ko.

Doon lang ako tuluyang nagising, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ibig sabihin...nakidnap ako!

Mabilis akong napa-upo pero kasabay no'n ay ang sobrang pagsakit ng pulsuhan ko. Tiningnan ko ang pinagmumulan ng sakit pero gano'n na lang ang gulat ko ng makita ko na nakaposas ang kaliwang kamay ko.

Mas lalo pang nanlaki ang mata ko dahil nakita ko si Luk na nakatitig sa akin.

In just a second, my heart beats with a thousands of rhythm simultaneously. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko at mabuti na lang ay nagawa ko. Siguro dahil na rin sa kaba...takot? Kaya ako nagkakaganito. I don't know.

"Luk?" I called in a hesitant voice. Hindi ko kasi alam kung papansinin niya ako.

Umusog ako palapit sa kanya nang nanatili siyang walang imik. I slightly leaned on his shoulder.

"Sorry na. That's just a dare. Hindi ko naman talaga kasalanan eh," paliwanag ko. "Nag-laro lang kami nina Ace ng mini-game tapos 'yon ang iniutos nila sa akin. Sorry na, patawarin mo na ako, please."

Again, wala siyang reaksyon. He just stared at me kaya huminga na lang ako nang malalim.

Ito ba yung sinasabi ni Ace na sila na ang bahala? Paa-amuyin nila ako ng chloroform, ipo-posas at ilo-lock sa isang kwarto kasama si Lucind? What a nice plan!

Sa tingin ba nila papansinin ako ni Lucind sa ganitong sitwasyon? Pa'no na lang kung hanggang bukas ay mananahimik lang siya at hindi ako kakausapin? This is really their solution to my problem? Hindi ako makapaniwala! Parang hindi nila naisip na si Luk pa rin ang magdedesisyon kung kailan siya magsasalita at kailan niya ako papansinin. This is really...awkward.

I stared at the blank wall for a minute dahil hindi ko na talaga alam kung anong mangyayari sa akin, sa amin dito sa loob.

"Are you...okay?"

Nagpanting ang mga tainga ko dahil sa isang boses. I blinked many times before I realized that Lucind spoke! He spoke!

Binalingan ko siya ng tingin habang bakas pa rin ang pagka-sorpresa sa mukha ko. "Ako ba ang kinaka-usap mo?"

"No, I was talking to the girl behind you." Pinaningkitan niya ako ng mata.

I chuckled. Nakahinga na rin ako nang maluwag. "Nice try. Pero bati na talaga tayo?"

He nodded. "Oo nga. Hindi ko kayang hindi ka pansinin lalo na't magkasama tayo sa isang kwarto at naka-posas pa. So...are you okay?"

"Yup! Mas okay pa sa okay. Although some of my body parts is aching," sagot ko.

"Anong gusto mong gawin ko diyan? Halikan ko?" Pabiro niyang tanong.

"Lucind! 'Wag ka ngang magbiro ng ganyan, lalo na sa ganitong sitwasyon. I'm getting goosebumps," saway ko sa kanya.

The Princess In Disguise (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon