“Zie...Talaga bang itutuloy mo 'to?”
Pinalibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kastilyo. “Yes,” I said with full determination.
Malamig ang simoy ng hangin ngayong gabi kaya dapat ay hindi ako magtagal dito sa labas.
Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. “Pero delikado ‘to. Hindi ka pwedeng mapahamak.”
I checked my grapple gun and tested it if it'll work. Using my glasses, I zoomed in to the area where the hook should be attached then aimed for it. Fortunately, it landed on that place near the window.
“Callix, I already made up my mind. Ginusto kong mapahamak. Pero kung kokontra ka pa rin, fine, I’ll do this on my own. Hindi ko kailangan ng tulong mo,” I was about to turn off my earpiece but I heard him said wait.
“Okay. Sige.”
I smiled. Siguro kung nasa harapan ko siya ngayon naka-smirk siya. Gano’n naman talaga ‘pag natatalo siya eh.
“Lahat ng ini-utos mo sa akin bago ka pumasok ay nagawa ko na. I’ll serve as your guide,” seryoso niyang wika.
“Thank you.” I pressed the button on my gun then the rope pulled me up. Bago pa man ako sumagi sa pader ay nagawa ko ng pigilan ito sa pamamagitan ng pagpapatigil nito sa akin sa paghila at pagtulak sa katawan ko sa pader gamit ang paa.
Inabot ko ang jagdkommando tridagger ko sa baywang ko at ginamit ang kabilang dulo nito gamit ang bintana sa katabi ko.
“Careful,” Callix said.
Buti na lang nasangga ko agad ang ibang parte ng salamin na tatama sa mukha ko gamit ang braso kong napoprotektahan nitong catsuit na nacustomize na ng AV. This thing can protect me from hazardous materials.
Habang tinatawid ko ang bintana ay umihip ang malakas na hangin kaya nanindig ang balahibo ko at natigil sandali.
I need to complete this mission silently. Kailangang hindi ako mahuli kun’di ay patay ako.
I shook that thought out of my head and continued entering.
“I’m in.” Pagbibigay alam ko sa kabilang linya.
Madilim ang buong silid na napuntahan ko at halos mga nakakalat ang gamit. Hinaplos ko ang isa sa mga ito at may dumikit na alikabok sa daliri ko. Ibig sabihin ay hindi ito nalilinisan.
“Nasaan ako?” I asked Callix.
He cleared his throat before talking. “You're in an abandoned undercroft near the stairs that goes to the dungeon. Sabi mo kasi sa akin noon, weird ‘yung staircase na ito pababa. Then when I scanned the whole place, nalaman kong daan ang stairs na ‘yan papunta sa dungeon where their prisoners are placed.”
I nodded while looking at one of the vaults.
“The name is Kinsley McKastro. That's the owner of the face you're using now. She's a private of Voltair’s army. Bago pa lang siya kaya hindi pa siya masyadong praktisado kagaya ng iba and she's also clumsy. Pero she's in charge of checking the whole floor every hour,” Callix explained.
11:04 PM. Ibig sabihin tapos na siyang mag-ikot?
“The whole thing usually takes up to 5 minutes. Last stop niya ‘yang sa may staircase then pupunta siya sa dungeon para magbantay.” Rinig ko ang pagtipa ni Callix sa keyboard.
Nagulat ako nang biglang umilaw ang harap ng salamin ko at nakikita ko ‘yung Kinsley na naglalakad.
“Pag-aralan mo kung paano siya maglakad,” he demanded. “Nga pala she knows some moves kaya bago pa siya makalaban ay batukan mo na agad siya.”
BINABASA MO ANG
The Princess In Disguise (Under Editing)
ActionAno nga ba ang tungkulin ng isang prinsesa? Pangalagaan ang kanyang nasasakupan? Kumilos bilang isang leader? Magpaka-prinsesa? Para kay Anastasia, tapos na siya sa mga ganyan. She had enough. Sawa na siyang maging sunod-sunuran at sumunod sa rules...