Ang ganda na sana ng umaga ko eh. I woke up at the right side of the bed. Nakakain ng masarap na almusal. Nag-training kasama sina Ace, which I admit, is super fun with all the new learnings that improve my skills.
Kaso...ito namang si Luk, hindi bumababa sa kwarto niya. Kung bababa man, hindi naman ako pinapansin. Namo-mroblema tuloy ako ngayon ng dahil sa kanya. Nakakadagdag pa ng pressure yung note na iniwan niya sa pinto ko kagabi.
"Oy Ana! Sasama ka ba?" Napaharap ako kay Lucian nang magsalita siya.
Nagdikit naman ang kilay ko. "Huh? Saan?"
Itinuro niya ang pinto palabas. "Me and Scion will go to the mall to buy some stuffs. Gusto mong sumama? Kanina ka pa kasi stress na stress dyan."
I scoffed. Sino ba namang hindi maii-stress kung ganito naman si Luk? Last time nung nagkaganito siya dahil sinabihan ko siyang 'di ko kailangan ng proteksyon niya, he ignored and treated me badly. Ayoko ng maulit 'yon.
"Pass. Iisipin ko muna kung paano ko susuyuin 'yang kaibigan niyong hindi ako pinapansin," sagot ko sa kanya.
Natawa siya. "Lq ba 'yan?"
"Hindi! Dahil lang naman yun sa dare na ibinigay niyo! Salamat ha. Kapag ako talaga hindi na pinansin ni Luk forever, lagot kayong tatlo sa akin," pagbabanta ko sa kanya habang nakatingin ng masama.
Napaatras naman siya. "Okay, okay. Just chill. Hindi naman gano'n si Lucind. I'm sure papansinin ka rin niyan."
"Talaga lang ha? Trauma na ako dyan. Patay talaga kayo sa akin," dagdag ko pa.
Tinapik lang ako ni Lucian sa balikat pagkatapos ay umalis na rin siya. Naiwan naman ako sa pinaka-ibaba ng hagdan. Paakyat na sana ako eh. Hayst.
Nagmamadaling naglakad ako papunta sa kusina, specifically sa fridge. Now I miss the fridge full of chocolates in Sir Kendeev's house. Chocolates can lessen your stress' kaya kumuha ako ng isa sa mga tsokolateng ando'n. Kasi stress na stress na talaga ako kay Luk.
Pagkatapos ay pumunta ako sa sala nila at do'n ako tumambay muna habang kinakain ang chocolate na hawak ko. Dahil wala akong magawa kun'di ang umupo lang habang kumakain, di ko maiwasang pagmasdan ang buong bahay.
Eh mas malaki pa 'to sa bahay ni Sir Kendeev eh. Yung garage nila, parang parking lot. Tapos ang dami pa nilang sasakyan. Yung design and structure ng bahay, parang yung pinakamagagaling na architect at interior designers dito sa Pilipinas ang kinuha nila. Kung ikukumpara ito sa palasyo namin, siguro mas maganda 'to. Oo nga, mas malaki yung palasyo namin, pero mas moderno naman ang disenyo nito.
Now I'm wondering kung gaano na ba sila kayaman? Eh halos magka-edad lang kami, mas bata pa nga sa akin yung kambal pero sa tingin ko, mas mayaman pa sila kaysa sa akin.
Napalingon ako sa hagdan nang makarinig ako ng footsteps. Doon ko nakita si Ace.
"Wala bang balak bumaba si Luk?" Tanong ko sa kanya.
He just shrugged. "Ewan. Asan sina Scion?"
Ngumuso ako sa pinto. "Pumunta sila sa mall. Pero alam ko, kasalanan niyo 'to eh."
"Luh? Bakit kami?" Taka niyang tanong habang papalapit siya sa akin.
"Dahil 'to sa dare niyo eh! May iniwan pa siya sa aking note kagabi, pinagbabantaan ako. Dapat kasi umamin na lang kayo kagabi."
His forehead creased. "Kagabi?"
Kinuha ko ang throw pillow at ibinato sa kanya sa sobrang inis. Pero nailagan naman niya iyon at nasalo. "Aish! Pinuntahan kayo kagabi ni Luk. Narinig ko pa nga na tinatanong niya kayo tungkol sa hindi ko pagpansin sa kanya. Sa tingin ko ay ininis niyo lang siya. At ngayon pati ako naiinis na rin sa inyo. Ayusin niyo 'to!"
Nakita kong natatawa si Ace habang patango-tango pa. Teka, ano bang nakakatawa? Eh nanggigigil na ako sa kanya.
"Ah. So nakasilip ka pala kagabi? Akala namin ay tulog ka na dahil nakita ka naming sinaraduhan ng pinto si Luk," natatawang sambit niya. Mabilis kong kinuha ang isa pang throw pillow at buong pwersang ibinato sa kanya. This time hindi na siya naka-ilag at natamaan siya sa mukha. Natawa na lang rin ako kahit sobrang inis ko sa kanila.
"Fine! Kung sobrang big deal talaga sa'yo ng pinaggagagawa ni Lucind, aayusin na namin. Mag-iisip agad ako ng paraan para pansinin ka na niya. Mag-chill ka na ngayon, kami na ang bahala." Ayan buti nga yung ganyan. Para hindi ako namomroblema. Pero sila na ba talaga ang bahala?
"Wag kang mag-alala. Kami na talaga ang gagawa ng paraan. Susunod na lang muna ako sa kambal. Bahala ka na dito ha," sabi pa niya. Tumango na lang ako habang sinusundan siya ng tingin papunta sa isa sa mga pinto na nasa basement. Siguro ay pupunta na siya sa garahe slash parking lot.
Talaga bang sila na ang gagawa ng paraan? Hayst. Ang sabi niya 'wag na raw akong mag-alala kaya magchi-chill muna ako. I trust them naman.
Napabuga na lang ako ng hininga. Tama, 'wag na dapat akong mai-stress.
Bumaba ang tingin ko sa ilalim ng glass center table na may mga magazine at album. Kumuha na lang ako ng isa sa mga nando'n at nilibang ang sarili sa pagtingin-tingin sa mga pahina ng isang album.
I saw a picture which I found familiar. Picture ng isang bata na naka-ngiti sa camera, I don't know kung sino siya at kung saan ko siya nakita, basta ang alam ko, naka-interact ko na siya, maybe in the past years.
Inilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan ng picture ang nakita ko. Hindi ko alam kung bakit ko 'yon ginawa but I felt the urge to do it, so I did.
Agad kong sinaraduhan ang album ng makarinig ako ng footsteps. Mabilis akong napatingin sa itaas ng hagdanan. Doon ko nakita si Lucind na malamig na nakatingin sa akin. I was frozen in my place at nang makita ko na paalis na siya ay mabilis kong ibinalik ang album at hinabol siya.
Tumakbo ako pataas at nang makarating ako sa second floor ay pasara na ang elevator, I only saw a glimpse of him as the elevator closed its door. Nice, very nice.
Napahilamos ako sa mukha pagkatapos ay bagsak ang balikat na naglakad papunta sa kung saan. I'm too stressed right now, I need to relax.
Geeezzz, kaya pala niya ako pinagbantaan. Ito pala ang gagawin niya sa akin kinabukasan. Pero it's not my fault! That's just a dare from a game. Is he really affected about the way I treat him? Hindi ko alam kung hanggang kailan siya ganyan.
Maya-maya ay nadatnan ko na lang ang sarili ko palabas ng pinto ng bahay. I think I now know where to go. At the garden.
Dumiretso ako sa garden kung saan nakapwesto ang isang mini-park. I sat on the swing habang pinagmamasdan ang paligid.
This place is so relaxing, nakakadagdag pa dito ang agos ng tubig na naririnig ko at ang naamoy kong sariwang hangin. Nami-miss ko na tuloy ang garden namin sa palasyo, lalo na yung tree house sa gitna no'n. Not only that. Nami-miss ko na rin ang palasyo namin, my room, si mama at lola, si Zandra at lalong-lalo na si Callix. In short, I miss Cepheus and I miss everyone there.
There may be sad memories there, pero mas nakakalamang pa rin ang masasayang ala-ala. At yun ang humihila sa akin para umuwi na. How I wish na nando'n pa rin si Lola Emilia pagbalik ko.
Mahina kong idinuyan ang swing para libangin ang sarili ko dahil baka kung ano-ano pang mga ala-ala ang pumasok sa utak ko na pwedeng makadagdag sa stress ko. I tried to focus on my surroundings and appreciate the beauty of nature. And thankfully, I succeeded.
Gusto kong dumuyan nang malakas kaya kumuha ako ng bwelo. Itutulak ko na sana ang sarili ko pero biglang may tumakip sa bibig at ilong ko. Dumausdos ako sa swing pababa sa lupa habang may kung sinong naka-alalay sa likod ko.
Nanlaki ang mga mata ko at nagpa-panic naman ang utak ko. I can't breathe. Hindi ko alam kung anong gagawin.
Sinubukan kong magpumiglas pero parang masyadong malakas ang may hawak sa akin. At isa pa, nanghihina na ako. My eyes are closing even though I don't want it to. I'm sleepy.
A sweet-smell entered my nose, galing ito sa panyong nakatakip sa akin. At isa lang ang alam kong ganito ang epekto.
Choloroform...a chemical that can make the inhaler passed out.
BINABASA MO ANG
The Princess In Disguise (Under Editing)
ActionAno nga ba ang tungkulin ng isang prinsesa? Pangalagaan ang kanyang nasasakupan? Kumilos bilang isang leader? Magpaka-prinsesa? Para kay Anastasia, tapos na siya sa mga ganyan. She had enough. Sawa na siyang maging sunod-sunuran at sumunod sa rules...