Chapter 17: Rescuing Her

163 18 3
                                    

"This is easier than I thought!" masiglang wika ni boss habang patuloy ang pagtipa niya sa keyboard ng laptop niya.

Habang ako naman ay naka-upo dito sa couch ng office niya at naghihintay sa balita tungkol kay Zandra.

Humingi kasi ako ng tulong sa kanya para mahanap si Zandra. Sa tingin ko wala namang pag-asa yung mga connection ni mama dahil isang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin nila nahahanap si Zandra.

"Akala ko kailangan pa natin si Umbra para lang ma-track kung nasaan ang kapatid mo pero kaya ko naman pala. And besides hindi rin natin pwedeng tawagan si Umbra dahil malalaman niya ang katauhan mo," sabi pa ni boss pero nanatili lang akong naka-upo dito sa couch at hindi man lang siya tinitingnan.

Huminga ako nang malalim. Sana hindi siya sinaktan ng mga kumidnap sa kanya. Malalagot talaga sa akin ang mga iyon kapag may nakita akong kahit anong sugat o pasa sa katawan ni Zandra.

"Woah!" Halata ang paghanga sa boses ni boss na naging dahilan para mapaharap ako sa kanya.

"Anong nangyari?" kinakabahang tanong ko kay boss habang naglalakad papalapit sa kanya.

"Your sister is amazing!"

Doon ako natigilan bago mag-sink in sa utak ko ang sinabi ni boss. Pagkatapos ay bigla akong napatakbo nang mabilis at pumwesto sa likod ng upuan ni boss para makita ang kung ano mang nakikita ni boss sa screen ng laptop niya.

And there she is, sitting calmly and observing the surroundings. Her hands were tied and she has a gag covering her mouth.

Hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha sa mata ko kung hindi pa sinabi ni boss. Pinunasan ko agad iyon at malawak na ngumiti. Masaya ako dahil mukhang okay naman siya. Pero kahit anong punas ko sa luha ko ay patuloy pa rin ito sa pagtulo. Siguro tears of joy na lang rin.

"I hacked their system and I found this." Turo niya sa screen. "I did a background checking about their identities but I found nothing important. They're just some random guys who wanted to kidnap your sister and later on, they will ask for a ransom. Kidnap for ransom specifically."

"Pero bakit parang wala akong alam na nanghihingi ng pera ang mga kumidnap kay Zandra?" tanong ko sa sarili ko na sinagot naman ni boss.

"Baka hindi lang sayo sinasabi ng mama mo."

"Pwede ko bang makita kung sino-sino ang mga iyon?" tanong ko kay boss. Fudge them! Pagbabayarin ko sila.

"Yeah, sure. Pero wag mo silang gagalawin. Kami na ang bahala sa kanila," sagot ni boss na para bang alam na niya ang sunod kong gagawin. Napahinga na lang ako nang malalim.

"Okay. Not promise." Sinamaan naman niya ako ng tingin pero hindi ko pinansin. Hindi naman ako makakapangako na hindi ko sila sasaktan kapag nakita ko na sila. At tsaka sabi naman niya, huwag galawin, hindi wag saktan. And yep, binabalak ko ring pumunta mismo kung nasaan si Zandra.

"These are the people."

Ipinakita sa akin ni boss ang slide ng mga kumidnap kay Zandra. Pagkatapos ay napahinga ako nang malalim.

Kailangan ko nang kumilos. Kahit na proud ako kay Zandra dahil tahimik siya at kalmado na parang hindi siya nakidnap ay hindi pa rin ako nakakasigurado na hindi nga siya sasaktan ng mga kumidnap sa kanya.

"Do you need help?" Dinig kong tanong ni boss.

Napatingin naman ako sa kanya. "Yes. And I need some gadgets and also the disguising stuffs."

Tumango naman siya at ngumisi. "I will lend you some but don't forget our deal."

Huminga ako ng malalim. Of course, hindi siya papayag kung walang kapalit. Kaya pala sobrang seryoso niya kanina ay naiinis siya kay Callix at namo-mroblema kung saan kukuha ng mga kapalit na chocolates na kinain ng butler ko dahil wala na siyang mahanap na kapareho ng mga iyon. Kaya ayun, gusto niyang mapuno ulit ng paboritong chocolates ang fridge niya kapalit ng pagtulong sa akin.

The Princess In Disguise (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon