Hawak-hawak ang kwintas na may disenyong buwan, matapang kong pinihit ang door knob papasok sa dating bahay ni Lola Emilia.
Madilim ang buong paligid ngunit napakalamig naman ng loob ng bahay. Kinapa ko ang switch malapit sa pinto at pinindot ito na naging dahilan ng pagliwanag ng buong bahay.
I shut my eyes for a moment and then opened it slowly, allowing it to adjust.
Napakapamilyar ng lahat. Pakiramdam ko'y ito pa rin ang unang pasok ko dito. May kung ano sa loob ko na naghahanap ng presensya ni lola at hindi ko ito mapigilan.
Kahit na alam kong wala na siya, iniisip ko pa rin kung ano kaya ang mangyayari kapag nandito siya at nakita niya ako? Tiyak na nagkwe-kwentuhan na naman kami.
Mabagal akong napa-upo sa sofa malapit sa pinto na naaalala kong ibinigay ko sa kanya. Sumandal ako sa upuan at napapikit.
Noon, sa tuwing pumapasok ako dito, sobrang excited ako at halos abot tainga ang ngiti ko. Ngunit ngayon, puro mga ala-ala na lang namin ni lola ang naalala ko. Mga dating ginagawa namin na hindi na mauulit pa.
Hindi ko na napigilan pa ang luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko. Gan'to pala ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay. May mga oras na bigla mong maaala ang mga ginagawa niyo nang magkasama. At may oras ding pagsisisihan mo kung bakit hindi mo nagawang mas maka-bonding pa ang taong 'yon nang matagal.
I wish I could turn back time. Kung alam ko lang, e'di sana mas sinulit ko pa ang pagkakataong kasama ka, Lola Emilia.
Hinayaan kong lamunin ng katahimikan ang buong paligid. Hinayaan ko rin ang sarili kong umiyak para mailabas lahat. Siguro ay ilang minuto rin akong ganito bago natigil ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Pinunasan ko ito at pasinghot-singhot na inilibot ang tingin sa buong bahay.
In every corner of the house, I can see both of us laughing together or talking. Ngunit mas tumagal ang tingin ko sa lamesang nasa may kusina. Dito ko unang nakilala si lola. Binigyan niya ako ng makakain kahit na wala ng iba no'n. Dito ko rin naramdaman ang pagmamahal ng isang lola na hindi ko nararamdaman sa totoong lola ko.
Hindi ko napansing sinindihan ko ang lamparang nasa gitna ng maliit na lamesa, kasabay no'n ay ang pagtulo na naman ng luha sa mata ko.
“Ano ba 'yan, Anastasia. Hindi ba nauubos ang luha mo?” Naka-angat ang ulong tanong ko sa sarili ko habang pinupunasan ang luha ko.
Aish. Nakaka-panghina namang umiyak.
Sa ikalawang beses ay pinasadahan ko na naman ng tingin ang loob ng bahay. At natigil ito sa maliit na daang tinakasan namin ni Luk ng mangyari ang pinagsisihan kong bagay, ang madamay si lola sa mga pinaggaga-gawa ko.
Alam kong kasalanan ko ang lahat. Wala namang ibang dapat na sisihin kun'di ako lang di'ba? Kung hindi ko nakilala si lola, e'di sana...
I immediately ran to the door dahil pakiramdam ko ay sobrang laki ng kasalanan ko. Hindi ko kakayanin kung magi-guilty ako nang sobra-sobra at sisihin ang sarili ko. Patuloy lamang bababa ang tingin ko sa aking sarili at tiyak na sisiksik ako sa isang gilid para pagsisihan lahat.
When I'm about to close the door, I caught a glimpse of paper lying down the floor. Natigil ako sa ginagawa ko at nagtatakang tiningnan ito.
Dahil curious ako, bumalik ako sa loob para tingnan kung ano ito at nang makita kong isa itong sulat ay umupo ulit ako sa sofa.
Parang naiwan ang papel na iyon nang matagal sa may pintuan dahil medyo nasmudge na ang mga nakasulat. Ngunit nababasa pa naman ito. Maingat kong binuka nang maayos ang papel at pagkatapos ay binasa ito.
Para ito sa Pinakamabait na Prinsesang Aking Nakilala,
Hija, hindi ko alam kung bakit tayo pinagtagpo ng tadhana. Pero masaya akong makilala ka. Alam mo bang kahit na isa kang batang walang makain noong una kitang makita ay nakikita ko pa rin sa'yo ang prinsesa ng Cepheus?
Bahagya akong nagulat at napangiti para na rin pigilan ang sarili kong maiyak muli.
Kaya naman sa tuwing napapansin kong pinagtatakpan mo ang tunay mong pagkatao ay natatawa na lamang ako sa loob ko. Tunay kang mapagkumbaba at hinahangaan kita dahil dito. Hindi na kita tinanong tungkol sa mga ginagawa mo dahil alam kong may dahilan ang lahat ng ito. Kahit na pilit mong tinatakluban ang totoong ikaw ay lumalabas pa rin ito. Hindi naman sa pagmamalaki pero masasabi kong, I can see through you.
Sa una pa lang na magtagpo tayo, alam ko na ang kahihinatnan ko kaya kung may mangyari sa aking masama, sana ay 'wag mong sisihin ang sarili mo. Dahil mas pinili ko pa ring mapalapit sa'yo.
Napangiti ako dahil sa sinabi ni lola kahit patuloy na ang pagbuhos ng luha ko.
“L-lola, you never failed to make me feel better.” I whispered.
Hindi mo pa ako gaanong kilala kaya naman magpapakilala ako. Ako si Emilia Buenaventura, ang dating reyna ng Xenophilia.
Nagtataka ka na siguro ngayon kung bakit ako bumagsak sa isang matandang pulubi, ano? Mahabang kwento pero siguro ay sasabihin ko na sa'yo kahit ang kalahati lamang nito.
Ang Tyran ang may pakana ng lahat. Si Maximo, ang hari ng Tyran, ang dahilan kung bakit miserable ang buhay ko ngayon. Sinakop niya ang pinamumunuan ko ng 'di ko napapansin. Akala ko'y magka-ibigan kami ngunit isa pala siyang traydor. Traydor na naging dahilan ng pagkawatak-watak ng pamilya ko.
Ngunit kama-kailan lang ay nakita ko si Vania, na apo ko.
Ramdam ko ang pagkagulat ng buong pagkatao ko. Halos hindi ako makagalaw o makapag-patuloy man lang sa pagbabasa. Halo-halo ring emosyon ang nararamdamn ko dahil sa mga nalaman ko.
Napadako ang tingin ko sa kwintas na hawak ko. Alam ko na kung saan ko ito nakita, ito ang simbolo ng Xenophilia.
Si Vania, gusto ko siyang yakapin ng dalhin mo siya dito ngunit hindi ko magawa. Kaya sana ay ikaw ang yumakap sa kanya para sa akin. Alam kong pinasok ng apo ko ang buhay na puno ng gulo kaya sana ay protektahan mo siya... Ito lamang ang huling hiling ko sa iyo.
Mahigpit kong hinahawakan ang kwintas sa kamay ko. Sana nga ay magagawa ko iyon. Ngunit lola, huli na ang lahat.
I took a deep breath while trying to calm my self. Pinapa-iyak naman ako ni lola eh.
Sa tingin ko ay dapat mo ring malaman na sa mundo natin, sa mundo mo, hindi maiiwasan ang traydoran. Kaya dapat ay 'wag na 'wag kang magtitiwala kahit na kanino. Sa tingin ko nga ay sinisimulan na ring pabagsakin ni Maximo ang Cepheus dahil sa narinig kong balita noon na ikakasal ka sa anak niya. Kaya Anastasia, maging matalino ka at siguraduhin mong lagi kang nasa tabi ng nanay mo, bawat desisyon niya sa pamumuno sa Cepheus ay dapat na alamin mo. Sa paraang 'yon, mahihirapan si Maximo na agawin ang pamumuno niyo. Sinasabi ko ito sa'yo dahil gusto kong hindi niyo pagsisihan ang mga ginagawa niyong desisyon. Hindi kagaya ko ngayon. Hangad ko lamang ang maayos na lungsod para sa mga tao dito sa Cepheus.
At tutal nasabi ko naman na ang lahat ng gusto kong sabihin, magpapa-alam na ako. Kung ano man ang ginagawa mo ngayon, sana ay magtagumpay ka. Ingatan mo ang sarili mo, mahal na mahal kita, apo.
Kasabay ng pagkabasa ko sa huling salita ay tumulo ang luhang kanina ko pa iniinda.
“Lola naman. Wala ka na nga dito pinapa-iyak mo pa ako.” Wika ko sa hangin.
Tiniklop ko ang papel na hawak ko at nilagay ko sa bulsa ko. Hanggang sa huli ay patuloy pa rin akong tinutulungan ni lola na magdesisyon ng tama.
Ngayon malinaw na ang sunod na hakbang na aking gagawin.
Pinunasan ko ang luha ko at tumayo. Pinagpagan ko rin ang suot kong pantalon, pagkatapos ay inayos ko ang damit ko.
Nagtungo ako sa pintuan at bago ko pa man ito tuluyang maisara ay sinabi ko ang mga katagang, “Salamat sa lahat, lola. Mahal na mahal din kita.”
BINABASA MO ANG
The Princess In Disguise (Under Editing)
ActionAno nga ba ang tungkulin ng isang prinsesa? Pangalagaan ang kanyang nasasakupan? Kumilos bilang isang leader? Magpaka-prinsesa? Para kay Anastasia, tapos na siya sa mga ganyan. She had enough. Sawa na siyang maging sunod-sunuran at sumunod sa rules...