Chapter 47: Knowing the Enemy

38 2 0
                                    

Natatawa ako habang nakatingin kay Ace na nagmumukmok habang nakanguso pa sa lamesa. Marami siyang binubulong na hindi ko maintindihan pero probably puro pagsisisi ang lumalabas sa bibig niya dahil sa ginawa niya sa amo niya.

Biruin mo ba namang wala kang sahod ng isang buwan. Mukhang ngayon na maghihirap ang butler ni Luk ah. Halos isang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin siya makamove-on sa nangyari kahapon.

Though I was shocked until now, sinusubukan ko na lang iprocess sa utak ko ang mga pangyayari. I'm not expecting this pero ayoko namang magtanong nang magtanong. Hindi ako yung tipo ng taong nakiki-usiyosyo sa mga buhay ng ibang tao sa paligid ko. Kung gusto nilang ipa-alam sa akin ang mga bagay, gusto ko sa kanila na magmula para hindi naman nila masabi na pinipilit ko sila.

"Nakakahalata ka na ba?" Ace asked out of the blue. Napalingon naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

Matagal din akong nanahimimik bago nakasagot. "Yes. I'm curious and I want to dig more but I'm not the type of person who will stick my nose into someone else's private life. Kung may gusto kayong sabihin o ipaalam sa akin, sabihin niyo at 'wag niyo ng hintayin na magtanong ako dahil hindi ko gagawin iyon." I smiled.

Hindi ako bulag para baliwalain ang mga nakikita at naoobserbahan ko. I can smell something fishy, pero susubukan ko na lang takpan ang ilong ko. But I'm not promising na lagi kong gagawin iyon. Minsan nga, may theory na ako sa isip ko at ang kailangan ko na lang ay confirmation.

"Wag kang mag-alala marami kaming ipagtatapat sa'yo pero hindi ngayon."

I looked at him and nodded. Maya-maya lang ay tumunog na ang relong ibinigay nila sa akin. Oras na pala para mag-training.

"Gotta go naghihintay na si Lucian," sabi ko kay Ace. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dumiretso na sa nakasanayan kong training ground.

Bumaba ako ng basement at pumunta sa training ground. Pinalibutan ko ng tingin ang malawak na silid pero wala akong nakita ni anino ni Lucian. Ang sabi ni Lucian 'wag daw akong malate, pero bakit mukhang siya yung nalate? Wow ha.

Naglakad ako papunta sa safe zone sa loob ng glass room, do'n ko na lang hihintayin si Lucian since wala pa siya.

I gripped the door and counted ten seconds. Pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin. Ipinilig ko na lang ang ulo ko matapos kong magbilang. Baka guni-guni ko lang 'yon.

Hindi pa man lang ako tuluyang nakakapasok ay may bumagsak galing sa kisame. I immediately moved away from my place and land a kick on his side.

Teka lang sino ba 'to?!

Nakita kong sisipain niya din ako sa tagiliran kaya gumalaw ako palayo pero nasundan niya agad ito ng suntok sa kabila kaya natamaan ako sa braso. Skilled! He faked a kick to land a punch on my arm.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang humugot ng baril. Really?! Akala ko ba safe zone itong kwartong 'to? Bakit mukhang dito pa ako madidisgrasya?

Inunahan ko na siyang suntukin sa panga para naman mahilo siya ng konti. Pagkatapos ay bumaba ako para padausdusin ang isang paa ko sa sahig at matapilok siya. Bago pa siya malaglag ay kinuha ko na ang kamay niyang may hawak na baril at hinablot ito. I smirked bago itutok sa nakalapigang katunggali ko ang baril.

Maya-maya ay tinanggal na niya ang suot niyang bonet at tsaka ko lang nalaman na si Lucian pala siya.

Naaawa ako na natatawa habang tinitingnan ang mukha ni Lucian. Panay rin ang daing niya.

Biglang nanlamig ang kamay ko nang marealize ko na tinututukan ko ng baril si Lucian. 'Di sinasadyang naihulog ko ito sa tiyan niya na mas lalo pang nagpa-daing sa kanya.

The Princess In Disguise (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon