Nang makabalik ako sa kwarto ni Zandra ay nakita ko siya na nakatingin sa salamin. Sinunod nga niya ang utos ko at hindi man lang ako napansin na pumasok dahil busy siya sa pagtingin sa itsura niya.
Tumikhim ako. "That's better than the first."
Humarap siya sa akin. In just 5 minutes, may suot na agad siyang brown na high-quality wig, na hindi ko alam kung saan galing since hindi naman siya bumibili nun at hindi naman niya yun kailangan, pero it doesn't matter anymore. Nakasuot rin siya ng eyeglasses at off-shoulders partnered with a pink skirt na above the knee. I can't deny that she's beautiful even if she's wearing a simple clothing. Sa aming dalawa ay siya ang mas girly.
"Ate ang galing mo! Thanks for the advice."
"No problem."
"Saan mo yun natutunan?"
Nagkibit-balikat ako.
"It's just natural. I'm the Queen of Disguise, remember?" natatawa kong sabi. Ginaya ko lang naman yung sinabi niya kanina.
"Tsk. I'm the Queen of Acting."
"Who says?"
"Me and..." Nag-isip siya pero hindi siya nakapag-salita agad. "Uhh, nevermind."
Natawa na lang ako.
"Tara na nga!" Pag-aaya ko sa kanya. Excited na akong makipag-bonding kay Zandra nang walang bantay. Kapag may bantay kasi ay hindi namin nagagawa ang gusto namin. First time niya kasing pumayag na mag-disguise. Lagi ko siyang inaaya kapag lalabas kaming dalawa pero hindi siya pumapayag. Hindi ko nga alam kung anong nakain niya.
Pumunta siya sa may portrait naming dalawa at sumunod naman ako. Hinawi niya iyon at diniinan ang isang parte ng pader. Gumalaw iyon paatras ng kaunti at automatic na nag-slide pakaliwa.
"Pasok na," sabi niya sa akin.
Nauna naman akong pumasok at hinintay siya sa loob ng secret passage. Nakita kong inayos niya ang placement ng portrait galing sa likod at unti-unti na namang nag-sasara ang pader. Nang makalabas kaming dalawa ay maingat kaming naglalakad. Mahirap na, baka may makakitang guards, isumbong pa kami sa reyna, although hindi nila kami kilala, baka isipin nila na invader kami.
"Dalian mo!" utos ko kay Zandra. Ang bagal-bagal eh.
"Oh eto na nga, oh ayan na po, binibilisan na," sarkastikong sabi niya at pinaikot niya pa ang mata niya.
Maya-maya ay may tumalong tao galing sa puno, hinawakan ang braso ko at ini-lock sa likod kasabay ng paghawak sa leeg.
"Sino kayo?" bulong niya sa akin. Si Zandra naman ay nakatulala lang.
Fudge! Sino ba ito?
"Anong ginagawa niyo rito?" may pagbabanta sa boses niya.
Pero teka, parang pamilyar ang...
Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagsabi ko ng pangalan niya. "Callix?"
Unti-unting lumuluwag ang kapit niya sa braso ko. Nakita ko naman sa tapat ko si Zandra na nakahinga ng maluwag. What?! Imposible namang hindi siya nakilala ni Zandra. Pero... Baka nagulat lang siya kaya hindi siya makagalaw.
Lumapit sa amin si Zandra at kumaway.
"Hi Kuya Callix!"
Nakatalikod pa rin ako sa kanya kaya hindi ko siya nakikita. Nakapagtataka lang talaga kung bakit hindi agad siya nakilala ni Zandra.
Mabilisan akong humarap at siya naman ay mabilis ding tumalikod. Anong problema niya?
"Hoy Callix, humarap ka nga!"
BINABASA MO ANG
The Princess In Disguise (Under Editing)
ActionAno nga ba ang tungkulin ng isang prinsesa? Pangalagaan ang kanyang nasasakupan? Kumilos bilang isang leader? Magpaka-prinsesa? Para kay Anastasia, tapos na siya sa mga ganyan. She had enough. Sawa na siyang maging sunod-sunuran at sumunod sa rules...