Chapter 50: Last Day on Vacation (Part I)

32 1 5
                                    

The mansion is not the same as usual. I mean there is no Lucian that scolds his twin because the latter doesn't want to eat breakfast. Walang Scion na naglalabas ng sama ng loob tungkol sa pagkain ng almusal araw-araw, pero syempre pabulong. At wala ring Ace na nakikipagdebate sa amo niya-si Luk- kung sino ang maglilinis ng training room pagkatapos nila itong guluhin no'ng huli nila itong gamitin.

Nagtataka na tuloy ako kung bakit nagpagawa sila ng malaking bahay na silang apat lang ang titira, lima pala kasi kasama pa si Alex kuno. Aish. I don't wanna think about her right now. Sumasakit lang ang ulo ko at isa pa, hindi ko matanggap.

"Are you set already?"

I'm sipping my hot chocolate when I heard Luk's voice. Nakakatayo na siya?

"Magaling ka na? You're not sick anymore?" Tanong ko sa kanya pagkatapos ibaba ang hawak kong mug. Parang kagabi lang nakabalot pa siya sa kumot ah.

"Fine as hell-I mean shell. Ang galing kasi ng doktor ko eh. 'Di ako pinabayaan. Anyways, 'yan na ang susuotin mo? Let's go," pang-aaya niya. Eh hindi ko naman alam kung saan kami pupunta.

He started to walk towards the door but I stopped him.

"Where are you going?"

Nagkadikit ang kilay niya. "Me? It is supposed to be us. 'Diba sinabihan na kita na pupunta tayo sa beach ngayon?"

Nagpanting ang mga tenga ko sa narinig ko. "Beach? You didn't, maybe in your dreams."

"Yeah, maybe. But it doesn't matter now. Tara na." He shrugged. He started to walk again pero pinigilan ko na naman siya.

"Hintayin mo ako, magpapalit lang ako." Dali-dali akong tumayo at naglakad papunta sa elevator.

"Wag na! Magpapalit ka pa o iiwanan kita?"

I scoffed. "Dyan ka naman magaling eh."

His eyebrows knitted even more. Gusto ko tuloy matawa. "What? Ulitin mo nga."

"Nope, just kidding. Nabasa ko lang 'yon sa facebook." I chuckled. "But is it okay kahit na naka-pajamas ako?"

Naglakad na ulit si Luk, and this time alam kong 'di na siya magpapapigil. "It's not like someone will laugh at your outfit there. Besides, tayo lang dalawa ang nando'n. That's a private property. So kung gusto mo talagang maiwan, then magpalit ka na, ikaw ang bahala."

The door banged after he got out. Shoot! Ayaw kong maiwan!

"Lucind, wait! I don't want to be left behind!" I shouted. Kumaripas ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa kotse ni Luk.

Pinaningkitan ko siya ng mata nang maabutan ko siyang nakasandal sa hood ng kotse niya, nakakrus ang mga braso at naka-shades habang nakangiti ng nakakaloko.

"Seriously?! Pinatakbo mo lang ata ako eh," reklamo ko sa kanya. Tinapunan ko siya ng masamang tingin bago tinungo ang pinto ng driver's seat at binuksan ito.

"What are you doing?" I heard him asked.

I started the car's engine and closed the door. Pagkatapos ay tiningnan ko si Luk sa bintana. "Tatayo ka lang ba dyan o iiwan kita?"

Marahan siyang tumawa tapos ay tinanggal niya ang shades niya. "Okay. Pero siguraduhin mong hindi mo ibabangga ang kotse ko."

"Just don't irritate me while driving and I assure you, we're going to arrive safely at the beach." Sagot ko habang inaalala ang dahilan kung bakit ko ibinangga ang kotse ni Callix noon sa Cepheus. I miss him already. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik sa bansa ko.

I washed away the thought that I'm thinking right now and drive quietly. Thankfully, nakarating naman kami sa beach nang ligtas, of course with the help of the gps installed in the car. Hindi kasi nagsasalita si Luk hanggang ngayon, napapaisip tuloy ako kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

The Princess In Disguise (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon