Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. I can see trees, plants, a big and tall wall and lastly, the wide gold gate that separates the City of Tyran from Cepheus. In short, nasa boundary ako. Nakikita ko rin ang kaisa-isang abandoned warehouse na nakatayo rito, ang lugar kung saan dati dinala si Zandra nung nakidnap siya.
Ilang beses na rin ako nakapunta dito pero ngayon lang ako walang kasama. All I have is myself disguised as a guard of Tyran and my dagger. Hindi na rin ako nagdala ng phone dahil baka itrack ako ni Lucind, napakachismoso pa naman ng taong yun at kinukulit pa ako kanina na sabihin sa kanya kung saan ako pupunta.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at tumakbo na agad papunta sa kastilyo. Madali lang naman iyon puntahan at alam kong hindi ako maliligaw dahil natatandaan ko noon nung dinala ako ni Raphael dito ay nasa gitna iyon at mataas pa.
Maya-maya lang ay nakita ko na ang sinasabi ko at umastang guwardiya bago pumasok sa lungsod ng Tyran. The familiar air is welcoming me.
Ngayon ko lang nakita ang iba't ibang uri ng tao rito kaya napapalingon ako sa kung saan-saan, pero not that obvious. Ofcourse, I have to keep my disguise perfectly, like I know this city for a very long time. And being a guard means making the peole around you feel your authority, kaya siguro may ibang tao na tumatabi kapag dumadaan ako. Nakikita ko rin ang takot nila pero siguro ganon talaga.
Nang matapakan ko na ang huling hakbang papasok ng palasyo, tsaka ako humugot ng malalim na hininga.
'You don't have to feel nervous, just act like you know everyone and you're one of them. You don't want to get too much attention, do you?'
Si papa na ang nagsabi sa akin niyan so yan lagi ang ginagawa ko.
The large door of the castle opened so as my mouth. Hindi ko maiwasan ang humanga. Everything was made of gold. May magarang chandelier na nakasabit sa pabilog na kulay gintong kisame.
Totoo ba ang nakikita ko? Para akong nasa Olympus. May trono sa kabilang dulo at nakatapak ako sa kulay pulang carpet.
Bumalik ang ulirat ko nang may marinig akong isang boses.
"General!"
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Alam kong ako ang tinatawag niya dahil sa badge na suot ko. Siya talaga ang ginaya ko dahil alam kong wala siya ngayon.
"Anong kailangan mo?" Tugon ko sa malagom na boses. Di'ba nasabi ko naman na, na lagi akong may suot na voice changer sa mga ganito.
"The captives sir—"
Tumango ako kahit di ko alam ang sinasabi niya. "Ako na ang bahala sa kanila. May kailangan ka pa ba?"
Umiling siya. "Wala na, sir."
I gave him a nod at umalis na sa harapan niya. Inilagay ko sa likod ko ang dalawa kong kamay at naglakad nang hindi nagpapahalata na hindi ako ang tinatawag nilang general.
Pumasok ako sa pintuan na malapit sa hagdan at doon ko itinuloy ang paghinga ko. Shemay! Hindi talaga ako humihinga habang kausap ko yung tumawag sa akin. Ni hindi ko nga siya kilala eh.
Kinakabahan talaga ako at ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko. I tried to calm myself and fortunately, nagawa ko.
Huminga muna ako ng maraming beses pagkatapos ay nagfocus na ako sa paligid. Dinaanan ko ng tingin ang buong kwarto.
"So, this is their weapon room, huh?"
Lumapit ako sa grupo ng baril na nasa isang lalagyan at nakasabit sa pader.
Nakapunta na rin ako sa weapon room ng Cepheus at ngayon, napagtanto ko na walang-wala ang mga baril namin, kumpara sa kanila. Sa tingin ko ay mas maganda ang kalidad ng mga ito sa itsura pa lang. But that doesn't change the fact na ayaw ko sa baril.
BINABASA MO ANG
The Princess In Disguise (Under Editing)
ActionAno nga ba ang tungkulin ng isang prinsesa? Pangalagaan ang kanyang nasasakupan? Kumilos bilang isang leader? Magpaka-prinsesa? Para kay Anastasia, tapos na siya sa mga ganyan. She had enough. Sawa na siyang maging sunod-sunuran at sumunod sa rules...