"Ano ba?! Pwede bang pakibagalan naman!"
Nakahawak na ang isa kong kamay sa hawakan ng bridal car at ang kabila sa upuan pero hindi ko pa rin maiwasan na mapauntog sa bintana. Akala ko ay mabilis na akong magpatakbo kapag pinagtitripan ko si Callix pero mas mabilis pa palang magpatakbo itong si Lucind.
"Sorry ha! Kasalan ko bang may naghahabol sa atin dahil natrack pala nila tayo?!"
Halos nagsisigawan na rin kami dito sa loob dahil sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya. Napapikit na lang ako at hindi na sumagot sa kanya. Para na kaming lumilipad.
Sa kabila ng sitwasyon namin ngayon. Napapaisip pa rin ako kung ano na lang ang mangyayari sa akin. Mama would be so mad at sa tingin ko ay hindi ako maaaring magpakita sa kanya sa mga susunod na araw.
Saan ako titira? Wala naman akong damit na susuotin, wala rin akong mga gamit dahil duh, unprepared ako. Kasalanan talaga 'to nila, mas lalo na si boss. Hindi man lang tumawag. Nakakainis!
At ang mas nakakakinis pa ay may naghahabol sa amin ngayon. Oo na, inaamin ko na, na ako ang may kasalanan kasi hindi ko man lang natingnan yung binigay sa akin ng maid pero kasalanan rin naman yun yung nagpadala sa akin ng card. Obviously, he or she is threatening me. Ang salitang "dead-end" ang mabubuo kapag pinagsama ang dalawa. And everytime I think about it, it makes me worried and...scared.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Basta ang gusto ko lang ngayon ay makatakas sa mga humahabol sa amin. Mamaya na lang ako mag-iisip kung anong sunod na gagawin ko after all of this.
Napatingin ako kay Lucind nang bigla siyang tumigil. Pagkatapos ay sa harap ng sasakyan kung saan siya nakatingin.
Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko kung nasaan ako.
"O-m-y-g-a-s-h! Pupunta tayo sa base?!" Naiiyak kong sabi.
"Can you stop shouting? Kanina ka pa ha."
Nakangiti akong tumingin sa nagsalita. "Akala ko, hindi na ako makakabalik dito."
Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at lumabas.
"We're going inside his house," Lucind said that shocked me. I mean nakapasok na ako dati dito pero kasi iba ngayon... May nararamdaman akong iba.
Nanguna si Lucind papasok kaya sinundan ko siya. I stopped on my tracks when he opened the door for me and wait until I get inside the house.
Pinukulan ko siya ng nagtatakang tingin bago umupo sa couch ng living room. I swear something is different. Kanina parang ang cool niya, tapos ngayon parang pagod na pagod siya.
Pabagsak siyang umupo sa couch na katapat ko at pumikit. Napapikit na lang rin ako dahil nakakaramdam na rin ako ng pagod.
1 minute...
2 minutes...
3 minutes...
4 minutes...
5 minutes...
Binuksan ko ang mga mata ko dahil kanina pa ako nakapikit. Wala bang balak magpakita si boss?--I mean hindi naman siya matatawag na 'magpakita' dahil hindi ko pa rin naman nakikita ang mukha niya pero still... Ang tagal niya.
Tiningnan ko ang katapat ko na may ginagawang something sa mata niya.
Teka, ano ba kasing ginagawa niya?
Tumikhim muna ako para makuha ang atensyon niya. "What are you doing?"
Napatingin naman siya sa akin. "Ah you're awake."
BINABASA MO ANG
The Princess In Disguise (Under Editing)
ActionAno nga ba ang tungkulin ng isang prinsesa? Pangalagaan ang kanyang nasasakupan? Kumilos bilang isang leader? Magpaka-prinsesa? Para kay Anastasia, tapos na siya sa mga ganyan. She had enough. Sawa na siyang maging sunod-sunuran at sumunod sa rules...