I took the towel and used it to dry my hair. Ngayon na namin gagawin ang ibinigay sa amin na task ni boss.
I looked at the clock and realize na mas nauna pa ako sa alarm. Hindi pa nag-aalarm ay nakabihis na agad ako.
Tinali ko muna ang buhok ko at kinuha ang phone ko pagkatapos ay lumabas na.
I was expecting that I will see no one dahil tulog pa naman si Lucind pero nagulat ako nang makita na nakasandal siya sa pader sa may pintuan ko.
"Kanina ka pa dyan?" Tanong ko sa kanya. Bakit nauna pa siya sa akin? Akala ko pa naman, sobrang aga ko. Mukhang may mas maaga pa sa akin.
"Not really."
Umalis siya sa pagkakasandal sa pader at naglakad pababa. Sinundan ko na lang siya since parehas lang naman kami ng pupuntahan.
"Huy!"
Tinawag ko siya kasi naman eh... Parang ang tahimik niya ngayon. Parang may iba. Bumuntong hininga na lang ako at tinanong na lang siya.
"Kumain ka na?"
Nakisabay ako sa paglakad niya at nakita ko rin na umiling siya. Same here.
Pero mukha namang kakain kami dahil papunta kami sa dining room.
Nang makarating kami ay bumungad sa amin ang isang simpleng breakfast. Nakakapanibago.
Kapag kasi sa palasyo sobrang daming inihahanda para sa akin sa breakfast pa lang, pero dito, ang simple lang. Hayst. Pero okay lang naman sa akin, hindi naman ako magrereklamo kasi hindi ako maarte.
Pagkatapos naming dalawa na kumain ay pumunta si Lucind sa maliit na conference room. Mukhang wala pa siyang balak pumunta sa headquarters kaya pumunta ako sa entertainment room kung nasaan ang arcade machines! Ayaw ko namang sumunod na lang kay Lucind forever. No way! Hindi ko nga matantsa-tantsa ang mood niya. Minsan okay naman siyang kausap at ngumingiti tapos minsan sobrang cold at hindi nagsasalita. May sinabi siya sa akin tungkol sa ugali niya pero nakalimutan ko na. Aish.
After I think 30 minutes ay nakarinig na ako ng katok sa pintuan. Bumuga ako ng hangin at ibinababa ang hawak kong baril na pinapambaril ko sa mga zombies na nasa screen. Don't get me wrong, ayaw ko pa rin sa baril pero hindi naman kasi ito totoong baril na nakakapatay.
Binuksan ko ang pinto at luminga-linga pero hindi ko nakita si Lucind. Tumingin ako sa pinto ng mansion at doon ko siya nakita kaya napatakbo ako sa kanya. Geeez, hindi man lang ako hinintay!
Kagaya ng dati, dumaan ako sa puno na may code at pumasok sa underground headquarters. Ang kaibahan lang ay may kasama na ako ngayon.
Dumiretso agad kami sa office ni boss at naabutan namin siyang...natutulog.
What the fudge?!
Hindi ko maiwasang matawa at napailing na lang. May pasabi sabi pa siyang I don't tolerate late people psh.
Baka sa sobrang aga niya dito dahil ayaw niyang malate ay nakulangan siya sa tulog.
Napatingin ako kay Lucind na mukhang wala atang balak gisingin si boss. Mabuti na lang at alam niya kung paano gumalang. Hindi pa naman 10 kaya mamaya na lang namin gigisingin si boss.
Umupo ako sa katapat na upuan ni Lucind at nagscan sandali ng newspaper na sa tingin ko ay binabasa ni boss.
Napataas ang kilay ko nang makita ang front page ng newspaper.
Kidnapping or Run Away Bride?
Napailing na lang ako sa headline na nabasa ko. Sunod kong nakita ang picture ko noong birthday ko at binasa ko ang nakalagay na text sa baba noon.
BINABASA MO ANG
The Princess In Disguise (Under Editing)
ActionAno nga ba ang tungkulin ng isang prinsesa? Pangalagaan ang kanyang nasasakupan? Kumilos bilang isang leader? Magpaka-prinsesa? Para kay Anastasia, tapos na siya sa mga ganyan. She had enough. Sawa na siyang maging sunod-sunuran at sumunod sa rules...