Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang nakaupo sa may bintana at nakatunganga sa labas. Pinakikinggan ko ang tunog ng ulan na napagpapakalma sa sistema ko.
Bumuntong hininga ako. Wala rin naman akong magagawa ngayon dahil nga one week akong grounded at umuulan rin so hindi ako pwedeng lumabas. Tinatamad ako.
Bumuntong hininga ulit ako. Ang daming nangyari sa mga nakaraang araw. Parang ang bilis ng panahon. Ang dami ko ring iniisip. At mas gumugulo pa sa utak ko si Callix. Hindi ko talaga alam kung bakit hindi niya ako pinapansin. Kasi dapat kahapon masusundan ko na siya! Kaso nga lang pinatawag ako. Hayyssttt.
"Nakakailang buntong hininga ka na ah," rinig kong sabi ni Zandra sa likod ko.
Hindi ko na nagawang humarap sa kanya. Basta pinapanood ko ang ulan.
"Gising ka na pala."
Dito kasi siya natulog kagabi. Papaalisin ko nga sana siya pero naalala ko na baka magflashback na naman ang mga alaala niya. Ayoko siyang umiyak, gusto ko kapag naalala na niya lahat, nasa tabi niya ako. Kaya pinayagan ko na lang siya na tumabi sa akin. Pero sana mas mabilis na bumalik ang mga ala-ala niya. Makakatulong iyon sa akin ng sobra-sobra.
"Gutom ka na ba?" tanong niya sa akin.
This time, humarap ako sa kaniya. Naka-indian sit siya sa kama ko at nakasuot ng blue na pajamas.
"Oo eh. Wala pa namang nagdadala. Nakakainis! Lagi na lang akong grounded."
Natawa siya. "Okay lang yan."
"Tsk! Tapos ikaw hindi!" sabi ko at pinaningkitan siya ng mata. Totoo naman. Ako na lang palagi ang grounded.
"Magpakabait ka kasi."
I pout. "Mabait naman ako ah."
"Alam ko." Tumawa siya. "Kaya nga naaksidente ka dahil sa sobrang bait mo."
Tiningnan ko siya ng masama.
"Oh bakit? Totoo naman ah."
"So...kasalanan ko pa? Anong gusto mo banggaan ko yung aso?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Okay...okay. Ang point ko lang naman ay mabait ka."
"Tsk. At mataray ka naman."
She stood and flipped her hair. "Whatever."
Natawa ako bigla. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa buksan niya ang secret door.
"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Magpapadala ako ng breakfast nating dalawa."
Akmang tatapusin ko pa lang ang pagpapasalamat ko nang pinutol niya ito.
"Thank me later," wika niya at isinara ang secret door.
Napailing na lang ako habang may ngiti sa labi. Mataray nga pero mabait din naman. Nakakatawa.
Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas ng lock ng pinto. Baka andyan na yung breakfast namin.
Pumasok si Merda, ang pinaka-pinagkakatiwalaang maid sa buong palasyo kasama si Zandra na umupo naman kaagad sa tabi ko.
Dahil nga boring dito at wala akong magawa hihingin ko muna kay Merda ang phone ko since nasa kanya naman iyon.
"Merda?"
Napatigil siya sa paglalakad at humarap sa akin na hawak pa rin ang tray ng pagkain namin ni Zandra.
"Ano po iyon, kamahalan?" tanong niya ng naka-ngiti.
Binigyan ko muna siya ng pinakamatamis na ngiti bago sabihin ang pakay ko. "Pwede ko bang mahiram ang cellphone ko?"
Nakita ko ang pagbabago sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
The Princess In Disguise (Under Editing)
ActionAno nga ba ang tungkulin ng isang prinsesa? Pangalagaan ang kanyang nasasakupan? Kumilos bilang isang leader? Magpaka-prinsesa? Para kay Anastasia, tapos na siya sa mga ganyan. She had enough. Sawa na siyang maging sunod-sunuran at sumunod sa rules...