Kagagaling ko lang sa banyo pero hindi pa rin tumitigil si Luk sa kakasunod sa akin. Para siyang buntot na sunod ng sunod. Nakakainis ah.
I want some milk kaya dumaan muna ako sa kusina para kumuha. And now that I'm putting fresh milk into a glass, ang daldal naman ni Luk. Naaalala ko tuloy sa kanya si Raphael.
"Anastasia, bakit ba hindi mo ako pinapansin? Yung sa café ba yung dahilan? Pwes, sorry na. Kanina pa ako sorry ng sorry sa'yo eh," naririnig kong sabi ni Luk. "Huy! Pansinin mo naman ako! I'm going crazy! Anastasia, please."
Pagkatapos niyang magsalita ay nilagpasan ko siya na parang hindi ko siya naririnig at nakikita. Kanina pa siya sorry ng sorry sa akin, sabi nga niya. Pero hindi naman 'yon ang dahilan. Duh, I'm doing some dare here. Kaya kung ako sa kanya, titigil na ako sa kakasalita at kakasunod dahil nagsasayang lang siya ng laway at pagod.
"Your Highness kasi! Ano bang problema? Bakit hindi mo ako pinapansin? Why are you acting that you can't see me? Mababaliw na ako dito," naiiyak na wika ni Luk habang sinusundan niya ako paakyat. Hayst. If only I could talk to him...pero may dare ako eh.
I'm pretty sure na natatawa na ngayon sina Scion kung nakikita nila ang kaibigan nila na parang baliw. I bet nanood nga sila kasi may cameras dito. Imposible namang wala, lalo na't may tech geek na nakatira dito sa loob ng bahay.
I shut the door behind me, kaya hindi na rin nakasunod si Luk. Ni-lock ko na rin gamit ang relo ko, na in-invent ni Scion.
Napailing na lang ako. "Kawawang Lucind. But serves him right. Pinaalis niya kasi ako sa café niya."
Pinatong ko ang gatas ko sa ibabaw ng bedside table at patalon na humiga sa malambot na kama. I stared at the white ceiling for some time, clearing my mind off of everything.
Kamusta na kaya si Zandra? Miss na rin kaya niya ako? Probably, yes. I'm sure pati na rin si Callix.
Eh si mama kaya? Galit pa rin ba siya sa akin katulad ng dati? Si Merda ba, bumalik na sa palasyo namin? How about Raphael? His dad? Sinusumpa kaya nila ako dahil hindi ko sinipot ang kasal.
Si Vania, si Sir Kendeev, yung ibang agents. Ano na kayang ginagawa nila ngayon? Ang Cepheus kaya? Ang mga tao do'n? Hayst.
I took a deep breath. Cepheus may bring back unpleasant memories---like the reason why I left there---it can also bring back happy memories from my childhood. Mas nakakalamang pa rin ang magagandang ala-ala na nando'n.
Sometimes, we have to runaway from the pain or the one who's giving us pain. But it doesn't mean that we have to run forever para lang hindi na ulit maramdaman ang sakit. Minsan, kailangan natin na harapin ito, just like your problem. Dahil hindi ito matatapos kapag andyan pa rin ang dahilan ng sakit na nararamdaman mo. Well, we have different ways of washing out the pain that we're feeling, ofcourse depending on the situation, as long as tama ang pamamaraan niyo. But my situation is a different one.
Kaya nagpapalakas pa ako, emotionally and physically. I have to be prepared. Dahil minsan ang sakit na nararamdaman ng isang tao ang nakakapagpatatag sa kanya, katulad ko.
Tiningnan ko ang laptop na nasa bedside table ko rin. I'm thinking of calling Callix cause I really miss them. Pero malalim na ang gabi kaya baka natutulog na siya, ayoko namang maka-istorbo.
Bumangon ako sa kinahihigaan ko at umupo sa dulo ng kama. I opened the drawer at the side of it, taking-out a not so big red velvet box.
This is where I keep my dagger and the necklace. Tinanggal ko ang kulay gintong tela na nakabalot sa dagger ko at inilapag ito sa ibabaw ng kama kasama na rin ang dagger. I'm wondering kung kailan ko kaya magagamit ito? Or will I even use this in my entire life? Sabi kasi sa akin ni Callix ay ilegal daw ito at masyadong mapanganib. Naalala ko pa ang sinabi niya na 'this dagger is for killing' or something like that. Hindi naman siguro darating ang araw na kailangan kong gamitin ito para pumatay ng tao. Kasi to be honest, I hate violence.
BINABASA MO ANG
The Princess In Disguise (Under Editing)
ActionAno nga ba ang tungkulin ng isang prinsesa? Pangalagaan ang kanyang nasasakupan? Kumilos bilang isang leader? Magpaka-prinsesa? Para kay Anastasia, tapos na siya sa mga ganyan. She had enough. Sawa na siyang maging sunod-sunuran at sumunod sa rules...