Chapter 20: Green-eyed Man

188 13 0
                                    

I looked at myself through the full-length mirror. I smiled when I saw my gown. Ito yung napili kong design dahil nagandahan ako at tiyak na babagay iyon sa akin. At tama nga ako.

I am wearing an elegant gold and black off-shoulder ball gown. And a high-heeled gold glass sandals.

Natatawa ako dahil para akong nagsha-shine dahil sa gown ko. It was full of glitters. Actually, ito na ang pinakafavorite gown ko. Ngayon ko lang nalaman na bagay pala ang combination na gold and black. My gown color is perfect! It is black from the top and I can see the color changing to gold as it continues to the bottom of the gown.

"Napakaganda mo namang bata, hija."

Nakangiting humarap ako sa nagsalita.

"Salamat po, Lola Emilia."

Natutuwa ako dahil nakapunta si Lola Emilia ngayon. Magtatampo ako sa kanya, kapag di siya nakapunta eh. So as I was saying pinilit nga niyang pumunta kaya andito siya sa kwarto ko ngayon. Sinabihan ko kasi ang mga maids na dito padiretsohin si Lola kung sakaling makakapunta siya. Nga pala, nakasuot siya ng gold mermaid gown. Kahit na matanda at kulubot na ang balat ni Lola Emilia, bagay pa rin naman sa kanya yun. Dapat nga hindi yun ang susuotin niya dahil nagprovide talaga ako ng para sa kanya pero nagpumilit siya na tama na daw iyon.

"Oh hija, baka matunaw ako sa katititig mo ha," pabirong sabi niya na ikinatawa ko naman.

Humarap ako sa salamin para tingnan ulit ang sarili ko. Maya-maya ay narinig kong nagsalita si lola. Hindi ko siya nilingon pero nakikinig pa rin naman ako.

"Alam mo hija, kung may apo ako sa kanya ko ito ibibigay. Kaso hindi ko alam kung mayroon akong apo eh. Hindi ako dinadalaw ng anak ko."

Magsasalita sana ako kaso naalala ko na pulubi pala ako ng naikwento sa akin yun ni lola, so kunyari hindi ko alam. Mahirap na, baka malaman ni lola na ang pulubing hinahanap niya at ako ay iisa. Mas maiging itikom ko na lang ang bibig ko.

"Eto ang regalo ko sa iyo hija. Pasensya na kung medyo luma. Bigay pa kasi sa akin yan ng mga magulang ko."

Humarap ako sa kanya at kinunotan siya ng noo. "Kung bigay pa po iyan sa inyo ng magulang niyo, bakit niyo po ibinibigay sa akin?" Tanong ko sa kanya. May sentimental value 'yon, alam ko, kaya mahirap iyon pakawalan.

Nginitian lang naman ako ni lola. "Wala na rin naman akong mapagbibigyan. At tsaka wala na akong ibang regalo kundi ito lang. Kaya okay lang sa akin."

"Sure po kayo?" Nag-aalangang tanong ko.

Tumango siya. "Halika at isusuot ko sa'yo."

Sinunod ko naman siya at umupo sa kama para mailagay niya ang kwintas.

Nang matapos na ni lola na mailagay ang kwintas ay tiningnan ko iyon. Halos ilang segundo ko rin itong tiningnan bago nagsalita.

"Ang ganda," bulong ko sa sarili ko.

Gold ang pendant niya at quarter moon ang design. Pero may isang part siya na parang kulang kaya napakunot ang noo ko.

"Lola may kabiyak po ba itong kwintas na 'to?" Ibinaling ko ang tingin ko kay lola para tanungin siya. Nakangiti naman siyang tumango.

"Alam mo ba kung ano ang disenyo niyan?"

Umiling ako. Paano ko naman malalaman? Si lola talaga.

"Buwan ang nasa iyo at paru-paro naman ang kabiyak niyan."

"Ano pong ibig sabihin no'n?" Tanong ko sa kanya. I'm sure may meaning ang ganoong mga bagay.

Nginitian lang niya ako at umiling. Wala? Pero bakit iba yung nakikita ko sa mga mata niya? Bakit parang may gusto siyang sabihin pero itinatago niya?

The Princess In Disguise (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon