Chapter 12: Ambushed?

243 22 0
                                    

I was scrolling on my phone screen when someone knocked on my room's door.

"Prinsesa, may bisita ho kayo!"

Ahh, isa lang pala sa mga maids. Pero anong sabi niya bisita? Early in the morning? Huh?

Agad akong tumayo at binuksan ang pinto.

"Nasaan siya?" tanong ko sa kanya.

"Nasa guestroom ho."

Tumango ako at nagpasalamat. Nagbow naman muna siya bago umalis.

Sino naman kayang bisita yun? Ang aga-aga naman.

Pumunta ako sa second floor ng palasyo dahil nandun ang mga guestrooms. Isa-isa kong binuksan ang siyam na guestroom sa unahan pero walang tao. Ibig sabihin nasa huling guestroom siya dito sa dulo since sampu lang naman ang guestroom dito.

Kumatok muna ako bago buksan ang pinto. Ang sosyal naman ng bisita ko ngayon. Bakit ko nasabi? Dahil dito niya napiling mag-stay sa pinakamagandang guestroom.

Tsaka kailangan pa ng pahintulot ni mama kapag ito ang gagamitin na guestroom. Ginawa niya kasi ito para sa mga mahahalagang tao.

May sarili 'tong sala set. Isang mahabang sofa at dalawang single sofa sa magkabilang gilid. May malaking glass table sa gitna at may malaking flat screen tv. Airconditioned din ang kwartong ito at may mini refrigerator. Pinalagyan rin ito ng emperor size bed.

Kung sino man ang tao dito, ay isa sa mga mahahalagang tao na itinuturing ni mama.

Pinalibot ko ang tingin ko sa buong paligid at may isang tao akong nakita na naka-upo sa single size sofa na nakatalikod sa pinto.

"Um, hello?" I greeted. He just grunted as a reply.

Sino naman siya? Wala naman akong inaasahang bisita.

Pag-ikot ko ay nakita ko si Raphael na nakasandal sa sofa at nakapikit. Hindi na ako nagtaka at nagulat nung siya ang naabutan ko, sa dinami-dami ng guestroom eh dito pa niya naisipan na mag-stay. Pero ang nakakagulat ay nakahawak siya sa gilid ng puting polo niya sa may tagiliran habang patuloy na umaagos ang pulang likido galing doon.

"Raphael?!"

Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya. Hinawakan ko ang dalawang niyang balikat para iayos siya ng puwesto. Pero nang makita ko na nasasaktan siya agad ko siyang binitawan.

Holy fudge. Anong gagawin ko?

Naglakad-lakad ako pabalik-balik sa loob ng kwarto dahil nagpapanic na ako. Ng makapag-isip ako nang maayos, tinawagan ko agad si Callix.

"Callix?!"

"Why did you call, is there someth—"

"Callix. Pumunta ka rito sa last guestroom. Magdala ka ng...mga gamit na pangtanggal sa bala. Raphael was shot!"

Hindi ko na agad hinintay ang sagot niya at pinatay ang tawag. Pagkatapos ay lumuhod ako sa harapan ni Raphael para tingnan ang sugat niya.

"Ano bang nangyari sayo? Bakit may tama ka?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

Pinilit niyang sumagot pero pinatigil ko na lang siya dahil mas lalo pa siyang mahihirapan. Maya-maya ay nakarinig ako ng katok sa pinto.

Tumakbo ako at mabilis na binuksan ang pinto. Nakita ko si Callix na may dalang kit at nakablack na long-sleeve polo na nakatiklop hanggang siko.

"Callix, marami nang dugo ang nawala kay Raphael. Ikaw na ang bahala sa kanya."

Tumango lang siya at tuluyang pumasok sa loob ng kwarto.

The Princess In Disguise (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon