Chapter 37: A Peek from the Past

47 9 0
                                    

"Anong oras na, Luk?" Tiningnan ko si Luk habang hinihintay ang sagot niya.

He glanced at his watch then answered my question. "It's midnight. 12:47 to be exact."

Nagkatinginan kami ni Lola Emilia pagkatapos ay nagkibit-balikat na lang ako. Kumuha ako sa bowl ng chip at kinain ito. We're having fun in here kaya hindi pa kami natutulog.
Kahit pagod na kami ngayong araw ay hindi naman kami makatulog dahil nag-uusap pa kami kasama si Lola Emilia. Just a little chit chat about our life, since alam naman ni Lola Emilia ang sikreto ko at kilala na rin niya ang mga katrabaho ko.

"Your Highness, can you please give me some grapes?" Luk requested.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit mo ako tinatawag na Your Highness kung uutusan mo rin lang naman ako?" Sabi ko sa kanya pero ibinigay ko rin naman ang hinihingi niya.

"Thank you!" He said and winked at me. Masama ko siyang tiningnan pero binalewala niya lang ako.

Napatingin ako kay Lola Emilia nang marinig ko siyang tumawa. "Alam niyo ba na bagay kayong dalawa?"

Muntik na akong mabulunan ng kinakain kong chips dahil sa sinabi ni lola.

"Ho?! Naku! Ang galing niyo naman pong magpatawa!" Sabi ko at nagpeke ng tawa. Seriously?! No way!

"Lola, she's already taken. She's in love with the prince of Tyran," kontra niya rin pero biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Malayo pa ang April fools day, pero ang mga kasama ko dito sa bahay ang hilig mag-joke.

"Kung gayon ay bakit siya tumakas sa araw ng kasal nila? Kung mahal niya ang prinsepe ng Tyran sisiputin niya ito sa kasal," wika ni lola.

"Lola," tawag ko sa kanya. "Hindi po totoo ang sinasabi ni Luk. 'Wag po kayong maniniwala sa kanya. Sa tingin ko nga po ay mas ayos na si Luk na lang ang pakasalan ko kaysa kay Raphael. Di'ba Luk?" Diniinan ko ang tanong ko sa kanya pagkatapos ay nilingon ko siya at ngumiti.

Nakita ko naman na napanganga siya sa sinabi ko at wala rin siyang masabi kaya tumawa na lang ako.

Narinig kong pumalakpak si Lola. "Bagay talaga kayo. Mula ngayon kayo na ang aking barko."

Nagkadikit ang kilay ko. Ano raw? "Barko, ho?"

Tumango si lola habang nakangiti. "Oo. Barko, ship. Yung kapag may gusto kang magkatuluyan na dalawang tao."

Napatunganga ako kay lola dahil hindi ko inakala na sasabihin niya ang gano'ng bagay. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan ay nagkatinginan kami ni Luk at maya-maya lang ay sabay kaming natawa.

"Natutuwa talaga ako sa inyong dalawa," masayang wika ni Lola Emilia kaya hindi ko mapigilan ang mapa-ngiti. "Kung kasama ko lang ang mga apo ko ngayon..."

Biglang naging malungkot ang mukha ni lola pagkatapos niyang sabihin iyon. Ano ba kasing nangyari sa pamilya niya at naiwan siya mag-isa?

"Ano po bang nangyari sa apo ninyo?" Tanong ni Luk kaya napalingon ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Binigyan niya lang ako ng kibit-balikat.

"Ah, kung ayaw niyo po ikwento, ayos lang sa amin," sabi ko sa kanya. Napaka-insensitive naman siguro kung aalalahanin niya ang mga pangyayaring nagpapalungkot sa kanya para lang ikwento sa amin, di'ba? Kasi si Luk eh!

"Ayos lang, hija," sambit niya kaya nakahinga naman ako nang maluwag. "May dalawa ako noong apo. Venusia at Akania ang pangalan nila."

Napa-isip ako sa narinig kong pangalan. Akania at Venusia? Sounds familliar.

"Kambal silang dalawa kaya't laging magkasama. Sa tingin ko ay mas matanda sila sa inyo ng isang taon," ngumiti siya sa amin. Kami naman ay nanatiling tahimik para pakinggan ang susunod na sasabihin niya. "Tuwing nangangarap sila kung anong gusto nilang gawin pag laki nila, nandoon ako. Lagi akong nakikipaglaro sa kanila dahil lagi ko silang kinagigiliwan. Ang saya-saya namin noon. At kahit na abala kami ng aking mga anak sa pamumuno sa aming bahay ay hindi matatapos ang araw ng hindi kami nagkukulitan."

The Princess In Disguise (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon