Chapter 35: Apology Accepted

69 9 0
                                    

“Callix, sagutin mo naman ang tawag ko, oh,” bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa laptop. Miss ko na ang mga tao sa palasyo, lalo na si Zandra. Gusto ko na silang makita.

Napatalon ako mula sa pagkaka-upo sa kama ko nang biglang lumitaw ang mukha ni Callix sa screen ng laptop.

“Omaygash, Callix! Am I really seeing you?!” Hindi ako makapaniwalang sinagot niya ang tawag ko! I already called him many times pero ngayon lang niya ako sinagot.

“Hindi, Zie. Kaluluwa ko lang 'to. Ang galing nga eh nakikita mo 'ko.”

Napa-pout naman ako at umupo na sa kama. “Hmp. Pilosopo.”

“‘Di talaga bagay sa'yo yan. ‘Wag ka ngang mag-pout!”

I rolled my eyes. “I miss you.”

Tumawa naman siya at mayabang na nagsalita. “I know. Pero tinanong mo ba ako kung miss kita?”

“Fine. Miss mo na ba ako?” Tanong ko.

“Tinatanong pa ba 'yan? Syempre hindi!”

“Bakit ba ang savage mo ngayon? Nami-miss ko na talaga ka'yo kahit di niyo ko miss,” malungkot na saad ko.

“Syempre joke lang yun. Miss na rin kita. Ano bang problema?” Bigla namang nagdikit ang kilay ko dahil sa tanong niya.

“Huh?”

He shook his head. “I know you have a problem. Com'on, tell me. Hindi ka naman tatawag ng 17 times simula pa kagabi kung wala kang problema.”

Impit akong napangiti at bumuntong hininga. “You really know me.”

“We're bestfriends. Matagal na tayong magkasama. I can read you like an open book and vice versa,” he said.

“So does that mean na wala tayong itinatagong sikreto sa isa't isa? You said we can both read each other. Ibig sabihin ba no'n alam natin kapag may tinatago tayong sikreto sa isa't isa?” Tanong ko.

He looked at me for a couple of seconds then shrugged. “Lahat ng tao may sikreto na sarili lang nila ang nakakaalam. They do not want others to know about it, kaya ginagalingan nila ang pagtago at hindi pinapahalata. So to answer your question, I don't know, maybe yes, maybe no.”

Mabagal akong tumango. “Yeah...maybe.”

Pinaningkitan niya ako ng mata. “Ano nga ba talagang problema mo?”

I smiled. “You don't need to know. And besides I already thought of a solution. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay isagawa ang naiisip ko. Gusto lang talaga kitang makita...tsaka si Zandra.”

Tiningnan niya ako. “You know na hindi pwede.”

“I know,” usal ko. “Miss ko na kasi talaga kayo.”

Tumaas ang kilay niya. “Teka. Inaaway ka ba diyan ni Dark?”

My eyebrows furrowed. “Sino si Dark?”

“Lucind Dark. Your groupmate. Geeez.”

Tumango ako. “Ahh. Si Luk. Hindi naman. We just had a little misunderstanding. Pero kasalanan ko naman eh.”

He nodded like he understand my situation. “Kaya pala. Sabi ko wag kang awayin eh—”

“No, kasalanan ko sabi eh,” I pointed out.

Napalingon kaming dalawa nang biglang kumalabog ang pinto niya, “Kuya Callix! Where did you put the shopping bags that we bought?!”

Nanlaki ang mga mata ko. “Is that Zandra?”

The Princess In Disguise (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon