Two Year After ( chapter 48 )

5.6K 104 11
                                    

After Two Year! 

" Ready ka na bang harapin ang asawa mo ? " Tumango lang si Miranda sa tanong ni Jacob sa kanya.

" Dapat matagal na akong nagpakita sa kanya, kong di lang ako naduwag e di sana matagal na kaming nagkaayos. " Malungkot lang niyang sagot. 

"Don't worry Sis,kahit anong mangyari we're here for you,di ka namin pababayaan. " Pang aalo nalang ni Mich sa kanya.

 " Ate sigurado kana ba talaga ? Alalahanin mo mahirap kalaban si Mommy. Kaya niyang pumatay ng tao Ate makuha lang niya ang gusto niya. " May pag alala namang sabi ni Arah. Naawa na siya sa kanyang Ate Miranda dahil alam niya ang paghihirap ni'to sa nakaraang dalawang taon. 

" Ito lang ang naisip kong paraan Arah, dahil kong patatagalin ko pa to baka di  kuna makakasama ang mag-ama ko kahit kailan. " Naiyak na naman si Miranda ng maisip ang kanyang mag-ama na mahigit dalawang taon na niyang hindi nakita. 

" Akala ko ba Arah wala ang Mommy mo't si Beth sa bansa? " Ani ni Mich. 

" Wala nga Ate Mich. Pero alam mo naman si Mommy maraming bantay. " Paliwanag naman ni Arah. 

Napabuntong hininga nalang si Miranda sa narinig,kahit anong mangyari ay disidido na siyang puntahan si Aaron, dahil baka mabaliw pa siya kong lalo pa niya itong patatagalin.  K0ng sanay hindi siya nadesgrasya ng puntahan niya si Jacob noon. Maayos na sana ang lahat ngayon,sanay kasama na niya ang anak.

Ilang buwan din siyang comatose, at ng magising naman siya ay ang nakaraan lang niya ang naalala,at hindi kasama doon ang mag-ama niya.  Mabuti nalang lang at hindi siya pinabayaan nila Arah,Mich,Kuya Jerold at Jacob. Laging nakaagapay ang apat sa kanya. Nung una ay nagtaka pa siya kong bat may Arah siyang kaibigan ni Hindi niya ito matandaan.

Pero dahil mabait parin ang diyos unti-unti niyang naalala ang lahat. Nalaman niyang si Donya Reena at Beth pala ang may kagagawan ng lahat mula umpisa hangga sa mabangga ang kotse niya. Sinadya talagang mabangga siya upang sa ganoon ay masigurong hindi na siya makabalik sa kanyang mag-ama.

All the time,akala niya'y nagbago na ang byenan,buong akala niya ay tanggap na siya nito hindi pa pala,part lang pala ng plano ang pagbait-baitan nila ni Beth.  Naalala pa niya nung mga panahong bumalik ang kanyang memorya, And at that moment una niyang naisip ang anak.  I muttured his name. I cried,ang tagal ko palang nakalimutang may anak ako. 

" Basta Miranda ipanatag mo lang ang loob mo. Huwag kana muna mag isip ng kong ano-ano at bukas na bukas makikita muna ang mag-ama mo. "  Nabalik lang siya sa malalim na pag-iisip ng magsalita si Mich. Tumango lang siya dito at ngumiti sa mga kasama. Nagplano pa sila sa kanilang gagawing pagpunta kina Aaron bukas.

We must say Goodbye ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon