Masyado na akong namanhid,ni hindi ko nga alam kong pano nila ako nadala dito sa hospital. Nakatitig lang ako sa kawalan, wala na rin akong mailuluha, mukhang natuyo na kanina. Nung makita kong tumakbo si Sky sakin. Kong pano niya isanalo yung bala na sanay para sakin.
Isang anghel ang anak ko, She's my protector. Pero sh*t naman hindi ko hiniling na maging protector ang anak ko. Ako dapat yun e,ako yung ina ako dapat yung nagpo-protect sa anak ko, bakit baliktad naman.
Pano na'to ngayon, nasa bingit ng kamatayan ang anak ko at wala man lang akong magawa kundi ang umiyak. Damn this life, lagi nalang bang ganito ? Yung lagi nalang akong nawawalan ng buhay.
Pano nalang kong pati si Sky ay kunin sakin nang diyos, God di kuna kaya,baka tuluyan na akong mabaliw.
" M-miranda....."Boses palang ay inis na inis na ako at nag alpasan na naman ang galit ko. Shit.. damn her.
" Hija, I'm so sorry for what I did. " Nanginginig ang boses na paghingi niya ng tawad Pero sarado na ang utak niya. Nasa labas silang lahat ng ER at hindi pa nila alam kong ano na ang nangyayari sa loob nang kwarto kong saan nandun ang anak.
Lumuhod ito paharap sa kanya,kaya blankong nakatingin siya rito. Hinawakan pa nito ang kanyang mga kamay, pilit niya itong kinuha ngunit mahigpit ang pagkakahawak doon, kaya hinayaan nalang niya.
" You knew how much I love Skylaire. At bilang isang lola ayaw kong mapahamak at mangyari to sa apo ko, I didn't knew na'ito ang mangyayari. Patawarin mo ako Miranda.... Kong maibabalik ko lang ang lahat sanay...... " Pero di na ito pinatapos ni Miranda, kinalas niya ang kamay na hawak nito At patayo niya itong hinarap kahit pa nakaluhod parin ito.
" Anong karapatan mong sabihin sakin na mahal mo ang anak ko ha ? Ikaw ang naglagay sa bingit na kamatayan ni Sky, Ni minsan hindi pagmamahal ang tawag sa taong pumapatay sa...sa kapwa niya para sa pangsarili niyang kaligayahan. " hirap niyang sagot kay Donya Reena at ewan niya kong bakit nagsulputan na naman ang kanyang mga luha. Akala niya kanina ay naubos na ito.
" Kahit anong hingi mo nang tawad ay wala na nyang silbi. Hindi babangon si Sky sa isang sorry mulang. " Nanghihina ang kanyang mga tuhod na muling umupo. Nilapitan naman siya ni Tita Mercy na isa pang nagpagimbal sa kanya. Isang revelation pinasabog nito, na ni minsan ay hindi niya naisip.
" Sshh.. Hushed now darling i'm here for you.. Anak tatagan mo ang loob mo, Sky is so brave kid. kakayanin ng anak mo iyon. " " Pampalakas loob nito. Hindi naman niya ito pinansin dahil sa naiilang parin siya, Nakita niyang may mga pulis na nagsidatingan at hinarap naman ito ng asawa.
BINABASA MO ANG
We must say Goodbye ( COMPLETED )
Fiksi UmumKulang nalang lumuha ako ng dugo upang maibsan yung sakit na nararamdaman ko. Pero kahit anong klaseng luha pa ang iluha ko andun parin yung sakit tuwing naiisip kong hindi kuna pala muling mahahawakan yung anak ko. Hindi naman ito yung pinangarap...