Heart Breaking ( chapter 50 )

4.9K 107 15
                                    

Nagulat si Miranda ng makitang sa hospital sila huminto ni Aaron,biglang bumundol ang kaba sa kanyang dibdib, ang sabi ni Aaron ay pupuntahan nila ang anak. Ibig sabihin lang nito ay nasa hospital ang kanyang anak.

" A-anong g-ginagawa natin d-dito ? " Nauutal niyang tanong. Alam niyang nanginginig na ang boses niya.  " Sabi mo kay Parker mo ako dadalhin ? Bat nandito tayo ? "  Naikuyom naman ni Aaron ang kanyang mga kamao,narinig niyang umiiyak si Miranda. Nagtaka siya sa inakto nito.

Nanginginig na pumasok sa loob ng hospital si Miranda,habang nakalalay si Aaron sa kanya. Mabuti nalang talaga at nasa tabi niya si Aaron dahil kong hindi baka natumba na siya. Masyado na kasi siyang naphobia sa hospital at kong pwede lang ay huwag na siyang bumalik sa lugar na iyon. 

Pumasok sila sa isang kwarto at nanlaki ang kanyang mata sa nakita. Nakahiga ang kanyang anak sa hospital bed at maraming nakakabit  sa katawan nito, napa takip nalang siya sa kanyang bibig, Dahang dahan siyang lumapit sa kama ng anak, tulog pa ito. Masyadong mahina ang heartbeat nito. " A-anong... Bakit nandito ang A-anak ko Aaron ?"  Tanong niya habang umiiyak.

Hindi naman sumagot si Aaron at gaya niya ay umiiyak itong nakatingin sa anak.  Humihikbi niyang hinawakan ang kamay ng anak,   " Baby ko. " Mahinang usal ni Miranda. Mas lalo namang bumuhos ang luha ni Aaron ng marinig ang mahinang usal ni Miranda. Ilang taon din niyang hindi narinig si Miranda na tinatawag ang anak.

Impit na umiyak si Miranda dahil naghahabol na ng hininga ang anak.  Parang hindi na rin siya makahinga sa nakikitang naghihirap ang anak." Baby i'm your Mommy. Wake up na baby dahil si Mommy na ang mag aalaga sayo mula ngayon,hindi na kita muling iiwan. Baby  gusto pa ni Mommy maexperience ang maging ina sayo. " Umiiyak niyang sabi sa anak na tulog parin hangga ngayon. 

Hindi man niya alam kong ano ang sakit ng anak,pero sa nakikita niya ngayon alam niyang hindi na ito magtatagal,pero ayaw niyang isipin na mawawala ang kanyang anak. Gusto pa niyang makasama itong ng matagal Gusto pa niyang maranasan na tawagin siyang Mommy ng anak na ni minsan ay hindi pa niya narinig. She was gasping for air while she closed her eyes trying to fill her lungs with enough air.

" Bakit naging ganito ang anak natin ? Akala ko ba sinabi mo sakin na kahit wala ako magiging maayos si Parker. ? " Mahina niyang sabi dahil ayaw niyang magising ang anak na mahimbing na natutulog. 

" I'm sorry Miranda I didn't know na muli palang bumalik ang kanyang sakit. I thought tuluyan na iyong nawala I make sure kasi noon na nasunod ko lahat ng payo ng doctor upang hindi na muling bumalik ang kanyang sakit. " Naiiyak naman niyang sagot,kahit na sa pakiramdam niya ay sinisisi siya ni Miranda ay wala na siyang lakas na loob na makipag away dito. 

She don't know how to react hindi niya alam kung ano ba ang tamang gawin sa mga oras na iyon. Gustuhin man niyang sumbatan ang asawa ay hindi niya magawa,nanghihina ang kanyang mga tuhod. Alam niyang marami din siyang pagkukulang sa anak,ngunit ng maalala na kasalanan ito lahat ng donya kaya siya nawala ng dalawang taon at kaya niya hindi naalagaan ang kanyang anak. Kung sanay hindi mapaglaro ang tadhana ay matagal na sana niyang nakasama ang anak o,di kaya ay hindi siya nahiwalay dito kahit kailan.

We must say Goodbye ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon