Reality (Chapter 61 )

4.8K 116 4
                                    

Pagkamulat palang ng mga mata ni Sky ay agad siyang napangiti, she thought that she was dreaming, totoo palang nakauwi na sila ng Mommy niya sa bahay ng Daddy niya. Napatingin siya sa kanan, tulog pa ang Daddy niya kaya binaling niya sa kaliwa ang paningin ngunit tulad ng Daddy niya ay Tulog pa din ang Mommy niya.

Muli na namang napangiti si Skylaire.   Finally kuya Parker, we're finally home. Sa isip ng bata. Naikwento kasi ni Miranda kay Sky about kay Parker. Kaya hindi pwedeng hindi kasama sa usapan si Parker at hinahangaan pa ito ni Sky,laging bukang bibig nito ang Kuya ni'to.

Dahan-dahan niyang kinuha ang nakayakap na braso ng ama at ina sa kanya ng makalaya sa yakap sa mga magulang ay tumayo siya sa gitna ng kama at tumalon talon. Dahil sa ginawa ni Sky ay sabay na nagising ang dalawa.

" Babe,what are you doin? "Malambing na saway ni Miranda sa anak, natigil naman ito sa pagtalon at napaharap sa dalawang pareho ng nakaupo. 

" Good Morning Mommy and Daddy. " Masayang sagot ng anak sabay yakap sa dalawa napangiti nalang si Miranda alam niyang masayang-masaya lang si Sky dahil sa wakas kompleto na sila moody kasi ang anak pagbagong gising  pero ngayon napaka hyper na ni'to.

                                                                                                                                                                                                            


" Good Morning baby. " 

" Good Morning Babe. " Panabay nilang bati sa anak nagkatawanan nalang silang muli.

" So, dalawa na pala kaming babe mo ngayon ? " Tanong ni Aaron habang kinandong ang anak paharap dito.  Napangiti naman si Miranda. Talagang nakasanayan na niyang tawagin ang anak na Babe.

" So you mean dad, you're the first babe of  Mom ? " Inosenteng tanong ng anak. Tumango naman ang asawa at pinugpog ng halik ang buong mukha ni Sky malulutong namang tumawa ang anak. Teary eye naman siya habang pinagmasdan ang mag-amang nagpagulong-gulong na sa kama dahil sa paghaharutan.

" Oh my God! Daddy, Mommy is crying. " Nabalik naman siya sa huwisyo ng sumigaw ang anak hindi niya namalayang naglandasan na pala ang luha niya  lumapit naman ang mag-ama niya at agad siyang inalo.

" Hey! What's wrong ? "Nag alalang tanong ni Aaron. 

" Wala. Tears of joy lang to." Sagot niya at niyakap ang mag-ama.

" Sali natin si Mommy baby para hindi na siya magdrama. "Sabi ni Aaron na agad siyang dinaganan bago paman siya makatakas kiniliti siya ni Sky at ganun rin si Aaron.  tawa naman siya ng tawa. Patuloy lang silang tatlo hanggang sa ang anak na ang nagreklamo dahil sa gutom na ito. Kaya sabay na silang nag-ayos at bumaba para makapag handa na ng makakain.

Habang busy sa paghahanda ay nakaupo naman ang dalawa sa dining at parehong sa kanya nakatitig maya-maya'y  nagsalita ang anak. " Dad wala po ba kayong work ? " Tanong ng anak.

" Meron,  pero hindi na muna magwo-work si daddy. Kasi gusto kong makabonding na muna kayo ni Mommy. Bakit ayaw mo ba akong makasama ?" 

"Ofcourse not Dad. I always want you, gusto ko po kitang kasama lagi. " Sabi ni Sky at nagpakandong sa ama nakangiti namang nakikinig lang si Miranda sa dalawa.

" Okay guys. Breakfast's  ready! "Pagbigay alam niya sa dalawa.

" Daddy subo mo ako please.. " Nagpapa cute pa ito habang nagmamakawaa sa ama.

We must say Goodbye ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon