Parehong hindi makausap si Aaron at Miranda habang nakaburol ang anak, ni hindi nga umaalis si Miranda sa kinalalagyan ng kabaong ng anak, kahit ang Kuya Jerold niya ay hindi niya pinapakinggan. Lage lang siyang nakatitig sa anak habang panay tulo ang luha niya.
Sa di kalayuan ay nakatingin naman sa kanya si Aaron, gusto niyang amuin ang asawa,upang kahit papano ay mawala ang sakit na nadarama ni'to katulad ng sakit na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Napatingin siya sa paligid, maraming nakikiramay sa kanila.
Napatayo nalang ako upang puntahan si Miranda. Kagabi pa siyang walang tulog ni hindi man lang ni'to ginalaw ang inihatid niyang pagkain dito. " Miranda. " Mahinang tawag ko sa kanya sabay hawak sa kanyang kamay, nanlalamig ang kanyang mga kamay ngunit para itong walang nararamdaman.
Hindi manlang siya sumagot malamig lang siyang nakatingin sa'kin bago piniksi ang hawak kong kamay. " Ako na muna dito magpahinga ka muna. " Sabi kupa ulit.
But she did nothing. Muli lang niya akong tinapunan ng malamig na tingin bago muling tiningnan ang anak namin, naipikit ko nalang ang aking mga mata. Dalawang araw ng nakaburol si Parker,at dalawang araw na ring ganito ang pakikitungo ni Miranda sa'kin.
Wala siyang kinakausap na kahit na sino kahit yung mga taong nakikiramay ay hindi man lang niya magawang tingnan ang mga ito. Masyado na itong naging manhid. " Gusto ko nang mamatay Aaron, wala na rin namang silbi ang buhay ko ngayon. Patay na yung taong nagbibigay lakas sakin upang ipagpatuloy ko noon ang buhay ko. " Nanlaki naman ang mga mata ni Aaron sa narinig.
" Sshh..Miranda don't say that. Kakayanin natin to, Sa palagay mo ba matutuwa ang anak mo pag nakita ka niyang ganyan ? "
Hindi sumagot si Miranda mataman lang siyang nakatingin sa dating asawa,kung dati ay puno ng magmamahal ang bawat tingin niya kay Aaron ngayon ay pait at galit nalang ang tangin magawa niya.
Napansin niyang simula nung unang araw ng burol ng anak ay hindi pa niya nakikita si Beth at ang ina ni Aaron. Na mas pabor sa kanya dahil ayaw pa niya ng gulo gusto na muna niyang namnamin ang mga natitirang araw na nakikita pa niya ang anak.
Masakit man sa kanya ngunit kailangan niyang tanggapin na hanggang dito nalang ang lahat. Na hindi na niya makakasama pa kahit kailan ang anak, Gustuhin man niyang magwala at isisisi sa mga taong may ginawa sa kanya kung bat di niya nakasama ng mas matagal si Parker.
BINABASA MO ANG
We must say Goodbye ( COMPLETED )
General FictionKulang nalang lumuha ako ng dugo upang maibsan yung sakit na nararamdaman ko. Pero kahit anong klaseng luha pa ang iluha ko andun parin yung sakit tuwing naiisip kong hindi kuna pala muling mahahawakan yung anak ko. Hindi naman ito yung pinangarap...