Emptiness ( chapter 52 )

5.1K 105 14
                                    

" Sh*t Jacob san ka na ba ? Bilisan mo naman at nag aalala na ako kay Miranda. "  Natataranta na si Mich habang kausap niya si Jacob sa kabilang linya. Buong akala kasi niya ay natutulog lang ang kaibigan,ngunit ng bandang lunch time na ay pinasok na niya ito sa kwarto nito at ganoon nalang ang kabang nadarama niya ng makitang wala ang kaibigan sa kwarto.  Kaya dali-dali niyang tinawagan si Jacob upang ipaalam ditong muling nawawala ang kaibigan. 

Isang linggo na ang nakakaraan mula ng ilibing si Parker,  pero hangga ngayon ay hindi parin ito matanggap ng kanyang kaibigan na naiintindihan naman niya,kahit hindi pa siya nagkaroon ng anak alam niyang masakit bilang isang ina ang mawalan ng anak. 

" Please calm down Mich,babalik din iyon.Huwag kang masyadong praning. Halos araw-araw naman na laging nawawala si Miranda diba ? At bumabalik din siyang maayos,kaya huwag munang masyadong alalahanin iyon. " Sagot naman ni Jacob sa girlfriend na nag freak out na naman dahil nawala lang sa kanyang paningin si Miranda. 

Natigilan naman si Mich dahil may point naman si Jacob gaanong kasi lagi ang ginagawa ni Miranda,umaalis itong hindi nagpapaalam pero bumabalik naman ito,at very time na umuwi ito ay hapong-hapo ito at halatang galing na naman ito sa pag iyak,hindi naman nito sinasagot kung tatanungin mo kong saan ito nang galing. Tahimik lang itong maglalakad paakyat ng kwarto nito.

" Oo,nga pala ano. O,sya sige huwag ka nalang pala pumunta dito tapusin muna kong ano man ang ginagawa mo. "  She said, Jacob smirked sa sagot ng girlfriend parang hindi siya gustong makita nito.

Habang naglalambingan ang pagjowa sa telepono ay bigla namang sumulpot si Arah sa bahay nila Miranda, Nang makita ito ni Mich ay agad niyang tinapos ang tawag upang maintertain ang sister in law ng best friend niya.

" Kaya pala busy ang line naglalandian pala kayo ni Kuya Jacob." Mapang asar na sabi nito,inirapan naman siya ni Mich. 

" Bitter ka lang. kasi hangga ngayon ay wala parin pumapatol sayo. "

" Excuse me. Marami kayang nanliligaw sakin, wala lang  talaga sa kanila yung hinahanap ko sa isang lalaki kaya single parin ako hangga ngayon. " Dipensa naman niya sa sarili. 

" Talaga lang Arah ah. " 

\

" Tsk! Tigilan mo nga ako Ate Mich, hindi naman yan ang ipinunta ko dito no. Gusto kulang kumustahin si Ate Miranda. Hindi kasi siya nagre-reply sa mga text ko di rin niya sinasagot mga tawag ko. Kaya worried na ako masyado,di naman ako makaalis sa bahay dahil nagluluksa rin si kuya at Mommy, ang dami ko tuloy bini-babysit." 

We must say Goodbye ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon