FlashbacK p-3 ( chapter 4 )

6K 120 13
                                    

*

*

*

*

*

 . . . . .  . . . .  . . . . .  . . . . . . . .  . . . .  . . . .  . . . . . .  . . . . . . .  . . . 

Bumangon narin ako upang makaligo na at may susuyuin pa ako. Agad akong napangiwi sa kirot na nararamdaman ko. Medyo sumakit yung ulo ko. * F*ck * that alcohol talaga yun, hindi na ako sanay uminom simula kasi nung niligawan ko si Miranda ay umiwas narin ako sa pag inom dahil ayaw niyang umiinom ako. I need a cold shower para mawala na'tong sakit nang ulo ko.

Natapos nalang ako sa lahat-lahat ay si Miranda parin ang laman nang utak ko  Tuwing maalala ko yung mukha niya kagabi na may takot sakin. kaya naman umuwi na agad ako kagabi pag kahatid ko sa kanya. Pero dahil sa hindi ako mapakali at nahihirapan akong makatulog ay nag pasya nalang akong muling lumabas. Gusto ko munang makalimutan ang lahat gusto ko na munang idaan sa alak ang pagkalimot ko. may sarili akong Bar. ngunit di ako pwedeng dun uminom dahil nandon si Miranda ayaw ko namang mas magalit pa siya sakin. 

Nagpakalasing lang ako buong madamag di ko nanga naisip na may susunduin pa pala ako. Sobrang nakonsensya ako nung napagtaasan ko nang boses si Miranda. I'ts the first time na ganoon yung pakikitungo ko. I just love her that much, alam kong sa sobrang frustrated ko lang iyon

Yun yung una at pinapangako kong last narin yon ayaw kong nakikita siyang umiiyak. Sa ngayon hahayaan ko narin siyang mag desisyon kong hindi pa talaga siya ready'ng magpakasal sakin di ko na muna siya pipilitin. Ganoon ko siya kamahal.

Nang masiguro kong okay na ang porma ko ay agad na akong lumabas ng kuwarto Maaga pa naman kaya pwede kupang daanan ang dapat kong daanan. Alam ko rin naman na tulog pa si Miranda kadalasan 1:00pm na kasi siya nagigising.

3-6:00pm kasi ang klase niya dahil puro minor nalang ang tinatapos niyang subject. Agad na akong nagdrive pero before ko siyang puntahan ay bibili na muna ako ng breakfast namin at flowers pang peace offering.

Di ko na kailangang kumatok dahil may sariling susi ako. Dito kasi ako nag papahinga minsan kong hinihintay kong matapos ang trabaho ni Miranda.

Pagbukas ko ang tahimik ng kabahayan at alam kong nasa kuwarto si Miranda nilapag ko na muna ang bouquet of white rose at nagpunta ng kusina upang ipaghanda na siya nang breakfast.

Matapos ako sa lahat nang ginawa ko ay agad na akong pumasok sa kuwarto ni Miranda Iling-iling pa ako ng mapagtanto kong hindi naka lock ang kanyang kuwarto. Ito talagang babaeng to.

Nakita ko siyang payapang natutulog sa kama nito. Kaya nilapitan ko na ito at agad na sumampa, nakita kong may tuyong luha pa sa kanyang mukha Ang sakit lang tingnan parang may karayom na tinusok sa aking dibidib,ayaw kong ako ang dahilang ng mga luha ni Miranda lalo na kong ito ay sama nang loob.

" Babe gising na ? "  Malambing kong gising  sa kanya habang marahang hinaplos ang kanyang malambot na buhok.

" Ano ba! kita mong natutulog yung tao eh. " Sagot naman niya sabay kuha ng kamay kong nakahawak sa may buhok niya Umisod naman ito sa may gilid nang kama at kunting galaw nalang nito ay mahuhulog na ito pero para itong walang pakialam malayo lang sakin.

Alam kong kasalanan ko ito alam kong may takot na siyang nadarama dahil sa nangyari kagabi. All I need to do right now is ang humingi ng tawad sa kanya at mangangako akong di na yun mauulit.                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                       

We must say Goodbye ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon