Bestfriend tayo ( chapter 17 )

3.7K 96 8
                                    

" Upo na muna kayo Miranda at pababa narin yung bestfriend mo. "   Masiglang sabi ni Tita Lucy. Inalalayan ko naman si Miranda na makaupo nang maayos bago ako tumabi sa kanya. 

" You Okay ? " I was worried. medyo malayo rin yung byahe namin baka napagod siya. 

" Oo. Naman the best kaya yung driver ko. " She said while smiling to wide. 

Muling bumalik si Tita Lucy na may dalang tray. " Oh... Mag merienda na muna kayo at tatawagin ko lang si Mich. " 

" Tita pwede bang ako na lang yung tatawag kay Mich. " Sabat naman ni Miranda. Kaya tumango nalang si Tita.

" Oh. Sige hija akyatin muna kaibigan mo,at ako na muna bahala sa asawa mo. "  Tumayo naman si Miranda.

" Babe sandali lang ha ? " Paalam niya. Tinanguan ko naman siya. 

Naiwan kami ni Tita Lucy. Madaldal eto kaya hindi ako nabo-bored. While waiting my wife. Ang daming tips na binigay ni Tita para sa mga first timer na buntis.

Sinabi ko kay tita na ako na ang tatawag kay Mich,para makapag usap naman kami nang kami lang dalawa. 

Pagpasok ko sa kwarto ay siya namang labas nito mula sa c.r Napasigaw pa eto sa gulat.

" Oh My God Miranda! Papatayin mo ba ako ? Bat di ka man lang kumatok ? "  Pasigaw niyang sabi sakin habang hawak niya dibdib niya. 

" To naman parang ngayon kalang. Dati ko naman itong ginagawa ah ? Pumapasok akong hindi kumakatok. "  I replied at dumiretso sa kama niya. 

Humiga ako. I miss this room dito ako laging tumatambay nung kabataan ko pa hanggang sa nag dalaga ako. 

" Dati yun. Yung magkapit bahay pa tayo, "  Nakasimangot niyang sabi at tinalikuran ako.

" Galit ka ba ? " Matamlay kong sabi. 

We must say Goodbye ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon