Flashback p-5 ( chapter 6 )

4.9K 110 9
                                    

*

Kinaumagahan ay sabay na nagising ang mag fiancee pareho lang silang nakayakap sa isat-isa.  " Good morning Misis Anderson. " Masiglang bati nang binata sa dalaga at hinalikan ito sa labi.

Umiwas naman ang dalaga dahil sa kadahilanang hindi pa siya naka pagtoothbrush. " So ayaw mo ng pahalik sakin ngayon ? " Pagtatampo kunwari ng binata at kumalas pa sa pagkakayakap sa dalaga at tinalikuran ito. 

" Tampo naman agad ang Mister ko. " Natatawang sabi niya at hinila ito pabalik. " Bangon na tayo. " Sabi ng dalaga.

" Ayaw ko nga. "Nakangusong sagot naman ng binata. Natawa naman ang dalaga sa inasal ng fiance nito. Kaya para mawala na ang tampo nito ay hinalikan na niya ito sa labi ngunit smack lang dahil nga sa bagong gising pa siya.

Malawak naman itong ngumiti at mas nauna pang bumangon sa kanya,iling-iling nalang si Miranda sa pagiging childish nito." Una na akong maligo babe. " He said at tumuloy na sa banyo. Naiwan naman si Miranda na inayos ang higaan.

" Babe sama ka sakin ngayon ha."  Masayang sabi ni Aaron sakin. Kumakain na kami ng breakfast ngayon. I saw he's face full of happiness,masayahing tao na si Aaron pero iba ngayon eh,sobrang aliwalas ng kanyang mukha, Alam kong may kinalaman ito sa sagot ko kagabi kaya ito ganito ka saya.

" San naman ? " I replied to him bago sumubo sa kinakain ko. 

" Sa bahay dahil ipapa-alam na natin sa family ko na pagpapakasal na tayo as soon as possible." Masayang sagot nito. " Babe  ano nga palang gusto mo sa wedding natin ? "  Pukaw ulit niya sakin ng hindi ako sumagot kanina.

" Babe kong pwede lang ayaw ko na munang pumunta sa bahay ninyo,Kong okay lang sayo ha.? Pero kong di naman pwede di okay lang din sakin kong makaharap kong muling yung parents mo basta huwag mulang akong iwan mag-isa. Alam mo namang allergy Mommy mo sakin diba ? "

Mahabang paliwanang ko,ang buong akala ko ay magagalit siya dahil sa ayaw ko rin sa family niya pero nakita kong ngumiti siya sakin." It's okay babe alam kong presko pa sayo yung nangyari kagabi eh, talagang gusto ko lang talagang ipaalam na sa kanila ngayon eh. "

" Pwede mo naman silang puntahan ah,pero di na ako kasama. " Sabi ko nalang. Tumango naman siya,at masaya na kaming nag uusap muli. Pinag usapan namin ang tungkol sa kasal at kong ano ang gusto kong kasal. Nag-aasaran panga kami basta pareho lang yung nararamdaman namin ngayon. "SAYA "

Pagkatapos naming mag breakfast ni Miranda ay agad na akong nag paalam sa kanya upang umuwi sa bahay,sobrang excited kasi talaga akong ibalita na ikakasal na kami.At naiintindihan ko rin naman si Miranda kong bat ayaw na niyang sumama sakin sa bahay.

Malamang nagka phobia na iyo'n Ikaw ba namang maka expercience nung na expercience niya kagabi tingnan ko lang kong gugustuhin mo pa bang maulit iyOn. Pagka park ko palang ng kotse ko ay nakita ko na agad si Beth na nag aabang sakin sa may bungad ng pintuan,Napangiwi naman ako dahil di ko inaasahang nandito pa pala siya.

" Hey Honey bat ngayon kalang ? " Salubong niya sakin di panga ako naka pasok sa bahay yan na agad ang salubong niya. * Tsk * Para naman siyang asawa ko kong umakto di ko nalang pinansin dahil baka mabad trip pa ako,good mood pa naman ako ngayon. 

Nang makalapit ako sa kanya ay agad niyang pinulupot ang mga kamay niya sa braso ko. Naasiwa naman ako kaya agad kong kinuha ang kamay niyang nakapulupot sakin." Si Mommy ? " Sabi ko nalang upang ibahin ang usapan.

" She's in her room. Ikaw san ka buong gabi bat ngayon kalang dumating diba sabi ko sayo kagabi balik ka agad. Alam mo bang nag antay ako buong gabi. ''

Napakagat labi nalang ako she really act like a nagger wife,si Miranda nga di ako ginaganito na girlfriend ko ito pa kaya na walang right. " I'm with my fiancee the whole night. " I said na ikinalaki naman nang mga mata niya.

" FIANCEE ?  is that I heard right ? " Ulit niya kaya tumango naman ako at nangitian siya. Marami pa siyang sinabi pero di ko na pinansin yun.


Nakitang kong papalapit samin  si Arah. Nakabusangot yung mukha nang bunso kong kapatid at alam kong dahil sakin yun. Nakalimutan ko kasing tawagan siya kagabi. 

" I hate you. " Salubong nito agad sakin kaya natatawang niyakap ko naman siya. " Baby I' am sorry kong di ako natulog dito. Kasi naglalambing ate Miranda mo eh. " Nakangising sabi ko. Nakita ko namang medyo umaliwalas na ang kanyang mukha at nawala na ang pagka busangot nito narinig lang pangalan ni Miranda.

'' Baby I have a good new's where's dad ? " Sabi ko kay Arah sabay pisil sa pisngi niya, " Pababa na rin sila ni Mom. What good news is that kuya ? "

" Mamaya na baby pag nandito narin si Mom and Dad para sabay-sabay kayong makaalam. " Sagot ko naman at malawak na ngumiti ewan ko at hindi talaga matanggal tanggal yung ngiti ko simula kagabi.

As expected masayang masaya si Arah sa nalaman papakasal na kami ni Miranda kabaliktaran sa mga magulang ko na galit na galit ang dami pa nilang sinabi pero di ko na yun inintindi.Huwag ko raw asahang dadalo sila sa kasal ko. Pero di man lang ako nasaktan sa sinabi nila dahil expected ko narin yon. 

Si Mommy yung galit na galit sakin,at kong ano-ano na naman ang sinasabi nito tungkol kay Miranda,mabuti nalang talaga at hindi na ito sumama. Pero hindi ako na lungkot man lang na wala ang mga magulang ko sa kasal ko,bahala na sila di ko rin naman sila pwedeng pilitin  di naman sila ang papakasalan ko.Kaya okay lang na wala sila ang importante sakin yung bride ko.

Dahil sa kagustuhan ni Miranda na sa huwis na muna kami ikasal ay madaling naayos yung dapat ayusin at itong araw ngang ito ang pinakamasayang araw ko.  Si Arah lang ang dumalo sa kasal ko at ni anino ng mga magulang ko ay wala. Yung sister in law naman ni Miranda at ang bestfriend nitong si Mich ang dumalo na pamilya niya nasa abroad pa kasi yung kuya Jerold niya at hindi pwedeng umuwi. Nag invite rin ako sa mga malalapit na kaibigan ko pero yung iba ay sa reception nalang dumalo.

Kahit simple lang ay masayang idinaos yung kasal namin at kahit panga wala yung ibang taong importante sa buhay namin ay hindi parin nabawasan yong sayang nadarama ko. " Happy Misis ? " Tanong ko kay Miranda nag byahe na kami patungo sa condo ko. Panandaliang sa condo na muna kami titira dahil di pa tapos yung bahay'ng pinagawa ko. " So much Babe. " Nakangting sagot naman niya.

" Alam kong maninibago ka sa buhay mo ngayon babe but i just want you to know that I gave you all the best that I can. Upang maging perfect yung pagsasama natin," Tanging nasabi ko nalang sa kanya at hinalikan ito sa pisngi. Simula palang ito sa bagong buhay ko kasama si Miranda at sisiguraduhin kong magsasama kami ng masaya ni Miranda na puno ng pagmamahal sa isat-isa.

                                                                                                                                                                                                             

 


" Hello Readers..... Di na ako naglagay nang details about sa wedding nila kasi may bonggang wedding pa naman sila soon eh,at isa pa huling flashback na kasi ito. kaya maikli lang.



God Bless You All!! ♥♥♥☻

We must say Goodbye ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon