" Arah kumusta na pala ang kuya mo. ? " Sabi ni Reena ang ina nila Aaron at Arah. Napatingin naman si Arah sa ina,seryoso lang siyang nag-aagahan kasama ang ina dahil nasa ibang bansa na naman ang kanyang ama upang asikasuhin ang kanilang negosyo doon.
Nagtataka nga ang dalaga kong bat nakasabay niya ang ina ngayon,Alam niyang may sadya ito sa kanya kaya sumabay ito sa pagkain niya. Ganito kasi ito saka ka lang sasabayang kumain kong may gusto itong sabihin sayo. At ngayon'y nagtanong nga ito tungkol sa kanyang kuya. Seven month na kasing kasal ang kuya niya,at mula noon ay hindi na ito nagawi sa kanilang bahay. Kahit nga nung Birthday nang kanyang ina ay hindi ito nagpakita nagpadala lang ito nang regalo sa ina.
" They're okay! live a happier life anak nalang talaga ang kulang. " Tanging sagot nalang nang dalaga sa ina.
" Kailan naman planong iwan nang kuya mo yung babaeng malandi na yun ? " Galit na sabi niyang muli sa bunsong anak,kaya agad na nag angat nang mukha ang dalaga at matamang tinitigan ang ina,baka lang kasi nagbibiro lang ito. Pero seryoso ang mukha nito.
" So iniisip mo paring iiwan ni kuya si Ate Miranda Mom ? " Naguguluhang tanong ni Arah.
" Ofcourse hija nahihibang palang kuya mo ngayon pero darating yung araw na pagsasawaan din niya ang babaeng mukhang pera na yun. " Nakangising sabi niya sa bunsong anak.
Iiling-iling nalang si Arah sa sinabi nang ina di nalang siya nagsalitang muli dahil hahaba lang ang usapan at alam niyang mauuwi lang sa away kong papatulan pa niya ang ina. " I need to go Mom. " Sabi niya sa ina,di na niya tinapos ang kanyang pagkain dahil nawalan na siya nang gana.
" But you didn't finish your food yet ? " Sagot naman nito nang mapansin ang plato nitong may pagkain pa.
" Sa School na po ako kakain ulit male-late na kasi ako eh. " Sagot naman niya at humalik na sa pisngi nang ina.
Na ready ko na lahat breakfast at yung mga damit na susuotin ni Aaron,pati yung sapatos niya nilinis kuna.Pero tulog parin ito napatingin naman ako sa orasan. Alas sais palang naman kaya di payon babangon. Naupo nalang muna ako sa sofa,Maaga palang naman kaya di ko na muna siya gigising.
Napapapikit na yung mata ko nang biglang nag-ring ang telephone. Nangunot naman noo ko sino yung tatawag nang ganito kaaga ?. " Hello Good Morning." Bati ko agad. Narinig kong tuwang-tuwa naman ang nasa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
We must say Goodbye ( COMPLETED )
General FictionKulang nalang lumuha ako ng dugo upang maibsan yung sakit na nararamdaman ko. Pero kahit anong klaseng luha pa ang iluha ko andun parin yung sakit tuwing naiisip kong hindi kuna pala muling mahahawakan yung anak ko. Hindi naman ito yung pinangarap...