Tristan's POVKasalukuyan akong nasa klase ng biglang huminto ang prof ko sa pag lelecture.
"Maya-maya nga pala dadating na ang transferee niyong classmate,apo siya ng dating principal sa school na ito pero ninang niya yung principal natin ngayon. Mag laan na kayo ng upuan diyan para sa kaniya." Saad ng prof namin.
Transferee? Nasa kalagitnaan na kami ng second sem nakahabol pa siya? Iniskip niya ba yung first sem?
Unfair naman yata 'yun na halos lahat kami todo review sa first sem tapos siya iniskip,nakapasa pa?
Sabagay,wag ka na mag taka Tristan,Ninang niya yung principal ngayon eh malamang sa malamang ipapasa nalang siya no'n.
"Oh speaking of!" Sambit ng prof namin. Sabay-sabay kaming napalinga sa pintuan ng biglang may pumasok dito.
"Hi,My name is Josh Dobre. Can I sit now?" Dire-diretsong sambit nito na parang walang nangyare. Na parang walang klase na nagaganap sa classroom na pinasukan niya.
He's kinda familiar to me. Parang nabanggit na sa akin yung pangalan at apelyido niya di ko lang alam kung saan o sino yung nagbanggit.
Narinig ko naman ang iba't ibang complimentaryo ng mga kaklase kong babae.
"Oh no Gosh ang pogi!"
"Ang tangkad naman niya!"
"Bakit ang serious ng face niya? Lalo tuloy siya nagmumukhang pogi!"
"May girlfriend na kaya siya?"
"Sa gwapo niyang yan impossibleng wala siyang girl friend!"
Bluh..bluh..bluh..
Mga babae nga naman pag nakakita ng pogi.
Except kay Nathalie ha!
Agad namang tumango ang prof namin,senyales na oo pwede ng umupo si Josh.
Grabe! Wala man lang sermon muna bago siya paupoin?
Palibhasa may itsura kaya ganon nalang kabilis matameme ang prof namin.
Great job sa kaniya ha.
Dumiretso naman sa landas ko yung Josh at tumayo sa harapan ko na parang may hinihintay.
Kanina medyo di ko siya pinagtutuonan ng pansin at ngayon na pumunta siya sa tabi ko bigla nalang ako napalinga.
"Get out of that chair." Masungit na sambit nito.
Wow ha,parang nagpapaalis lang ng aso.
"And why would I?" Tanong ko sa kaniya.
Last na nakipag away ako siguro nung sa JS Prom pa namin iyon sa kay Amier at mukhang may magaganap nanaman na gano'n ngayon.
"That's my chair,not yours." Walang emosyon nitong sambit.
"Binili mo?"
"Nireserve sa'kin."
"Binili mo?"
"Diyaan ang pwesto ko."
"Pag mamay ari mo?"
"No."
"Then stop acting like you own it." Matigas na sambit ko.
"Wow,pride. Gusto mo mapatalsik sa school na 'to or gusto mo mawalan ng girl friend?"
What the hell is he talking about?!
"Ah Mister Morris,there's still chair at the back,you can sit there. Naka reserve kasi talaga yan para kay Mister Dobre."
BINABASA MO ANG
The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy
Teen FictionNathalie is a sassy girl. Sexy ang katawan,Saksakan ng ganda at ubod ng bait kung hindi mo gagalitin. Other people know better than to mess her. 'Kala mo naman maganda','Ang arte naman nyan!','Tinuruan ba yan ng magulang nya kung ano ang maganda? An...