Tristan's POV
FREAK.Bakit sya pa talaga yung kailangan kung maging team mate. Hindi naman sa maarte ako pero may kasalanan pa sya sakin.
Hayssttt!!!
Kasalukuyan kaming nag lalakad ngayon papuntang canteen...
"Oh? Ano ba sa inyo treat ko na!"sabi ni Hayden
"Ah sge kahit ano nalang sakin...Salamat!" sagot ko sakanya
Ganon din naman ang sabi ni Keith kaya umalis na si Hayden
Maya maya lang ay dumating na si Hayden dala yung pagkain
Habang kami ay kumakain nila Keith at Hayden sa isang table ngayon dito sa canteen nag balik tanaw muna ako nung mga panahong nakilala ko sila Hayden at Keith.
Matagal tagal narin kasi kaming magkakaibigan. Hindi ko nga alam kung bakit kami nag kakasundo sa iisang desisyon eh!.
Naalala ko lang dati nung nagka kilala kami ni Keith binubully sya ng mga classmate namin dahil nga sa mukha syang nerd. Pero pinagtatanggol ko naman sya,kaso nga lang nadamay ako kaya tinambalan kaming nerd twins.
Si Hayden naman para ko na syang soulmate. Minsan sabay kami nabo
broken minsan naman sabay kaming naba busted sa mga nililigawan namin dahil nga ayaw ng mga babae ng nerds. Maaarte sila gusto nila yung kagwapuhan, hindi boring kasama at higit sa lahat hindi mukhang nerd. Yan yung mga katangian na hinahanap ng mga babaeng naligawan ko kaso lang lahat yan wala ako. Kaya yun simula ng mag kaisip ako na ayaw pala ng mga babae sa mga nerd HINDI NAKO UMIBIG PANG MULI.Nabalik nalang ako sa realidad ng may humampas ng table...Si Nathalie^_^
"Anong kailangan mo?" Mabilis kong tanong
"Hi I'm Nathalie, you're Tristan right?" Sabi nya na parang hiyang hiya.
Ewan ko ba kung bakit nandito tong babae nato.
"Oo tama ka ako si Tristan" walang emotion kong sabi.
Hindi ko alam ha! Pero ang hinahon nya magsalita hindi ko alam kung ganon talaga sya or sadyang nahihiya lang sya dahil sa nangyari nung enrollment.
"Can we talk?" Sabi nya sabay naki upo sa amin.
"Bro lipat muna kami ng table ha! Para mapag usapan din namin yung about sa grouping's" Sabi ni Keith sabay lipat sa kabilang table kasama si clementine.
"Ah Bro aalis nadin kami para may privacy kayo" Sabi ni Hayden sabay alis kasama si Jenna.
Haysstt!!
So yun na nga sinadya ata talaga ito nila Keith at Hayden para sakin kasi nga eto yung nirereto nila sakin na hindi naman ako interesado.
"Oh! Ano nga pala yung pag uusapan natin?" Sambit ko sabay kain ng sandwich
"Actually about sa groupings din to but first I wanna say sorry about dun sa nangyari nung enrollment" ahh...nagsosorry naman pala...
"Sadyang mainit lang talaga yung ulo ko kasi may menstration ako nung araw na yun so... I'm sorry..." sabi nya habang nakayuko.
"So..can we be friends?" Sabi nya sakin,pero nag nod lang ako
"Great!" Masaya nyang sabi.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Nathalie's POV
Buti nalang mabait si kuyang nerd at madaling magpatawad kaso ang awkward lang ng feeling kasi ngayon lang ako nag sorry sa taong may kasalanan sakin although kasalanan ko din naman kasi hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko tapos nasigawan ko pa sya.
BINABASA MO ANG
The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy
Teen FictionNathalie is a sassy girl. Sexy ang katawan,Saksakan ng ganda at ubod ng bait kung hindi mo gagalitin. Other people know better than to mess her. 'Kala mo naman maganda','Ang arte naman nyan!','Tinuruan ba yan ng magulang nya kung ano ang maganda? An...