📖 72

64 4 31
                                    

Nathalie's POV

Matapos ang lahat ng nangyari ay inaya na ako ni Tristan umuwi sa amin. May pasok pa daw kasi bukas, hindi pwedeng umabsent nanaman kami.

Kasalukuyan akong nakasakay sa kotse niya, patungo sa bahay namin nang bigla siyang mag salita, "Bakit ang tahimik mo?" nilinga ko naman siya, "Wala lang, di kasi ako makapaniwala na boy friend ko na ang isang Tristan Morris!" sambit ko habang abot tenga ang ngiti.

"Bakit? Mukha bang impossible na maging boyfriend mo ang isang tulad ko? Dahil ba nerd ako?" hindi niya ako nilinga at diretso lang ang tingin sa daan.

"Tan, hindi! Hindi naman sa gano'n. Ang ibig kong sabihin is parang dati lang mag kaaway tayo at halos di natin matignan ang isa't isa sa sobrang inis tapos ngayon tayo na!" masaya kong batid.

"Oy, ikaw lang kaya ang ayaw tumingin sa akin, ako palagi ko tinitignan galaw mo." sambit niya at marahan na tumawa.

"Ay, so dati pala nung mag kaaway tayo may nararamdaman ka na sa akin?"

"Oo, feeling ko kasi ang lungkot ng araw ko ayipag di kita nakikita. Okay lang tarayan mo ako basta nakita na kita okay na ako no'n" sangguni niya.

"Hahahha, corny mo ah!"

Luminga naman ito sa akin, "Pero seryoso nga, dati pa kita mahal. Remember the last time nung JS Prom natin? Tapos ako ang kapartner mo kaso sa iba ka nakipag sayaw, ang sakit kaya. Parang ang sarap manuntok,kaya tumahimik nalang ako." at tumingin na siya sa daan.

Natahimik ako bigla sa sinabi niya.

Grabe, ang tanga ko pala dati. Di ko alam na nakakasakit na ako.

"Sorry.." malambing kong sabi. Nilinga naman ako nito, "Okay lang, ang importante tayo na ngayon. Kaya wag kang sasama sa iba ha kundi babasagin ko mukha nila."

"Hahaha, oo naman.... I love you Tan." muli kong pnlalambing.

"I love you too." tugon nito.

Nang makarating kami sa bahay hindi na pumasok si Tristan at nagpaalam na babalik na siya sa bahay.

He kissed my forehead before he leave.

Nang maka alis na siya, pumasok na ako sa bahay at halos makasampal ako ng tao nang bigla akong gulatin ng dalawa.

"Hoy ano yun!" sabay nilang sigaw.

"Anong ano yun?" maang maangan ko naman kahit alam kong nakita nila ang pag halik mi Tristan sa noo ko kanina.

"Yung paghalik sa noo, ano yun?" at pinandilatan nila ako ng mata.

"Well, let me sit first."

I sit then saka ako nagsalita, "Hindi niyo man lang ba ako muna tatanungin kung bakit hindi ako naka uwi ng bahay kahapon?"

"Hindi!" sabay na sigaw ng dalawa.

"So anong meron sa inyong dala---"

"Kami na. "

Sumigaw naman ang dalawang impakta,"I knew it! We knew it! Nothing is impossible talaga, kahit ang isang sassy girl na katulad mo ay pwedeng-pwede mahulong sa isang simpleng lalaki katulad ni Tristan!"

Napangiti nalang ako sa pinag sasabi nila.

Nothing is impossible nga naman kahit ang una naming pagkikita ay mag kaaway and ngayon magka relasyon na.

"But Nathalie are you sure mahal mo si Tristan?"  tanong ni Jenna.

Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon