📖 66

97 7 26
                                    


Lucas's POV

Kasalukuyan akong nakain ng breakfast bago pumasok ng biglang mag salita si Papa, "Anak,next week na ang silver anniversary namin ng mama mo,dalhin mo naman ang girlfriend mo na si Daniella at ang mga kaibigan mo dito."

Bigla akong natigilan sa sinabi ni papa. Pag linga ko sa kaniya bigla kong nakita ang magandang ngiti ni papa.

Ngayon ko lang siya nakita na ngumiti sa'kin ng ganyan.

Meaningful smile.

Why do my heart beat so fast?

Napangisi nalang ako sa sinabi ni papa. Hindi ko alam kung matutuwa ako or kakabahan dahil hindi nila alam na fake lang ang relationship namin.

Pero bakit habang tumatagal mas lalong lumalalim yung pinag samahan namin at hindi ko alam kung bakit hindi ko macontrol ang sarili ko na may hangganan ang pag sasama namin.

Bigla naman ako natigilan ng sinumbatan ni Mama si Papa.

"No. He will bring Rhiana here. Rhiana is his girlfriend." Seryosong saad ni Mama.

Agad naman kumunot ang noo ko. Ano bang lason ang ipinakain ng Rhiana na 'yun sa Mama ko? Bakit ba gustong gusto niya ako? Pag ako talaga hindi nakapag pigil baka totohanin ko yung plano na---

"Jig,si Daniella ang girlfriend ng anak natin not Rhiana." Mahinahon na sambit ni Papa.

"As I've said si Rhiana nga ang girlfriend ng anak natin at hindi yung Daniella na 'yun." Medyo iritang sumbat ni mama kay papa.

"Jig,bakit ba ayaw mo maniwala sa anak natin at ipinagpipilitan mo 'yang Rhiana na 'yan? Eh hindi naman marunong rumespeto sa'tin yan bilang magulang ni Lucas eh. Ni hindi niya nga tayo kinakamusta puro si Lucas lang ang hanap niya sa atin."

"Eh malamang si Lucas ang boyfriend niya so technically hahana---"

"Stop it!" Pagputol ko sa sumbatan nila.

"Si Daniella nga ang girlfriend ko,Ma. Bakit ba ayaw niyo po maniwala?" Pilit pagiging mahinahon kong sambit.

"See? Si Daniella ang legal girlfriend,Jig. And also think of it,si Rhiana kapag pupunta dito ni 'hello tito or hello tita' manlang wala. Mabuti pa si Daniella ma-pa actual or sa Messenger nangangamusta at marunong gumalang. Gano'ng mga tipo ng babae ang gusto ko para sa anak natin,hindi yung dire-diretso nalang papasok dito para hanapin ang anak natin tapos pag may problema siya sa anak natin,dito mag e-emote. Okay lang naman mag emote dito eh pero kasi yung nagiging labas ng kaniya ay parang kailangan niya lang tayo dahil kay Lucas at ayoko ng gano'n,Jig." Paliwanag ni Papa.

Bigla naman akong natigilan sa sinabi niya.

Talagang boto na si Papa kay Daniella,pero ang tanong hanggang kailan kami mag papanggap? Paano pag nalaman ni Papa ang totoo?

Haystt! I need to think a great decision. 'Yung hindi ko pang sisisihan sa dulo.

But for now naguguluhan ako sa sinasabi ni Papa. Mapa actual or messenger? So nag cha-chat sila?

"N-nag uusap po kayo ni Daniella thru messenger?"

"Yes!" Nakangiting sambit ni Papa sabay subo ng letucce.

"B-but how? I mean in-add ka po ba niya sa fb? Siya po ba ang unang nah chat sa iyo? May sinabi po ba siya sa'yo?" Sunod-sunod kong tanong. Hindi ko kasi talaga mapigilan eh.

"HAHAHA,relax ka lang anak. Hindi ko siya aagawin sa'yo kasi may Jig na ako." Saad ni Papa sabay linga kay mama na inirapan naman siya.

"Hindi niya ako in-add anak,hindi rin siya ang unang nag chat sa akin. Gusto ko kasing makita kung talagang disente siya at pormal kahit sa social media or nagpapanggap lang. Hindi naman sa wala akong tiwala pero alam mo na nalason na ang isa sa atin at ako ayokong magpalason." Sambit ni Papa na batid ko kung sino ang tinutukoy na nalason at nanglason.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon