📖 61

85 9 25
                                    


Daniella's POV

Masyadong nakaka stress 'yung exam. Nag review naman ako pero parang nahihirapan padin ako.

Hindi ako masyado nakakasigurado na makakapasa ako pero nakakasiguro naman ako na hindi ako ang lowest kasi kahit papaano may alam ako.

Maya-maya lang ay ipanapasa na ng prof namin yung bubble shit at test paper namin at ng makapag paalam na siya ay agad na akong lumabas ng classroom namin para kumain.

Di na ako sumabay kay Clementine kasi mukhang may date sila ni Keith. Tsaka sinabi din sa'kin ni Clementine na wag daw muna namin ayain si Tristan at Nathalie para magkaroon sila ng time for each other,kaya naman 'eto ako ngayon mag isa.

Ayoko namang ayain si Lucas. Una sa lahat hindi ako ganong tao na mag aaya ng makakasama ko lalo na pag lalaki. Kung gano'n rin lang naman eh kakain nalang ako mag isa,di ko naman kailangan ng makakasama para kumain eh.

Pag labas na pag labas ko ng classroom namin hindi ko inaasahan na makikita ko si Lucas duon.

Nakasandal siya sa bakal at naka cross ang mga braso habang nakatingin sa pinto ng classroom namin na parang may hinihintay. Mukhang bored na bored na siya pero hindi ko alam kung anong pakay niya dito or bakiy siya nag hihintay.

Nang makita ako nito agad siyang umayos ng posisyon at lumakad papalapit sa akin habang kunot ang noo.

"Why are you so late?" Salubong nito sa akin.

"Huh?" Pagtataka ko.

Anong so late pinag sasabi nito?

"Di ba nasabi ko na sa'yo" walang emosyong sambit nito.

"Ang alin?"

"I told you before na hihintayin kita ngayon,didn't I?" Medyo naiirita na nitong sambit.

Napalunok nalang ako.

"P-pasensya na ngayon lang kami pinalabas ng prof namin,so ano ngang pag uusapan natin?" Mahinahon kong sambit.

"Follow me" masungit nitong sambit.

Palagi nakang 'tong bossy. Although gano'n naman talaga ang mga bad boy pero naiinis parin ako.

Nang makarating na kami sa cafeteria agad kaming umupo sa isang bakanteng table saka nag usap.

"So ano nga 'yun?" Pag papaalala ko sa kanya.

"Later,after your class hihintayin kita ulit. Hindi dahil mag de-date tayo kundi dahil dadalhin kita ulit sa bahay. My mom wants to see you again together with my dad." Seryosong tono nitong sambit.

G-gusto akong makita ng mommy niya?

Natatakot nanaman akong mapag salitaan ng hindi maganda katulad nung una akong dinala ni Lucas sa bahay nila para ipakilala na Girlfriend niya.

>>>FLASH BACK<<<

Kasalukuyan kaming nasa kotse ni Lucas papunta sa bahay nila.

"Why are you look so nervous?" Pag basag ni Lucas sa katahimikan habang nag dri-drive.

"K-kasi ipapakilala mo ako sa parents mo as your girlfriend." Nauutal kong sambit habang di mapakali.

"So what's the big deal about it?" Walang linga-linga nitong sambit.

"Never pa kasi akong nagka boyfriend na ipinakilala ako sa parents nila." Sambit ko.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon