Tristan's POVMay ngiti kong kinuha ang susi ng kotse ko sa ibabaw ng ref saka dumiretso sa kotse ko.
Kakatapos ko lang mag ayos ng sarili. Nakakain na ako at nakaligo. Nagpabango,nag ayos ng buhok at nagtoothbrush. Hindi ko alam kung bakit excited ako.
Maybe dahil ito ang pangalawang beses nang pag kikita namin ni Nathalie bilang mag boy friend at girl friend.
Pinaandar ko na ang makina ng kotse ko at minaneho papuntang unibersidad.
Dumiretso na ako sa school, sabi kasi ni Nathalie duon nalang kami magkita atsaka wag ko daw muna siya sunduin kasi baka paulanan ako ng tanong nila Jenna at Clementine.
Tumawa nalang ako at sinunod ang sinabi niya.
Galit ba sila sa'kin?
Nagulat?
Di nila ine-expect na magiging kami ng kaibigan nila?
Hayst.
Nang makarating sa school ipinarada ko ang kotse ko sa parking lot at bago pa ako makababa biglang may humampas sa bintana ng kotse ko, "Hoy! Lumabas ka diyan!" wala man sa sarili dahil sa gulat ay nilinga ko ito at gusto kong manuntok dahil ang nakita kong humampas sa bintana ng kotse ko ay sina Keith ay Hayden.
"Ano bang problema niyo?" kunot noo kong tanong nang makababa na ako sa kotse. "Bro, akala ko ba best friends tayo? No keeping secrets diba? Pero bakit may tinago ka samin?" apila ni Hayden.
Hindi ko sila maintindihan.
Ano ba pinag sasabi ng mga mokong na 'to? Wala ba sila sa sarili?
"Anong sinasabi niyo?" tanong ko. "Wag ka nang mag maang-maangan bro! Just tell us why you did it?" sambit ni Keith.
'yung totoo? Nakadrugs ba ang mga' to or nantritrip lang? Hindi ko malaman kung seryoso sila or nang go-good time lang eh.
Isineryoso ko ang mukha 'saka nagsalita, "Diretsohin niyo na ako. Ano ba yun?", Nagkatinginan ang dalawa at sabay na tumango,"Dalaga na si TTT!" sabay na sambit nila.
Huminga ako nang malalim atsaka nag salita, "Gusto niyo basagin ko yung salamin na suot niyo, sa mukha niyo mismo?" mahinahon kong sambit pero deep inside nanununtok na.
Bakit kailangan nila ipag sigawan? At ano ako? Babae? Dalaga? Ano yun?
Sabay na tumawa ang dalawa na mas lalong nagpainit ng ulo ko.
Kanina lang ang saya-saya ko, ngayon wala na ako sa mood.
"Kung mang-go-good time rin lang kayo, sana ginaling-galingan niyo,kasi nabaliktad niyo ang mood ko." seryoso kong sambit. "Ito naman si Tristan di mabiro!" sambit ni Hayden. "Siyempre bro, binata ang perfect term diba? Binata ka na TTT ay... Tristan na pala kasi di ka na torpe!" sigaw muli ni Hayden.
This time medyo na lighten up ang mood ko.
Sa wakas, wala na akong maririnig na TTT sa mga bunganga nila.
"Grabe ka bro! Nawala ka lang saglit pag balik mo may girlfriend ka na! Iba din!" sabat ni Keith.
Di ko na napigilang matawa ng mahina dahil sa pinag sasabi nila.
Sana dineretso nalang nila ako kanina, hindi yung may pa 'dalaga na si Tristan' pa silang nalalaman na nagpainit ng ulo ko.
"Ganyan na ba ang epekto kapag wala kami sa paligid mo, bro? Nawawala pag ka torpe mo?" tanong ni Hayden. Mabilis ko itong tinugunan, "Oo! Kaya simula ngayon layuan niyo na ako para di na ako mahiya kay Nathalie pag nandiyaan siya sa harapan ko." napangisi naman ang dalawa, "Ayun! So proud to say the name of your girlfriend?" tanong ni Keith.
BINABASA MO ANG
The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy
Teen FictionNathalie is a sassy girl. Sexy ang katawan,Saksakan ng ganda at ubod ng bait kung hindi mo gagalitin. Other people know better than to mess her. 'Kala mo naman maganda','Ang arte naman nyan!','Tinuruan ba yan ng magulang nya kung ano ang maganda? An...