📖 4

564 190 70
                                    


Nathalie's POV

Kasalukuyan kaming nasa bahay ngayon nag reready bago pumasok

Nag plantsa lang ako ng uniporme ko at sinuot nadin. Hindi ko na pina plantsa yung uniform nila Clementine and Jenna, hindi naman siguro sila tamad para mag pa plantsa pa sakin diba!

Nag pa bango lang ako at niyaya na ang dalawa pumunta sa school.

"Girls tara na" Aya ko sa kanila.

"Girl wag kang excited mag-si-six o'clock palang 7:00 am pa yung pasok natin" angal ni jenna.

"Hayaan muna Jenna baka excited lang makita si Kuyang Nerd or should I say Tristan" Sambit ni Clementine sabay, tumawa ang dalawa.

"Mga baliw talaga kayo!" Pasigaw kong sabi.

Wala na nga akong nagawa kundi hintayin nalang yung oras. At para hindi ako maboring nag cellphone nalang ako.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Nang makalipas na ang ilang minuto niyaya ko na ulit ang dalawa.

"Girls ano na? 6:20 am na" i said it without emotions.

Tumingin muna silang dalawa sa sa isa't isa saka tumawa.

Parang mga baliw ^_^

"Tara na nga excited kasi tong si Nathalie eh!" Ta-tawa tawang sabi ni Clementine.

Nang makarating na kami sa school agad na kaming dumiretso sa classroom. Buti nalang at saktong pagdating namin dumating narin ang aming values teacher.

Nag attendance muna sya bago mag pa present ng team work.

Bigla nalang may bumato ng crumpled paper sa ulo ko dinampot ko naman yon at pagka bukas ko may nakita akong sulat sa loob.

__________________________
Ano ready ka na ba? Tayo una eh!

-Tristan
_________________________

Agad naman syang hinanap ng mga mata ko at nang mahagip na sya ng mata ko nakita kong nakatingin sya sa akin at tila nag aantay ng sagot.

Nag thumbs up naman ako na nangangahulugang Oo ready na ako.

Nang matapos nang mag attendanced ang aming guro agad nya namang tinawag ang pangalan naming dalawa ni Tristan. Agad naman kaming tumayo papuntang harapan medyo kinakabahan lang ako konti kasi ito yung first team work ko sa school na to,pero ok lang saglit lang naman to eh. Nabigla nalang ako ng may idikit na dalawang cartolina si Tristan sa pisara.

Yung isa may whole heart and broken heart na nakadikit yung isa naman broken heart na napapaligiran ng iba't ibang uri ng mga babaeng may ka relasyon at walang ka relasyon

Wala naman to sa usapan namin pero ok na yun baka may plus points din to.

"Good morning Miss Cantres,Good morning classmates this is our definition of love" Bati nya sa aming guro at mga kaklase.

"For me love is not just all about happiness. Pag nag mahal ka dapat handa karing masaktan kasi hindi mo alam kung hanggang saan lang yung relasyon nyo" sabi ko sa aking guro.

Pag katapos kong mag paliwanag tumingin naman ako kay tristan na parang sinasabi na sya naman ang mag bigay ng kanyang opinyon.

"Para sa akin naman po ang love ay nag rerepresent ng pag katao kasi yung iba halos ibigay na ang lahat-lahat para lang sa love yung iba naman sa sobrang desperada kung sino sino nalang yung kina karelasyon at minsan naman yung ibang babae tumitingin lang sa physical na pag katao gusto nila yung katanggap tangap sa paningin nila. Gaya ko po mam walang may gusto sakin kasi nga nerd yung paningin nila sakin" malungkot nitong paliwanag sa aming guro.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon