📖 24

147 56 7
                                    


Jenna's POV

Kasalukuyan akong nasa kotse ni Nathalie,pauwi na kami at mag liligpit ng gamit para nga sa camping na gagawin namin bukas.

"Jenna,na message mo na ba yung dalawang mag jowa?" Tanong sa akin ni Clementine.

Ay oo nga pala ime-message ko nga pala yung dalawa.

Agad ko namang kinuha yung cellphone ko para i-text ang dalawa.

_____________________________
Daniella Elijah Fortez

Sis,mag ca-camping kami sa kanila Tristan,ang hirap ipaliwanag kung bakit pero kery mo bang sumama?magliligpit na kami nila Nathalie ng gamit namin kasi bukas pupunta na kami kanila Tristan. Kasama nga pala namin sila Hayden and Keith. Pakisabihan nalang din yung jowa mo:)

Sent: 12:56 pm✔

___________________________

Sana makasama si Daniella para masaya na ang lahat.

Makalipas lang ang mahigit limang minuto ay nag reply na si Daniella.

___________________________

Daniella Elijah Fortez

Ah oo kery naman. Nahihirapan lang ako mag kumbinsi kay Lucas kasi ayaw nya sumama tapos ayaw nya din ako payagan kasi gusto nya nasa tabi nya lang ako palagi,ewan ko ba dito sa babe ko pero wag kang mag alala,sasama ako actually nag liligpit na nga ako ng gamit ko ngayon eh si Lucas, naman panay ang balik ng gamit ko sa cabinet kapag kumukuha ako tapos nilalagay ko sa maleta.

Receive: 1:03 pm✅
__________________________

Grabe! Ganon na ba ka-protective yung jowa nya..

Sana may nag ga-ganon din sakin.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa bahay.

"Haysst! Kapagod umupo lang" sambit ni Clementine.

Napansin ko lang mag-mula nung sinabi sa amin ni Daniella,na umiyak si Nathalie, parang may nag bago kay Nathalie di ko lang mawari kung ano,pero may nag bago sa kanya.

Nang makapasok na ako sa kwarto ko agad kong hinanap ang maleta ko.

Nang mahanap ko na ito,agad akong kumuha ng damit na sakto lang para sa..

Teka, Ilang araw nga pala kami duon?

At dahil hindi ko alam kung ilang araw kami duon,dumiretso ako sa kwarto ni Nathalie para magtanong.

"Nath?" Tawag ko sa kanya.

"Bakit?" Tanong nya sakin.

"May tatanong sana ako sayo,pero bago yun,bakit hindi ka pa nag liligpit ng gamit mo?" Naguguluhan kong tanong sa kanya ng makita kong hindi pa sya nakilos para mag ligpit ng gamit.

"Ah kasi.. hindi ako sasama" walang emosyon nyang sambit na ikinagulat ko.

"What?! Bakit di ka sasama? Sumama ka na kasi malungkot dito pag na iwan kang mag isa! Gusto mo ba yun?" Sambit ko na may halong pangu-ngumbinsi.

"Syempre ayoko,pero wag mo nang itanong kung bakit,sige na ano ba yung itatanong mo?" Walang emosyong tanong nito sakin.

At dahil na beastmode ako di ko pinansin yung tanong nya,dumiretso nalang ako sa labas kay Clementine,nalang ako mag tatanong.

Di pa ako masyado nakakalayo sa kwarto ni Nathalie,ng bigla akong nakarinig ng tinig.

"Fine! Fine! Sge na mag liligpit na ako ng gamit ko" sambit ng isang pamilyar na boses na ikinatuwa ko naman.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon