📖 29

115 26 22
                                    

Nathalie's POV

Kasalukuyan kaming nakain ng niluto kong ulam na ginataang hipon ngunit di maalis ang mga mata ko sa magiging expression ng mga mukha nila para malaman kung nasarapan ba sila sa luto ko.

Habang nakain ay nakaabang ako kung sino ang mag re-reklamo sa niluto ko.

"Yumm!!" Nasasarapang sambit ni Jenna habang nakain ng niluto ko.

Medyo napanatag naman ako sa sinabi nya.

Does it mean ba na marunong na akong magluto?

Matagal ko ng pinag aaralan yang recipe na yan dahil bukod sa paborito yan ni Keith eh paborito rin yan ni Mama kaya gusto ko malaman kung paano ko lutuin.

Dati kasi minsan nasobrahan minsan nakukulangan ang pag luto ko sa ginataang hipon minsan naman matabang.

Matapos kong malaman ang feedback ni Jenna ay sumubo narin ako para malaman kung masarap nga ba talaga ang luto ko.

Hmm..mukhang masarap nga talaga!

I'm so proud of my self! Nagawa ko din ang tamang lasa sa wakas!

"Sinong nagluto nito?" Malamig na tonong tanong nang isang pamilyar na boses.

Agad naman namin syang nilingon.

"Bakit,Trist? Panget ba lasa?" Tanong ng pinsan ko sa kanya.

"Di naman,pero I'm asking kung, sino nga ang nagluto?"

"Si Nathalie,bakit?" Tugon ni Clementine sa tanong nya.

Lumingon lang sya ng saglit sakin tapos bumalik na din sa pagkain.

May problema pala sya pero di nya sinasabi samin.

Kaya nya siguro nasabi sakin na hindi nya ako kaibigan dahil sa problema nya.

'Kaibigan nya nga ba talaga ako?'

'Tumigil ka nga dyan Nathalie! Sya na mismo nag sabi na hindi kayo mag kaibigan! So wag ka ng mag assume na kaibigan padin ang turing nya sayo!

Ano ba 'tong utak na to! Nag aaway na naman!

Makalipas lang ang ilang minuto ay natapos na kaming kumain.

Niligpit ko lang yung pinag kainan ko at nag babalak na ako ang mag hugas ng plato.

Nang mailagay na lahat ng pinag kainan sa lababo ay aktong ku-kunin ko na sana ang sponge para ipangkuskos sa mga plato ngunit may pumigil sakin.

"Ako na dyan,Nath!" Sambit ni Keith.

"Ok" hinugasan ko lang ang kamay ko at umakyat para sana maligo.

Kumuha lang ako ng su-suotin at tuwalya saka ako pumasok ng banyo.

Makalipas lang ang ilang minuto ay natapos na ako sa pag ligo ko.

Nag bihis lang ako ng t-shirt na pinatungan ng jacket at sa pang baba naman ay black denim pants.

Nag jacket ako dahil napaka lamig ng hangin sa labas tapos medyo maambun ambun pa.

Balak ko sanang umalis. Ang boring dito puro kain,tulog,kain,tulog lang kami dito.

Habang nag aayos ng mukha ay bigla nalang bumukas ang pinto.

Iniluwa nito ang isang magandang babae.

"Saan ka pupunta,Nath?" Tanong ni Daniella.

"Ah dyan lang,kahit saan,kung saan ako makarating" sunod-sunod kong tugon.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon